"Bestieeeetoooooooollllll!!!!" malakas na pagtawag ni Rose kay Peks.
Napabalikwas naman ng bangon ang isa sa gulat.
"SUNOG!! SUNOG!! May sunog ba?! "😱😱 halos atakihin sa kaba ang Peks.
Di naman makahinga na sa kakatawa ang Rose dahil muli na namang nabuo ang umaga nya.
"Bestietol naman! Yung totoo? Tuwing madaling araw ka ba tumitira? Lakas ng trip mo eh ke aga-aga." 😣😒😵
"Sorna tol, ang cute kasi ng itsura mo kapag natataranta eh!" di pa din sya matigil kakatawa.
"Hay naku, kesa ako pinagtitripan mo. Bat di ka maglamyerda sa may labas. Balita ko madami daw guests ngayon sa beach ng Tito mo. Baka mahanap mo na sa wakas si Mr. RIGHT. "😁🤗🤗
"Alam mo tol, pampasira ka ng good vibes eh. Di ko kailangan yan okay? Lovelife is no life for me. Single is forever. No heartbreaks, no breakups."😉
"Dami mong sinasabi. English english pa! Sabihin mo limang taon ka ng di nakakamove on sa EX mo!"😆
"Hoy! Wag ka ngang sumisigaw! Baho ng hininga mo! Magtoothbrush ka na nga!"😂
"Iniiba mo lang usapan eh. Bango kaya to!" sabay hinga sa mukha ni Rose.
"Kadiri ka!!"😷 sabay takbo paalis.
Sa labas napahinto naman si Rose ng maalala yung sinabi ng bestfriend niya.
"Tama kaya si Peks.. siya ba talaga yung dahilan bakit takot pa din akong magmahal ulit? Di pa din ba talaga ako nakakamove on?? "😔
Nasa malalim siyang pag-iisip ng bigla siyang tapikin ng kaibigan.
"AY! Pektong baluga!" 😲😲
"Grabe ka na talaga saken tol ah."😕😕
"Sorna, sorna! (habang tumatawa) ikaw naman kasi nanggugulat ka."🤣
"Pero tol.. oo, oo ang sagot sa iniisip mo. Magmove on ka na kasi. Sayang naman yang ganda mo. Maraming foreigner dyan, mamili ka na."
"Sira! Ayoko ng tisoy."😒😒
"Ay! Affected pa din talaga. Osha, hanap tayo ng baluga."😂😂
"Nakakainis ka talaga!"😆
"Tara na nga sa tambayan, ipagluto nalang kita ng dilis, tuyo at sinangag. Diba paborito mo yun??"😊😊
"Talaga tol??? 😍 Nakuu.. (sabay yakap sa kaibigan) pano nalang talaga ako kapag nagkagirlfriend ka na." 😩
"Alam mo tol nararamdaman ko talaga, malapit na ko sagutin ni Valeen."😚😚
"Talaga ba? Eh diba sinapak ka nga niya nung isang araw kasi inakbayan mo bigla."😒
"Syempre tol.. babae, pakipot muna. Bibigay din yun. Tara na nga!"😉😉
"Taas tol no? Taas ng confidence level mo. Dinaig Mt. Everest."😌😌
Masayang kumain at nagkwentuhan ang dalawa sa tambayan nilang kubo malapit sa dagat.
YOU ARE READING
"Stuck with EX"
FanfictionIs there really second chance? Is love really lovelier the second time around? Ano kayang mangyayari sa muling pagkikita ni Rose at Alden? Will the lost love and connection rekindle? Magkabalikan pa kaya o lalo lang magkalayo? Sabay-sabay nating...