Ella POV:Kasalukuyan akong nakatayo sa harapan ng canteen at hinihintay umikli ang pila ng mga bumibili.
Muntikan na akong masubsob mula sa aking pagkakatayo ng may biglang tumulak mula sa aking likuran kaya agad akong lumingon at tiningnan ng masama ang dalawang taong naglalandian." hoy! Kung maglalandian kayo siguraduhin ninyong wag dito sa canteen dahil kainan ito hindi HOTEL! at tsaka ikaw girl kung ako sayo iwanan mo na yang jowa mo at iiyak ka lang sa huli"
at tinapik ko sa balikat yung babaenaglakad na palabas ng canteen dahil nawalan na ako ng ganang kumain.
Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng aming paaralan papunta sa aking classroom ng may biglang naka bunggo sa akin."I'm sorry girl it was an accident" maarteng saad ng lalaking nasa harapan ko habang pinupulot ang mga librong hawak nya kanina.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.
Actually Hindi namn sya tunay na lalaki dahil isa syang binabae.
Ngumiti ako ng nakaka loko at hindi rin naman kasama ang mga bakla sa kinaiinisan ko dahil isa rin sila sa biktima ng mga lalaking manloloko.
Tinulungan ko sya sa pag pupulot ng mga librong nakakalat."Thank you sis" saad nya habang kinukuha ang mga librong nasa kamay ko.
"By the way , ako nga pala si Matheo Lucas Agustin, Lucky for short" naka ngiting saad nya habang nakalahad ang kanang kamay. Tinanggap ko naman ang kamay nya at nag pakilala
"Ella Le Minnie Forester , just call me Ella"
"Saan ang room mo?" Tanong ni Lucky
"Dun sa dulo , section B " sagot ko naman at nagpatuloy na sa pag lalakad
"Wait " muling tawag nya
"Classmate pala tayo transfer student kc ako"
"Ahh OK"
Magkasabay kaming pumasok sa loob ng room at
Umupo ako sa sarili Kong upuan malapit sa may bintana
YOU ARE READING
WARNING !!!! Dont fall inlove with the boy!
RandomIsang babaeng halos isumpa na ang mga lalaki sa sobrang pagkamuhi sa mga ito. Dahil sa nasaksihang paghihirap ng kanyang Ina sa piling ng kanyang ama. Paano kapag isang araw biglang dumating ang natatanging lalaking itinakda para sa kanya, maiiwasan...