*toot toooot* "Ughhhhhhh.. Umaga na naman...." Umaga na naman, oras na naman para pumasok sa school. *tok tok* Pumasok yung robot na maid namin. Lagi siya ang nagdadala ng breakfast ko dito sa kwarto. Sabay noon ay pipindutin ko ang switch para magkaroon ng table sa harapan ng aking kama. "Breakfast Served" sabay labas ng robot.
Pinagmasdan ko ang paglabas ng robot namin. Ang mundo ngayon ay nasa loob na ng isang automated system. Ito ay isang system na nagaallow na maka-access ang iba't ibang technology sa bawat bansa. Totoo kaya yun? Totoo kaya na meron talagang tao na hindi gumagamit ng teknolohiya? Sa tingin ko kasi, hindi ako mabubuhay ng wala ito. Kahit sino naman sa mga oras na ito e. Pano kung walang internet? Paano kung walang robot? Paano na? Paano kung wala na yung microchips na ilalagay nalang sa headphone para automatic na mamememorize mo lahat ng kailangan mong imemorize? Ang hirap... Ang hirap ng buhay ng walang teknolohiya.
Bumaba ako ng bahay, "Good Morning, Mayumi. How's sleep?" Ngumiti lang ako. "I'm fine, Rana" Nakalimutan kong ipakilala. Si Rana ang robot namin. Sa totoo lang, bago lang siya dahil nasira yung luma naming robot dati. Lahat sila ay nakakaintindi at nakakapagsalita ng iba't ibang lenguwahe, pero mostly, english ang salita nila. "Mayumi, your parents gave you this." Inabot sakin ang 5,000 pesos. "It's your allowance this day. They said they need to extend a week at Laguna for business issues." Lagi naman e... Sanay na ako. Nakikita ko nalang ang parents ko siguro ay once every two months. Pero ayos lang, nandito naman ang technology e. Walang kaproble-problema. Wala ring hard feelings dahil alam ko, ganyan din ang magiging buhay ko paglaki ko.
Naligo ako at nagbihis. Nagayos ng buhok at sumakay sa car namin. "Where do you want to go madam?" "At Makati Technological College" sabi ko. "Searching.. Makati Technological College.... Map downloaded." Isa siyang automated system. Isesearch niya ang map ng lugar na gusto kong puntahan at diretso na. Inantok ako bigla, sabagay 30 mins pa naman bago makapunta don. Umidlip muna ako.
*tooot toooot tooot tooot, cannot access map, system failure, sytem failure* Paulit ulit... Ano nanaman kaya ang nangyari sa car na to. Maayos pa naman to a at never pang may nabalitang nagfail na kotse katulad nito! Nakakainis naman o! Anong oras na baka malate ako! Lumabas na ako ng car..... Paglabas ko, nagulat ako ng biglang nagbago ang itsura ng paligid. Maraming puno at mga halaman. Ang gaganda ng mga bulaklak. Ang lawak ng lupain at ang sarap ng simoy ng hagin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Kakaiba.... Ito na kaya ang sinasabi ng guro namin sa History? Teka... Baka nananaginip lang ako!! Hindi maaari to! Binatukan ko ang sarili ko. "AAAAAAAAAAAH! Ang.. sakeeeeeeeeet."
Naglakad lakad ako... Nagiisip kung paano makakabalik. Ang tanga ko, kaya nga merong cellphone diba? Kinuha ko sa bulsa ko. *System Failure* Kinuha ko ang Headphone ko at nilagay ang microchips. *System Failure* "Bakit lahat nalang system failure?! Nasaan ba akooooooo?!?!"
"Ateeee. Ang ingay nyo po, natutulog yung tao e!!" Huh?! Sino yun???? Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko. Wala namang tao. "Ate... nandito ako sa taas." Sa taas?? Tumigin ako sa lagit pero wala siya. Ibig sabihin... "MULTOOOOOO!! Please maawa ka sa akin, hindi na kita gagambalain sa tulog mo!!!"
"Ano bang pinagsasasabi mo! Nandito ako sa puno" Napatingin ako sa puno. Napamulat ang mata ko at parang ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundo. ANG GWAPO NIYAAAAA. Yung complexion niya is maputi, ang katawan niya ay katamtaman at ang mga mata niya ay medyo singkit. Mukha siyang foreigner pero Filipino ang wika niya. Teka, ang alam ko e English na ang wika ngayon a? Kaya ko lang sinasanay ang sarili ko sa wikang filipino ay para maging top ako sa klase ko. Pero ang alam ko, bihira nalang ang nagsasalita ng filipino ngayon?! At bakit ganyan ang damit niya parang wala sa uso? Hmm.. Parang yung damit ng mga RPG na nalalaro ko. Yung parang fantasy type. Bumaba siya sa puno. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. "Parang bago ka ata dito, ate?" "Huh? Nasan ba kasi ako, at anong oras na??" "Nandito ka lang naman sa Manila ate at alas dose na."
"MANILAAAAAAAAAAAAAA?!" Napasigaw ako dahil ang pagkakaalam ko e, maraming buildings at punong puno ng kotse ang manila. "Kuya wag mo nga akong pinaglololoko! Ang Manila punong puno ng technology... punong puno ng buildings... punong puno ng kotse" Napatingin ako kay kuya at nakita ko ang expression ng mukha niya. Di maipinta! Natawa ako. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" "Anong nakakatawa?" sabi ni kuya. "Wala... Hahahaha! Para kasing ikaw pa yung walang kaalam alam e!" Napangiti din siya... Ang.. Ang cute niya.... "Ate alam ko yung feeling mo. Isa din ako sa nawarp dito sa lugar na ito matagal tagal na... Tech-user ka no? O sabihin nating, tech-user ka sa mundo nyo dati?"
"Na-warp? Anong na-warp? DIN? Ibig sabihin, galing ka din sa mundo ko?" tanong ko sa kanya. Ang gulo! "Oo ate, alam ko gulong gulo ang isip mo. Pero alam ko masasanay ka din katulad ko. Ako nga pala si Dane." Dane.. ang ganda ng pangalan. "Ako si Mayumi. Teka, wala bang kotse dito para makapunta na tayo sa pinakamalapit na bayan? Gutom na ako e." "HAHAHAHAHA! Kotse? Walang kotse dito, Mayumi." "HAAAAAAAAA?! Pano tayo makakapunta sa bayan kung walang kotse?!" "Simple lang, maglalakad tayo." MAGLALAKAD?! TINATAMAD AKOOOOOOOOOOOO.. Pero walang magagawa, gusto ko ng kumain. Ano ba tong mundong napasok ko? Paano ako makakabalik? Ano pa kaya ang pwedeng mangyari sakin???
End of Intro
---------------------------------------------------
Introduction palang... Sorry kung nakakalito. Medyo halo kasi ng time warp, sci fic, fantasy e. Maiintindihan nyo rin yan afterwards... Try lang yung kwento! :D
BINABASA MO ANG
3033
Ciencia FicciónIn the year 3033, technology has eaten the world. People abuse the world's benefits and forgot to thank it's Gods. Mayumi ,in the car, is on her way down to school then suddenly fell asleep.When she woke up, everything changes, and all she encounter...