I

7 0 0
                                    

"Check your altitude!"
"Correcting."
"Wag ka lang tumingin sa instruments, visual flying tayo diba?"
"Yes Captain, nahirapan kasi ako mag-focus."
"Bakit ano bang dapat di ika-focus? Halos pitong instrument lang at horizon ang titignan mo!"
"Sorry po Captain."
"Just focus, walang magagawa sorry pag patay na tayo parehas."

Ganda naman kasi naman ng Instructor ko eh, kahit sigawan ako oks lang basta siya sumigaw hahahaha, jusko.

"Oh mag ready ka na mag-landing. "

Pakitaan ko nga to malupit na landing, ilang gabi na din akong puyat kaka-practice sa flight simulator nung malaman kong siya pala ha-handle saamin.

"Reduce your power, slowly descend, and align your aircraft to the runway!"

Shit. Mukhang papangit image ko sakanya ah hirap talaga mag-landing. Hirap din mag align, lalo na pag nakaka-panic sa ganda yung instructor. Pucha yung pawis ko sin-laki na ng mais eh.

"Plaridel Tower, this is Cessna RPN-142"
"Cessna RPN-142, Plaridel Tower, go ahead."

"Practice more Mr. Ruscano, hindi yung magrarason ka sa susunod na di ka maka-focus."
"Yes ma'am"

Kasi naman Captain eh ganda niyo kasi. Swerte siguro ma-gustuhan nito, ganda na, piloto pa tapos parehas pa kami ng Alma Mater. Mukha pa nga siyang bata eh, baka naman ka-batch ko siya tapos yung mga tipong di mo inaakalang ganda na lumalabas lang pag nakahawak na ng eroplano hahahahaha. Matanong nga kay Jad kung may shota na si ma'am.

'Oy jad, alam ko talagang sa canteen kita makikita eh."
"Ano nanaman ba?"
"Diba tropa mo si Capt. Seola?"
"Oo man, bakit?
"May.... may pumo-porma ba dun?"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Ano nakakatawa dun?"
"Gago! Di kayo talo nun!!"
"Ha? Tangina tibo yun?"
"Ay hindi ba bakla ka?"
"Ha? Ano?"
"Tanga joke lang, pero realtalk di kayo talo nun. May pinopormahan yun sa control tower, yung sa may baba."
"Si kaea?"
"Oo yun ata, basta yung matangkad na medyo may bangs."
"Panong medyo may bangs pano yun? HAHAHAHA"
"Kasi yung uso na mga parang bunging bangs ganun."
"Bakla ka gago bakit alam mo hahahahaha, sige balik na ako sa apartment ko baka makasira pa ako dito. Kaasar!"

Tanginaaa, tibo pala siya. Iyak na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SwitchedWhere stories live. Discover now