Chapter 1

9 0 0
                                    

"You'll watch the championship basketball game, later, Ris?" Tanong sa akin ni Alani.

"I guess hindi na. I'm quite busy pa eh," I replied.

"You sure? I heard ang kalaban pa naman is yung Ledevrille's University," sabat naman ni Castria.

Natigilan ako. Compose yourself, Eris. Nagpatay-malisya ako. "And?" Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.

"Hello? Ganoon ka ba kapreoccupied sa buhay at hindi mo alam na ang ex mo ang captain ball sa Ledev?" Inirapan ako ni Castria.

"Oh, talaga?" I shrugged. "Malay ko ba. Ni hindi ko alam na magaling pala yun?" A lie. Alam kong magaling yun.

Napaawang naman ang kanilang bibig sa gulat. Hindi kasi ako attentive sa buong relasyon namin ni Traven. At saka, 4 months lang kami 'nun. Ibang school kami. Nagkikita pero hindi madalas. Hindi siya nanloko, ako ang nakipagbreak kasi nawawalan na ako ng oras sa kanya at imbes na getting to know each other ang buong relasyon eh label lang ang meron kami.

Kung yung iba, label ang hanap. Kami naman, may label pero hanggang don lang. So, I broke up with him last last week, thinking he deserve someone who can give him everything and that's not me. Don't get me wrong, I loved him but it's a no. Besides, we're both a dean's lister so I guess we should just study harder.

"Busy ka ba talaga, Ris? O ayaw mo lang kasi 'di ka pa nakakamove on?" Tanong ni Alani. Here we go again. Kung anu-ano sasabihin, mapasama lang ako sa kanila. Half true naman iyong sinabi niya.

Umirap ako. "Lani, I'm the one who left, remember?"

"Ay, tama," tumango tango pa si Alani.

"Sumama ka na, Ris, please?" Pagmamakaawa ni Castria.

I sighed. Hindi naman talaga ako busy. Sadyang ayoko lang makipagsiksikan roon. Really? O ayaw siyang makita? Hay. "Sige, pero can we have a spacious place?"

"Sige!" Hinila naman nila akong dalawa.

Nang nasa loob na kami ng gymnasium kung saan gaganapin ang laro, naghanap agad sila nang mauupuan. 3:36pm pa lang at balita ko 4:30 pa daw magsisimula ang laro.

"Doon tayo malapit sa board members na manonood para spacious kamo!" Parang batang ani ni Castria.

"Hey, Cas, board members ba tayo ha?" Pagtataray ni Lani.

"Andoon naman parents natin, eh! Diba, Ris?" Pagtatanong ni Cas.

"Nope. Dad won't come. Plus, nakakahiya. We're not part of the board. Parents lang natin kaya baka isipin ng iba biased?" I said.

"Eh you want a spacious place diba?" Cas looked confused. Isip bata talaga.

"Pwede naman siguro roon?" Turo ko sa pinakataas na bleachers. Walang tao roon kasi gusto nila sa baba.

"Ang hirap doon! Hirap bumaba pag gutom!" Cas pouted.

"Just buy a lot of food," Alani pinched her cheeks.

Umupo kami roon at talagang bumili si Castria nang maraming pagkain. Akala mo'y naggrocery na ito. Sabi niya para sa amin din daw iyon kaya't kumain kami habang nanonood. Ang daming nagtutulakan pagkanagkakashoot. May mga banner ang iba na tila ba'y nasa concert kami ng sikat na sikat na Hollywood artist kung makareact.

May cheering squad din ang dalawang school. I used to be the cheerleader but I quit since I'm now a volleyball player and a basketball player too for girls. Minsan nama'y nagbabadminton sa intrams. Every year, depende sa gusto kong salihan. Parte din ako ng dance troupe namin at glee club. It's not my talent, I guess it's more like a skill for me.

Nang natapos na ang game, pababa na sana kami sa bleachers nang narinig kong natawag ang pangalan ko.

"Eris!" Tawag ng isang basketball player. Tiningnan ko ang suot nitong jersey. Ledev.

Nakakuha iyon nang atensyon dahil naroroon pa ang karamihan dahil nagchicheer pa sila. I don't want to get attention too much since I hate to be on the spotlight but I can feel the stares of the girls who's crazy for this players.

Lumapit sa akin iyong taga-Ledev. "You're Eris, right?"

Tumango lamang ako.

"I'm Brylex, a friend of Traven. Can you do us a favor?" He asked.

"Ano yun?" I asked.

"Picture kayo ni Trave. Kahit 'di kami nanalo, iyon nalang, paniguradong matutuwa iyon," he weakly smiled na tila bang nasasaktan para sa kaibigan.

I felt guilty. May kasalanan ako roon, alam ko. I know we'll work our relationship out but I decided to end it. Para iwas sakit.

"I think you should agree, Ris. Picture lang naman," Alani shrugged.

"Yup, plus, mag-usap na rin kayo," Cas smiled at me.

I smiled at Brylex. "Sure."

"Yun oh!" He smiled. Sumunod ako sa kanya at narinig ko ang kantyawan ng buong team ng Ledev. Our relationship is not a secret to everyone.

Inakbayan ako ni Trave sa pictures and at the moment, I feel happy being close to him again. Noong una ayaw niya sanang akbayan ako kasi pawisan daw siya but I told him it's okay.

Pagkatapos roon, nagulat naman ako nang biglang hinila ako ng kapatid ko na si Elcris. Isa siya sa basketball players ng school namin, Vermont Casvard   Univeristy.

"You're supposed to be cheering for us, Eris. Pasalamat ka't wala si Dad ngayon kaya nakakapagpicture ka sa gagong 'yon," Ngumisi siya.

Inirapan ko ito. "Lagi nalang mainit ang ulo mo kay Trave!"

"Ang kalaban ay kalaban, Ris," he shrugged. Trave's family owns the company which is our rival. Lagi silang nakikipagkumpitensya sa company namin na rank 2 in the Asia. Dad's chill with that rank at hindi niya na gusto pang ma-rank 1. Wala naman daw sa rank iyon. Basta ba'y may maitutulong sya sa lipunan, pahalagahan ang mana ng aming lolo at mapalaki kami nang matamasa ang marangyang buhay ay maayos na sa kanya.

Tumingin ako sa grupo ng basketball team ng school namin. Hindi ko close ang mga 'yon dahil wala akong interes na kaibiganin sila. I glanced at that guy. He was looking at me? Or baka nag-aassume lang ako. He look so handsome and well-built.

May lumapit na babae galing sa likod ko sa kanya at naisip na baka iyon nga ang tinitingnan nya. Napailing nalang ako sa sarili kong iniisip at umiwas ng tingin sa kanya.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko. Dumating naman ang driver ko at nauna na akong umuwi dahil may victory party pa daw sila Kuya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Denial PartnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon