Chapter Eleven- Oh no!

543 10 1
                                    



Ughhhh. -____- Ang ingay nilang dalawa, basag na basag na eardrums ko dahil sakanila!


"Hoy Gina at Demi! Manahimik nga kayo! Kanina pa kayo tilian ng tilian diyan!" Sigaw ko sakanilang dalawa.


Tumingin lang sila sakin at nag kwentuhan ulit, Buset talaga!!! Hindi ako pinansin.


Si Demi, sobrang sigla na nung bruha. Nung pinakilala ko sa kanya si Gina ayun nag kwentuhan na at mas Friends pa sila kaysa sakin. Nag seselos na ako, huhuhuhu. Joke lang. Pero nakakainis kasi talaga ang ingay nila.


Hindi namin Classmate si Gina pero grabe talaga bonding moment nila.


"Swerte mo si jowa mo atih! Gwapo ba?!" -Gina


"Oo! Kyaaaaaaah! Ang swerte ko nga sakanya ih, hihihi." -Demi


-___- hindi halata, Kung makapag hanap nga siya ng gwapo dito wagasan. Nako, pag uwi talaga ng boyfriend niya isusumbong ko siya, sasabihin ko nakikipag landian siya. 


Jukonle ^_____^



Tumunog na yung bell.. it means, kailangan na naming pumasok sa room namin at pag na late nanaman ako! nakooo, Inagahan ko na ngayon kaya pag sinabi ulit ni ma'am na late ako at pag lilinisin nanaman ako. Aba, mag papakamatay nalang ako.

Nakakatakot kaya kagabi. Buti nalang nandun si Gina, Na inakala kong multo!


Tinignan ko yung dalawa. May sarili silang mundo kaya hindi nila narinig yung bell.


Pumunta ako sa harap nila at nag pamewang.

"So hindi pa kayo tapos sa pag kwe-kwentuhan nyo? Nag bell na kaya!"

Tumingin sakin si Demi "Seryoso?"


Tumango ako at tumayo na siya.


"Uy Gina! Thanks sa time ha? Bukas ulit?! Hihihi, Bestfriends na tayo!"


Pinalo siya ni Gina sa Braso "Oo bey! Naker! Thank you so much! Sige, Bye Bestie! hihi."



I Rolled my eyes. Kitams? Bestfriend na sila. Pero sa tingin ko okay lang na maging kaibigan namin si Gina. Sabi ko nga, Mabait siya, kaya ok na ok!



nag simula na akong mag lakad at sinundan naman ako ni Demi.


"Friend na natin si Gina diba? Sarap niyang ka-kwentuhan eh."

Anong lasa? -_-


Tumango ako "Yep."


Ang sama naman ng mga kaibigan ni Gina na sabihan siya ng mga masasakit na bagay.. Well, sabagay, masama naman talaga sila. Magkalat daw ba ng kung anu-ano tungkol sa akin? Tss.


Pumasok na kami sa room at pag kapasok ko, agad kong nakita si Kurt na parang may hinihintay habang may hawak na Red box.


Umupo ako sa tabi niya. Ehem.. pigilan ang kalandian katabi ko na siya, kaya dapat behave lang..


Ngumiti ako sakanya "Hi!"



Ngumiti rin siya sakin, Shems, parang mahihimatay ako sa ngiti na yun. KYAAAAAAAH!



Nagulat ako nung inabot niya yung red box na hawak-hawak niya sa akin.

Ano 'to? Mag po-propose na ba siya sa akin? Di pa ako ready! Kinikilig ako shems. KWAAAAA.




"A-ano 'to?" tanong ko habang hawak-hawak yung red na box.


"Yan yung gusto ko sanang gawin at ibigay sayo noon pa kaso, wala akong oras eh."



Oo nga pala, naalala ko na.. nung first day nung sinabi niya na mag ba-bake siya at ibibigay sa akin. Nakalimutan ko na yun ah. Pero naaalala niya pa? Eme, eme, Emegeeeeeed.


Binuksan ko yung box.. Woah, andaming cookies.

"ikaw gumawa neto? Seryoso?"



Tumango siya "Tikman mo."



Kumuha ako ng isa at kumagat.


O.O Holy batman of Asdfghjkl. 
Heaven sa sarap! 



"Ang Shalap.. G-gwabe! Isha pa!"


Sumubo ulit ako ng isa pero this time buong buo .

T____T Grabe, ang sarap! Huhuhu.


Tumawa siya "Mabulunan ka! Dahan-dahan lang!"


Nginitian ko lang siya. hihihi, chalap.


"Glad you like it."


Kwahh, parang ayaw kong kainin para remembrance.. pero sayang kung hindi ko kakainin to! Huhuhu.


Sinarado ko yung box at agad na nilagay sa bag ko.

" bakit? ayaw mo ba?" tanong niya sakin.


Umiling ako. ayaw daw? Nako! kahit pangit lasa gugustuhin ko basta ikaw yung gumawa! 


"Tinago ko lang.. baka kasi manghingi si Demi eh." sabay turo kay demi na nasa harap.



Palipat-lipat siya ng upuan..Pag gusto niyang makipag harutan sa akin nasa tabi ko siya pero  pag gusto niya mag-aral (kahit hindi naman kasi gwapo lang katabi niya sa harap) nasa harap siya


"ahh.."



Nakita ko si Flynn na pumasok ng room na may ngiti sa labi.
Grr.. naalala ko nanaman yung hinalikan niya ako! Buset.


Biglang nag kasalubong yung tingin namin, mas lalong naging malawak yung ngiti niya.. actually hindi na siya ngiti, ngisi na siya.


 kasunod namang pumasok si Sir Jun sa room. 

Na medyo high blood?



"Go back to your seats!" Sigaw ni sir.



Nagulat yung mga classmate ko. biglang tumahimik at umayos yung mga tao sa room.
Anyare kay sir? hindi naman siya ganito eh. baka may nangyari, something.. well i don't care.


Hinilot ni sir yung ulo niya habang nakatayo sa harap.


"yan ba proper seats nyo?!" tanong ni sir.


Nag opo kami.


"Ngayon ko lang napansin... Alphabetical order tayo ngayon!"



Nooo! Sir noooo! wag nyong isabay yung init ng ulo nyo sa seats namin! Huhuhu.


tumayo yung isa kong classmate "But sir---"


"No buts! tayo agad! Alternate din.. Lalaki, babae, lalaki, babae. Gets?!"




Andaming nag dabog.. andaming nairita. Well, totoo naman, nakakainis! hindi ko na makakatabi si Kurt huhuhu! Pati narin si Bestey!


Tumayo kaming lahat at tinawag na ni sir yung mga names.


habang naaglilipat, andaming nakabusangot, yung iba naman. nakangiti.. Weird!


"Amira Cheon!"


Agad-agad akong tumabi sa lalaking nag ngangalang, Stephen Buria..Ata?


Nginitian niya ako.. nag half smile lang ako. Kaurat! Pinalipat pa kasi.
Harap na harap pa ako! Hindi na ako makakapag daldal neto! tss.


"Flynn Foustorilla."


Nanlaki yung mata ko at napatayo.
Ang layo ng letter 'C' sa 'F'. Wtf? Bat ganon?!


"meron kang problema Miss Cheon?" Tanong sakin ni Sir


"Bat letter 'F' po agad eh diba po 'C' palang?" tanong ko


"wala kayong classmate na lalaki na letter 'D' at 'E' ang apilyedo."


Napanganga ako. Seriously? Bat ba lagi akong malas? Bwisit.


Umupo ako ng padabog, umupo narin si Flynn sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin, humarap lang ako sa board. Ayaw kong makita yung pag mumukha niya.


Hinihintay kong makaupo si Bestey at si Kurt. Si bestey, tuwang-tuwa dahil pogi parin katabi niya, pero wala parin talagang tatalo sa ka-gwapuhan ni Kurt.


Si Kurt naman walang pinag bago yung upuan. dun parin siya sa dulo. Villaroel kasi siya eh, Hayst.



So buong year katabi ko si Flynn sa subject ni sir? How great! Ansaya talaga! Grabe! Wooooh! -_-


"talagang pinag tagpo tayo ng tadhana no?" sabi ni Flynn.


Humarap ako sakanya na may pandidiring mukha "Kapal ng mukha mo."

"wag ka nang mag deny! crush mo lang ako eh!"


Mas makapal pa sa encyclopedia yung mukha ni Flynn! Gwapo nga siya pero.. Arghh.


"Alam mo ang kapal talaga ng mukha mo! walang kweb=nta ka gwapuhan mo kung wala kang alam." Sabi ko,


Ngumisi siya "Pano mo nalaman na wala akong alam?"


inirapan ko lang siya, hindi ko sinagot yung tanong niya.


"ibabalik ko na yung mga long test nyo."  sabi ni Sir.


Inabot sakin ni Sir yung Long test ko.


43? not bad.. up to 50 lang naman eh.. Sinilip ko yung paper ni Flynn.


Pffftttt! 24? Hahahaha.. wala nga talaga siyang alam!


tinaas ni Flynn yung papel niya "Ah sir, mali po yung nabigay nyo sakin, hindi po sakin to." sabay abot niya kay sir ng test.


Kinuha naman ni sir "ay oo nga.. oh eto."


Sinilip ko ulit..



O___O 49? What? Hindi pwede! napaka daya! Etong mokong nato naka 49 sa math?! 


Tinignan niya ako.


"H-hindi yan totoo! nangongopya ka lang! Imposibleng maka 49 ka!" sabi ko.


Imposible naman kasi talaga.. Napaka slow niya at napaka antipatiko! Argh.


"Alam kong medyo slow ako pero.. Wala eh, matalino talaga ako."



Ugh..


Sinilip niya papel ko.. Agad ko namang tinago. nakakahiya to! 


"43? you need to study harder!"



Arghhhh! 


"so ang highesr natin ay si Flynn."


Nag palak pakan yung mga classmate ko except sakin.

Nginisian ako ni Flynn. I hate you! I really hate you!


"Oh," Sabi ni sir "Pati rin pala si Kurt! 49 din yung score."


Biglang nawala yung ngiti ni Flynn. Ako naman yung ngumisi at pumalapak.


"Wooh! Galing ni Kurt!"


Tumingin ako sa likod para makita yung mukha ni Kurt, Naka ngiti siya sa akin.


Kyaaaaaah! Nakakakilig buset! 


Napa tadyak nlang si Flynn dahil sa inis. 


HAHAHA


*****




"Hindi na tayo ganong nag sasama-sama ah." sabi ni Ryzen habang hawak-hawak yung cellphone niya at nag tetext. Ata?



Nasa Cafeteria kami ngayon.. kumakain lang ako ng Sandwhich, busog pa ako eh. Nabusog ako sa cookies ni Kurt .


Nag bubulong-bulungan nanaman yung mga tao sa paligid. Yung iba matatalas yung tingin sa akin. Dito pa kasi ako pinaupo ni Charles eh! 


"Kailangan ba nating magsama-sama araw-araw?" tanong ni Kurt.


Agree ako kay Babes.



"Yup, tyaka ilang years narin tayong magkadikit.. halos hindi na tayo mapag hiwalay.. siguro ngayon, kailangan na natin ng space kasi ga-graduate na tayo. hindi naman tayo mapapa graduate ng Popularity natin." sabi ni Charles habang nag p-PSP.



Woah! Words of wisdom ba yun? Haba nun ah O.o


"Unbelievable Dude!" sabi ni Flynn kay Charles.


Kumakain si Kurt ng Salad si Flynn naman.. Ewan ko. I don't care!
Si Demi? Nasa labas kausap boyfriend niya..


Nakakahiya ata dito, ako lang yung babae dito..


Kinalabit ko si Kurt "Lilipat ako.. ako lang babae dito eh."



Tinignan niya ako "Ano naman? Wala namang problema dun ah?" sabi niya.


Kurt naman eh! Intindihin mo ako! huhuhu.


"hindi! di mo kasi alam eh." Bulong ko parin.



"anong hindi ko alam? Sabihin mo sakin."



"Kasi---"


natigil ako sa pag sasalita ko dahil  tumayo si Flynn ng padabog! Habang naninilisik yung mata.

Whoa! Whoa! Anong nangyari dito?



-Flynn's POV-



Fvck..Just.. Fvck. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin! 


Just fvck Flynn! Bakit ako umaakto ng ganito? Bakit?



"whoa dude!" Sigaw ni Charles habang papalabas ako ng cafeteria.


I don't know..

Pag tinitignan ko silang dalawa na magkasama.. I feel..


I feel pissed..


Bakit ako maiinis? Arghh..


Everytime i caught myself looking at her.. Kay Flat. Not just looking but Staring at her.




The way she smiles, the way her hair falls to her face.. 


Her eyes.. The way they sparkle.


Fvck! Anong iniisip ko? Seriously? Hindi ko tipo ang mga babaeng ganon.. Babaeng inosente yung mukha.. And flat.. No. Just.. No



-Kurt's POV-


Now i know.. Na may gusto si Flynn kay Amira.
Hindi ako mag tataka..


pero hindi ko siya papayagan.. Nope.



-----------------------------------


(a/n:) Kwaaaaaaaa! T_T Im so sorry kung late na ako mag UD tapos maikli pa. Huhuhu. Anyways! Thanks for the reads! At sa patuloy paring bumabasa <3 Hihihi.

Ay, Flat ChestedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon