Chapter Nine- Omg! Gay?

680 11 1
                                    

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

Sana naman hindi na mag bago ugali neto ni Flynn. Mas gusto ko siya pag ganito eh. Oy! Hindi ko siya crush ah! i mean yung parang mas maganda kung ganito ugali niya, mas bagay sa itsura niya. Edi perfect na diba?

kumaway ako sakanya "Sige na! Ba-bye!"

"Sige." umalis na siya at pumasok na ako ng bahay.

Grabe! Hindi ko akalain na magiging mabait siya ngayon.

Paulit-ulit ako no? pero anbelibabol kasi sa isang unggoy—- sige sabihin na nating imposible sa isang Flynn Foustorilla na maging mabait at maayos kausap. Parang once in blue moon ganon.

Pero mas angat parin talaga si Kurt ng ilang paligo.

T___T naalala ko nanaman siya!

Tinanggal ko yung salamin ko at nilapag sa lamesa namin..

Hindi ko muna susuotin to, siguro mag momove-on na ako .

Joke lang! alam kong hindi kami at masyado akong assumera! Tsk! Masama bang umasa na may gusto din siya sakin? Hays </3

Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko si Demi na inaayos yung higaan.

Napansin niya atang pumasok ako kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

"Oh, bat ngayon ka lang aber? San ka nagtungo at alas-otso kana umuwi?"

Napatingin ako sa orasan.

Hala, 8 o'clock na nga. Di ko namalayan.. Siguro napatagal yung kwentuhan namin ni Flynn sa mga walang kwentang bagay kaya ganon..

Teka.. Diba nag landian sila ni Kurt? Aba! Muntik ko nang makalimutan.

"Bakit? Masama ba?" sagot ko.

Umupo siya sa higaan "Hindi naman.. i'm just worrying.. baka mapahamak ka sa daan."

Aww, nag aalala sakin si Bestie! Huhu. sige para sakanya mag paparaya na ako.. Hihiwalayan ko na si Kurt. Baka kasi sila yung meant to be tapos sisirain ko. Huhuhu. Kahit masakit. kakayanin ko.

Biro lang, Akin parin si Kurt my lab lab of my layp.

Umupo rin ako sa higaan dahil pagod narin ako.

"Ay teh! May chika ako sayo! haba ng hair mo!" sabi niya sabay palo sa braso ko.

nagulantang yung Ear drums ko dun ah, at kung makapalo lang eh! wagas wagasan daw ba?

pinalo ko din siya "Ansakit ng palo mo! sige i-share mo na sa maganda mong bestfriend." sabi ko.

"Echosera, hindi ka maganda!"

tinignan ko siya ng makisakay-ka-nalang look.

"Hindi ka maganda! Dahil Diyosa ka!" sabi niya.

Good! XD kala ko hindi siya makikisakay eh, kung hindi, bibigwasan ko to!

"Ano ba kasing iku-kwento mo! Binola mo pa ako eh! kwento mo na nga dali."

"So hindi makapag hintay te?"

Kita mo -___- pinapabilisan ko na nga yung pag k-kwento mag rereklamo pa.

"Ay nako.. Ayaw ko na, bala ka nga diyan. Ang sakit mo sa ulo." sabi ko sabay higa sa kama.

Maya-maya muna ako mag papalit ng damit, tinatamad akong tumayo eh.

"Sige sige, eto na.. Tungkol kay Kurt."

bigla akong napaupo nung sinabi niya yung pangalan ni Kurt.

Ay, Flat ChestedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon