Maraming beses na din akong nakasaksi ng pag-iibigan na alam kong hindi na magwawakas, maliban nalang sa kamatayan. Minsan nga kahit sa kamatayan ay nananitili ang pag-ibig ng isa para sa kanyang kabiyak. Magmula sa aking mga magulang na hindi natatakot ipakita kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hanggang sa kaibigan kong hindi na ata matatapos ang pagmamahal sa koreanong sinosoportahan nya. Wala ng bago sa aking paningin sa tuwing nakakakita ako ng mga taong nakangiti dahil sa pag-ibi. Ang ipinagtataka ko ang ay bakit may mga taong nasasaktan. Bakit kahit anong ganda ng pag-ibig ay may mga tao pa ding ito ang nagiging dahilan ng kanilang pagluha.
Malaya at sigurado ako sa aking mga sinasabi sapagkat ako mismo ay biktima na rin ng"akala" kong masayang pag ibig. Pag-ibig na kahit anong pagiingat at paghawak mo, kung talagang mali na kusa na din itong kakalas. Kusa at normal na itong magwawakas.
Buong akala ko, Masaya sya. Ako nalang pala.
11:11 pm. September 28, 2017.
Tahimik ang gabi at wala ka ng halos maririnig sa labas kundi ang ingay ng mga sasakyan na mabilis na nagpapatakbo dahil sa wakas ay maluwag na ang kalsada. Ngumiti ako ng Makita ko ang oras at nagdasal, humuling ako na sana ay makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Pampapagana lamang sa mahaba kong pag-aaral mula kanina pa.
11:12 pm. September 28, 2017
Kasing bilis ng aking paghiling ang sagot sa akin. Nakangiti ako sa harap ng aking telepono kahit pangalan pa lamang nya ang nakikita ko. Isinarado ko ang mga librong nasa haapan ko. Handang ipagpalit ang pag aaral makausap ka lamang.
Pero mali ako, unti unti mga ngiti ko ay naglaho dahil sa tatlong pangungusap na nakita ko sa screen ng teleponong hawak ko.
"Patawadin mo ako hindi ko na kaya. Pagod na ako at nagsawa na ako sa halos ilang taong naging tayo. Tapusin na natin to, salamat sa lahat"
Gusto kong isipin na sana niloloko lang ako ng mata ko pero alam ko din naman sa sarili kong hindi. Dahil ngayon pa lamang nanlalabo ang mga mata ko, ngayon pa lamang namumuo ang mga luhang naging sagot ko sa kanyang mensahe.
"bakit...?" nawala na ang lakas ng aking sistema para itipa sa aking telepono ang kaisa isang tanong na meron ako.
Sa tahimik ng gabi, iisang tanong lang ang paulit ulit kong binubulong kasabay ng aking paghikbi.
"bakit" paulit ulit, hanggang sa napagod na ang mga mata ko. Sila na ang kusang bumigay.
Unang araw
Hindi ko itatanggi ang sakit na meron ako sa araw na sumunod.
8:30 am. September 29, 2017
Anong nangyari? Bakit bigla nalang naglaho ang isang bagay na dati ay punong puno sa ating dalawa. Pero hindi ako pwedeng pangunahan ng pagod ko sa pag iyak buong gabi at ng sakit na meron ako. Hindi ako papaya na hanggang dito nalang ang dating walang hanggan naming pangako sa isa't isa.
"hindi ba pwedeng bigyan mo ako ng mas magandang paliwanag?" hindi ko pa alam kung paano ako dinala ng mga paa sa lamesa kung nasaan sya at ang kanyang mga kaibigan ay naiusal ko na kaagad ang tanong ko sa kanya.
Siguro ay nakaramdam na din ang kanyang mga kaibigan kaya naman kusa na din silang nagpaalam at hinayaan kaming mag usap.
"pakiusap o, kahit isang paliwanag lang. yung mas medaling tanggapin. Pakiusap" naupo ako sa harap nya at sinubukang hawakan ang kamay nyang nasa lamesa. Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bitawan nya ang kamay ko.