SA PAGITAN NG IYAK AT HALAKHAK

3 0 0
                                    


Simulan natin sa saya
Halakhak natin o sinta
Mistulang kay ganda
Simulaing nababanaad na

Mga araw na kay saya
Mga araw ng pagsinta
Mga araw na kay ganda
Simusibol na ligaya

Sundan natin na luha
Teka kay bilis naman ata?
Komplikado ngang talaga
Kay bilis unti-unting nawawala.

Lumbay dumating na,
Lungkot bakit dumating ka pa.
Aayusin naman niya di ba?
Pipiliin niya ay ako na.

Teka bakit kanito,
Ako'y tila nalilito
Puso ko'y nagdidiliryo
May pag asa pa ba ang TAYO.

Tayo ba hanggang sa huli?
Pagtaya ito ba ang sukli?
Ikaw at ako nga ba ang pinili?
Tayong dalawa na lang ang mawili.

9:57 pm

talaTULAANg SawiWhere stories live. Discover now