Mahal mo? Bakit mo binaliwala!

1 0 0
                                    

Mahal, bakit ka nawala?
Iyan ang tanong mo sa akin bigla.
Mahal, bakit ako nawala?
Pabalik kong tanong ngunit ika'y na gitla.

Minsan natanong mo na ba ang 'yong sarili?
Kung bakit ganito ang aking pinili.
Ang mas pahalagahan ang aking sarili,
Kaysa sayo ako pa ay manatili.

Nakakapagod din pala ang ganito,
Ang intindihan ka, pero asan ba ako?
Importante pa ba akong totoo?
Mahalaga pa ba talaga ako sayo?

Andito lang ako sayong paligid.
Pero bakit tila ako ay nasa gilid,
At sayo ay laging taga-masid.
Mapansin man o hindi ay naka-aligid.

Patawad kung ako'y nagsawa na.
Paumanhin kung ako'y napagod na.
Mahal kita pero sobra na.
Mahal kita, pero sarili ko'y mas mamahalin ko na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

talaTULAANg SawiWhere stories live. Discover now