Chapter 1

91 7 7
                                    

Hi guys, una ko to eh. Hihi.

-

"Mama, may tao 'ata sa labas."

mahinahong sabi ko kay mama.

"Pa'no mo nalaman?"

"Parang may nadinig akong kumatok eh."

"Eh bat mo sa'kin sinasabi? Ikaw ang nakarinig, kaya ikaw ang sumilip. 'tong batang 'to."

Luh! Grabe 'to si Mama!

"Fine." Ayun ako din ako lumabas para silipin kung sino. Sarap sarap na nga ng pagkakahiga ko sa sofa e. May doorbell naman kami ah. Ba't kakatok pa? Yung totoo? Tss

"Mauie?" Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, sya agad ang nakita ko. Ang pinaka walang kwentang bestfriend ko! Ugh, ano nanaman sasabihin neto? Nilipat ko ang tingin ko sa kasama nyang babaeng, hindi pamilyar sa akin. Sino s'ya?

"Hmm?" yan lang ang nasabi ko.

"Ah, Mauie, ako nga pala si Reign." Iniabot nya ang kamay nya sa akin para makipag-shake hands ngunit di ko iyon tinanggap sapagkat wala akong pakeelam kung sino man sya. Yeah, I'm a bad girl.

Nahiya yung babae kaya agad nya ding binaba yung kamay nya at yumuko.

"Mauie naman! Girlfriend ko sya kaya wag mong ganyanin."agad tumaas ang kaliwa kong kilay sa kanya. Aba! Ang kapal neto? S'ya na nga tong sumira sa pag rerelax ko eh! Bwiset!

Sinarhan ko sya ng pinto. Naasar ako eh. Tagapagtanggol amp. Tss.

Paakyat na ko nang kumatok ulit sya. Ano ba 'to?!

"Ano ba gusto mo?!" Irita kong sabi.

"Eto naman si Mauie, parang 'di ko bestfriend." Arrrghhh! Eto nanaman yung favorite line nya sa tuwing naiinis ako sa kanya! Nag-g-guilty kasi ako sa tuwing nadidinig ko yan eh!

"Tss. Ano ba gusto mo, BESTFRIEND?" ARTE KASI EH!

"Umm, Asan si Tita Crizzette?" Ay, arte talaga? Kailangan pa si mama?

"Ba't kailangan pa s'ya? Grr." Nagtitimpi lang talaga ko ng galit. Kasi 'di pa natatanggal yung galit ko sa kanya simula nung sabado. Yung iniwan nya ko sa ere sa party e, samantalang sya yung nagyaya sakin na pumunta dun. Nagpumilit pala. Iniwan nya ko kasi, may lakad daw sila ng tropa nya, psh.

"Ipapaalam muna kita kay tita criz, maiwan ko muna kayo ni reign." Ano? Teka, ayoko maiwan sa babaeng 'to!

"T-teka lang! Alam mo ba kung nasan si Mama?" Ih, syempre alam nya na! Kaya nga sya aakyat eh! Yan pa! Lagi naman nasa bahay namin yan eh! Feel at home lagi! Tsk.

Di nya ko pinansin, nagpatuloy lang sya sa pagtakbo pa-akyat sa sala namin sa 2nd floor. Hindi naman kalakihan ang bahay namin. Meron lang apat na palapag. May garden at may pool. Maaliwalas ang loob ng bahay dahil sa naglalakihang bintana.

Anyway, naiwan ko sa babaeng to. Rey? Hindi ba pang lalaki yun? Basta ganun! Mas mabuti pang papasukin ko na lang 'to kesa ang awkward namin dito sa labas.

"Pasok ka na lang." Pagkasabi na pagkasabi kong yun, naglakad na ko papuntang hagdan, yung tipong pang catwalk na lakad? Taray ng lola mo.

Umakyat ako at iniwan si rey sa baba. Yeah, bad girl~

Naabutan ko sina Mama at Ashton sa sofa at nag uusap. Nang makita nila ako, agad nagpaalam si Ash kay mama at tumango naman sya.

Lumapit sakin si Ash at sinabing "Magbihis ka na, may date tayong tatlo nila reign." Reign? Ah! Reign pala! Akala ko rey! Hindi ko alam kung para saan ang date pero agad din akong nagbihis. Ano bayan! Epal naman to ni ashton eh! Ang saya sayang magbasa ng My Tag Boyfriend ni MaevelAnne sa watty eh! Tss.

Nang matapos akong magbihis, agad akong dumiretcho sa kotche ni ash. Nang magkasabay kami ni reign sa pag hila ng pinto sa front seat. Tinignan ko sya mula ulo mukang paa este, mula ulo hanggang paa habang naka taas ang kilay ko kaya agad namang syang yumuko at pumasok sa likod. Ha ha ha. Girlfriend ba talaga to ni ashie? Oo, ashie. Gay, right? Yung ex nya sobrang taray nun. Kaya magkasundo kami. Kaso nasa america sya, sa kanya pa naman ako boto. Tss, kesa sa weak na to. Ay, mean ko ba? Sarreh. .\/. This is me eh.

Ay, anyway, I'm Mauie Charlott Lawson and I'm 16 years old. 4th year high school sa Bluehills academy. At school, I'm known as the Campus Idol kasi, I'm always top 1. Mabait daw hindi lang nila alam kung mabait ba talaga ako. Active sa lahat. Role model (daw). Kinaiinggitan nila ko. Tss, di naman nila alam kung ano ba ang meron sila na kinaiinggitan ko.

Hindi ako dapat kainggitan. Broken family kami. Dad cheated on mom. Nakakainis. Masama bang patayin ang sarili kong tatay sa isipan ko? Hindi nyo din masasabi. Sya ang may dahilan kung bakit nagbago si mom.

Yung dating sya na ma-asikaso, ngayon sya na yung panay higa, upo jan, utos samin.

Yung dating nagpangako samin na hinding hindi sya magsusugal pero ngayon, bingo jan, pusoy dun, tongits dito.

Yung dating iwas na iwas sa bisyo ngayon, sigarilyo dun, inom dito.

Nagpabaya si mama dahil lang sa niloko sya ni papa. Ilang beses na namin sya sinuway ni kuya pero sige parin sya. Oo, may kuya ako. Nasawa na sya sa pag-iintindi kay mama kaya naisipan nya munang manirahan sa japan. Miss na miss ko na si kuya. Sana umayos pa pamilya namin, sana bumalik na ang dating si mama. Kahit wala si papa, okay lang yun. Di ko naman sya kailangan eh. Pero kahit INIWAN nya kami. Sinusustentahan nya naman kami. Di naman kami napabayaan.

"Mauie? Okay ka lang?" Di ko napansin lumuluha na pala ko. Hays.

"ah, oo."

-

sorry na first try eh </3

pavote mga bhe! <3 mwah

Remember me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon