1A : S&K "Different Dimension"

582 19 16
  • Dedicated to tropang watty
                                    

BABALA: Ang nakasulat dito ay pawang kabaliwan lang ng may Akda. Huwag seseryosohin baka mabaliw ka rin

Forgotten Memories of Sora & Kairi

"different dimension"

by: sweetelude

"May isang dalagitang humiling sa isang Diwata na si Eijei, hiniling niya na makapunta sa hinaharap para sa isang mahalagang bagay, at ngayon maaring naririto lang siya kasama natin..."

"totoo ba yan?" tanong ni Honey habang nakukwento si Neelia

"oo totoo yan! Diba CFF!" sabi ni  ALY

"hoy sis Neelia! Ano nanaman yang kinukwento mo? baka maniwala pa yang mga bata dyan!" sabi ko, habang nagliligpit ng mga gamit.

Naririto kami sa paaralan ngayon, kasama namin yung mga anak-anakan ni Neelia na si Honey at Aly na tawag ko nama'y CFF. Bago lang ako rito pero marami rami na rin akong kaibigan, tulad nila  BFF , BB sis Janeca, Dongsaeng CJ, Sis Richa, Ysza, Jem at  Bro Ruby ang pinakamagandang dilag sa baitang nila at ang aking Prince Sora.

"Namine!" tawag sakin ni Sora.

"O kambal?! bakit?" sagot ko naman, kambal tawag ko sa kanya dahil pareho kami ng kaarawan. 

"kanina pa kami naghahanap sayo, ang kulet kasi ng anak-anakan mo!" paliwanang sabay kamot sa ulo.

"Mimi! Gusto na kasi kitang makita!" Salubong sakin ni Sunny o snychan, sabay hug. Sya ang anak-anakan ko na "2nd year student" din tulad ni Honey at ang tawag ko naman sa kanya ay bb snychan.

"O, bb ko sabay kana sa amin?" niyakap ko rin sya sabay haplos sa ulo. "O tara na Sora, punta daw tayo sa playground, naghihintay sila Pengu at Takumi dun!"

"Teka, sasabay na rin daw sila Julius at Mister!"

"oi! BFF hintay! Sama kami!"

"Parang magiging kumpleto ang Tropa ngayon ha!" sagot ko sabay sapak kay BFF, mahinang sapak lang ha, yung lambing kamo.

"Ehem..." pakunwaring ubo ni Sora.

"Tara na nga!" naglakad kami na magka-akbay ni BFF at hawak ko rin si Sunny, si Sora naman ay nakasunod lang sa amin.

Pagdating namin sa playground andun na pala sina Neelia at ang iba pa.

"nandito na ang couple o!" bati ni Pengu.

"ano ba kayo... BFF ko lang tong mokong to!" Sinapak ko sya at tapos lumayo na ako kay BFF baka anu pa sabihin nila, tapos nakipag akapan narin ako sa mga katropang babae.

Pinatugtog namin si Richa ng isang kanta, tapos nakipagkulitan na naman ang lahat.  Tawanan lang kami, magulo at kahit hindi magka kasing edad at hindi rin magkaklase nagkakasundo parin.

Pagka-uwi hinabol ako ni Sora para ibigay lang ang mga bulaklak na hugis bituin.

"para sa butuin ko" sabi niya sabay abot sa mga bulakalak tapos tumakbo na palayo.

Kinabukasan, pagdating ko sa paaralan...

"o ang aga mo ngayon ha." Tanong ko.

"Inaabangan kasi kita."

"bakit naman?"

"wala lang... malapit na pala ang graduation! saan ka magkokolehiyo?

"ako?hindi ko alam, basta ang alam ko sa malayo?

"malayo? iiwan mo ako?"

"ehem! hi BFF! goodmorning!"

"hi!" sabay wagayway sa kamay, " Hello BFF at Hello Elaine! andyan ka na rin pala! saan sina Neelia at Kath?" bati ko sa kanila, habang umiiwas sa tanong ni Sora. Kaya umalis na lang siya at pumunta na sa kanyang klase.

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now