FORGOTTEN MEMORIES OF NEELIA
"Lost Piece"
by sweetelude
Isang nakaraan ang nakalimutan
anong landas ang tatahakin
anong mapupulot sa hinaharap
mapupulot ko kayang muli ang mga nabitiwan?Limang taon o Sampu, wala akong maalala, isang pangyayaring pilit na nagbabaon sa akin sa nakaraan na para bang may kung anong nakatali sa akin para hindi makapagsimula ulit. Ako si Neelia Rivera, 18 years old at magkokolehiyo pa lang. Medyo huli dahil sa aksidente na nangyari sa akin limang taong nang nakakaraan. Andito ako sa maynila, sa bahy ng Kuya Adrian ko, para makapag simula ulit ng bagong buhay at bumuo ng bagong alaala.
Medyo nanibago din ako sa lugar mabuti naman ay malapit lang sa bahay ang paaralan namin. At duon nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan hanggang isang araw nagtagpo ulit ang landas namin ni Ar Jay."Neely!" bati ng isang lalaking parang kasing edad ko lamang, at sa isang tingin lang ay halatang taga ibang department. Wala akong masabi, hindi ko sya maalala, hindi ko siya kilala. Yayakapin na sana nya ako ngunit, "ahhh. wag kang lumapit!" natago agad ako asa likod ng mga kasama ko. Napakamot sya sa ulo at,
"Neely, ako si Ar Jay hindi mo na ba ako nakilala?""Ar... ar jay?" pilit ko inisip kung may maalala ako ng kunti kahit kunting kunti lang talaga. pero wala blanko lang talaga. "sorry ha... pero wala akong maalala."
Pagkabanggit ko nun ay biglang naglaho ang mga ngiti nya sa mukha, "ganun ba." sige aali-" pinigilan ko sya sa pag-alis ewan ko ba kung bakit pero nasabi kong, "gusto kong malaman ang aking nakaraan..."Mukhang naguguluhan sya sa mga sinabi ko ngunit napasin ko na ngumiti sya. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at sumama sa kanya sa roof top, hindi ko pa rin maintidihan kung bakit ako sumama sa isang complete stranger. Gusto ko lang siguro maalala ang mga nalimutan ko, mga mahahalagang bagay.
Nakwento ko sa kanya ng nagka Amenesia ako dahil sa iang aksidente, sabi ng mga magulang ko nahulog daw ako sa hagdan. Ang bilis ng pangyayari, nakwento nya agad sa akin kung sino sya sa buhay ko. Magkababata daw kami, at malapit daw kami sa isat-isa ngunit isang araw daw ay lumipat daw sila ng bahay. Wala daw syang magawa nun, kaya nagkahiwalay kami ng tuluyan. Masaya ako nang marinig ang lahat ng iyon ngunit nagulat ako sa mga sinabi nya,
"Neely ayaw ko sanang maguluhan ka at baka ikabigla mo ang sasabihin ko pero... boyfriend mo ako nel..."
Nabato ako sa mga sinabi nya,ni hindi ko alam ang sasabihin o mararamdaman.
"...hindi kita pipilitin."lumungkot ulit ang mukha nya at tumayo ngunit pinigilan ko ulit sya. "wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko." hindi ako alam kung bakit nasabi ko yun, kung bakit pinagkatiwala ko ang sarili ko sa kanya siguro desperado lang ako.
At simula din ng arawng iyon ay lagi na syang dumadalaw sa akin, lagi na kaming mgakasama na para bang bumubuo ng bagong alaala. Hindi ko man nabanggit kay kuya ang tungkol sa kanya dahil sa busy sya sa trabaho, im still looking forward parin na makausap ko sya para maikwento sa kanya, ata makapagtanong na rin. Tumawag rin ako kay mama ay tinanong tungkol kay Ar Jay at pinagtapat nga ni Mama na may naging kasintahan daw ako noon, kaya biglang napanatag na rin ang aking kalooban.
Mabilis lumipas ang iang taon, naging mas malapit na rin kami sa isat-isa ngunit wala pa rin akong maalala sa aming nakaraan. Kahit ganun sinusubukan ko parin kaya eto ako ngayon naghihintay sa kanya sa may roof top, para sagutin sya o sagutin ulit siya. Sabi nya kasi noon na "liligawan kita ulit para mapatunayan ko ulit ang pagmamahal ko sayo... ..."
"hinding-hindi ka magsisi..." niyakap niya ako nang marinig ang pagsagot ko sa kanya. Hindi ko maintidahan dahil sa pag-akap niyay wala akong maramdaman. Kung minahal ko talaga sya, hindi ba kahit nakalimutan na ng utak ay maaalala parin ito ng puso?
YOU ARE READING
FORGOTTEN MEMORIES
Fiksi Remajaang storyang ito ay walang kabuluhan at walang kahulugan. magkakaroon lang ito ng buhay kung babasahin mo. COMPILATION of ONESHOTs ng kabaliwan as in BALIW LANG... NAHAWA SA TROPA!