ASHLEY'S POV"Hindi ako ang kumukuha ng buhay."
"Wala kayong alam tungkol sakin kaya manahimik kayo."
Gusto mo malaman ang storya ko?
Handa ka bang buksan ang isipan mo para maintindihan ako?
Naranasan muna bang makaramdam na may parang nakatingin sayo tuwing matutulog ka?
Kung oo ang sagot mo inaanyayahan kitang pasukin ang aking mundo,buksan mo ang iyong isipan ito ang unang daan para maintindihan mo ang tulad ko.
Simula anim na taong gulang ako wala akong ibang naranasan kundi ang alaskahin at saktan ng kapwa ko mag aaral hindi naman ako pangit pero kakaiba talaga ako sa lahat.
Ang papa ko ay nageembalsamo ng mga patay at ang mama ko ay nadiagnose na may stage 5 cervical cancer at malala nayon palagi syang dinudugo wala kaming pera para sa operasyon nya kaya naman nanatili nalang sya dito sa bahay.Walang naniniwala sakin,walang may pakialam sakin,tuwing sasabihin ko kay papa ang napapanaginipan ko hindi sya naniniwala imbis na aluin ako ikinukulong nya ako sa morgue kasama ang iniembalsamo nyang mga patay saka nya aawayin si mama at sasaktan.Ang kawawa kong ina nahalos lantang gulay na.
Hanggang isang araw paguwi ko galing eskwela naabutan kong walang buhay ang aking ina tirik ang mata at nakabuka ang bibig,kinagabihan pinapunta ako ni papa sa kwarto dahil iembalsamo nya na raw si mama sumunod naman ako. Biglang may isang tinig akong narinig pamilyar sakin,si mama!
"Tulungan mo ako ashley anak hindi pa ako patay,tulungan mo ako."
Napahagulgol ako hanggang sa paulit ulit iyon sa tenga ko.Kaya naman tumakbo ako pabalik sa morgue pagbukas ko ng pintuan laking gulat ko sa aking nakita si papa hinigpitan nya ang tali sa katawan ni mama hanggang sa magdugo ang sugat nito sa tagiliran sinubuan nya rin ito ng kung ano. Gusto kong pigilan si papa pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa.Tila ba kaharap ko ngayon ang isang demonyo.
"Papa?ano pong ginagawa mo kay mama?
"Kailangan nya ng mamahinga anak,wala kang pagsasabihan ng sikreto natin hah maliwanag bayon?
Bigla akong nagising,panaginip nanaman bumangon agad ako at lumapit sa pc ko may natanggap nanaman akong email at agad ko naman iyong binuksan saka biglang tumunong ang cellphone ko si kathleen ang tumatawag high school friend ko na nagtratrabaho sa publishing house ng webtoon dito sa seoul.
"Hello,kathleen."
"Pumunta ka dito sa office at dalhin mo ang mga sample ng idrinawing mo."
"Talaga osige papunta na ako salamat talaga."
Nagmamadali akong magmaneho papunta don at ng makarating ay agad akong dumeretso sa opisina nya naabutan ko syang kausap ang nobyo nya sa telepono kaya dahan dahan naman akong pumasok. Mga ilang sandali ibinaba nya na ang telepono at humarap sakin.
"So dala moba ang mga samples?
"Oo heto oh."
Inabot ko sa kanya iyon at mabusisi nyang tiningnan ito saka napansin kong nagsasalubong ang kilay nyang diko mawari."M-may problema ba kathleen?
"Sigurado kabang ikaw ang gumuhit nito?
"Oo naman bakit naman hindi."
"Nabigla lang ako,dati kasi puro's walang buhay ang drawing mo nung high school palang tayo."
"Lahat ng tao pwedeng mag improve kathleen."
BINABASA MO ANG
Alice in Wonderland Syndrome [ONGOING]
Mystery / ThrillerKilala mo ba si Alice? ang batang napadpad sa wonderland? kung kilala mo sya wag kang masyadong magpapaniwala sa kwento ng buhay nya dahil lahat ng iyon ay isa lamang imahinasyon. Ang sumulat ng Alice in Wonderland na si Lewis Carroll ay nakaranas m...