Ikalawang Kabanata

14 0 0
                                    


CHIEF CHOI'S POV

Ako nga pala si Henry Choi pero mas kilala ako sa tawag na Chief Choi, disi-siyete anyos palang ako nang una akong pumasok sa pulisya at dahil baguhan sa trabaho madami pa akong hindi alam at madalas akong pagkatuwaan utusan ng mga mas nakakataas sakin pero hindi ko hinayaan na ganon ganunin lang nila ako ipapakita ko sa kanila ang kakayahan ko bilang isang alagad ng batas na prumoprotekta sa bayan at mamamayan dahil noon pa man gusto ko na talagang makatulong at magresolba ng mga kaso.

Isang kaso ng pagpatay ang aming iniimbistigahan sa mga oras na ito bigla akong bumalik sa ulirat ko ng biglang magsalita si Erick..

"Sir tingin kopo talaga suicide to dahil sabi ng guard si miss kathleen lang ang nandito sa office." Wika niya sa halos pabulong na salita.

"Pero kailangan parin nating mag imbistiga, bakit nya naman kikitilin ang sarili nyang buhay? Tanong ko pa sa kaniya.

" Ayun na nga din ang pinagtataka ko sir, ayy oo nga po pala nakuha ko sa sahig cellphone nya sir."  Saad pa niya saka abot sa akin.

"Sirrrr!
Tawag sakin ng isang babaeng imbestigador din.

" Bakit anong problema Inspector Han?
Patanong kong sabi.

"May kailangan ho kayong makita."
Nababakas sa kaniyang mukha na gulat na gulat siya.

Lumapit kami sa kanya at laking gulat ko sa nakita ko sa monitor ng kompyuter kung anong itsura ng bangkay ng biktima ayun rin ang itsura ng nakadrawing sa webtoon na binabasa nya ng gabing iyon.

"Imposible! sino ang sumulat ng webtoon nayan kailangan natin syang makilala."
Windang man at pinanatili ko ang aking postura.

"Ashley Kim ang pangalan sir."
Sabi pa nito.

"Saan sya nakatira?anong address?

"Lot 35. Cheongbukdo sir."

"Sige salamat,kayo na bahala dito Inspector Han at ikaw Erick bilisan mo kahit kailan napaka kupad mo!Tara na." Bulyaw ko pa .

"Andyan napo sir!  Sagot nya nang may pagmamadali sa tinig.

Isang kalokohan ito webtoon? kaya kailangan kitang makausap Miss Kim,Tahimik lang kami sa buong byahe at pagdating sa cheongbukdo ay nagmamadali akong bumaba ng kotse hindi naman ako nahirapan hanapin kung saan ang bahay ni Miss Kim  yon ay dahil dati na kong napapadpad sa lugar na ito.

Kasama ko ang partner ko na palaging napakakupad ,ewan ko ba bakit ipinartner sakin ito.Kung tutuusin kaya ko naman magtrabaho mag isa hindi ko mawari kung bakit naisipan ng Heneral na isama sa akin ang taong ito. Napakahina naman mabagal at nakakairita sya sa totoo lang. Pero tuwing titignan ko sya naaalala ko ang sarili ko noong bagitong pulis pa lamang ako





ASHLEY'S POV

Nakahiga ako sa floating bed habang nasa swimming pool at nagpapahinga hindi pa din tumatawag si kathleen simula kanina hanggang sa may biglang nag doorbell wala akong inaasahang bisita kaya naman bumangon ako at pumunta sa pintuan walang tao pero pag lingon ko sa kanan nakatalikod si kathleen at agad ko syang nilapitan.

"Kathleen anong ginagawa mo dito?
Masaya ko pang bati sa kanya,sa isip isip ko pa baka narito siya para ipaalam sakin ang estado ng webtoon na ginawa ko at para na rin humingi ng paumanhin sakin,ayan ang iniisip ko.

Hindi sya humarap kaya kinalabit ko sya pero laking gulat ko ng humarap sya sakin puro saksak ang mukha nya puro dugo din ang suot nyang uniporme napasigaw ako sa takot.

" Ahhhhhhhh! palahaw ko

"Bakit mo'ko pinatayyyy pano mo nalaman ang sikreto kooooo!!."

"Hindi, hindiiiiiiiiiiiii!!!

Napabalikwas ako ng bangon, panaginip nanaman palagi nalang nakatulog pala ako sa sofa ko ng biglang may nag doorbell kinabahan ako kaya dahan dahan akong lumapit sa pinto pagbukas ko non ay tumambad sakin ang dalawang pulis isang tingin ko 35 yrs old at yung isa bata pa nasa 24-25 lang.

"Ano pong kailangan nyo? Malumanay kong tanong sa kanila habang naka ngiti.

" Ikaw ba si miss Ashley Kim?  Tanong noong lalaki na may edad trenta y cinco,kaya't agad na kumunot ang aking noo.

"Oo ako nga? Bakit?

" Pwede kaba namin makausap may  ilan lamang kaming katanungan at importante ito maaasahan ba namin ang iyong kooperasyon?

"At ano naman yon? Hindi ba't parang labas na ito sa trabaho ninyo?

" Pasensya na Miss Kim kasama Ho ito sa imbestigasyon namin sa kaso,dahil ikaw ang huling tinawagan ng biktima bago sya malagutan ng hininga,Mawalang galang ako nga pala ako si Chief Henry Choi at ito ang partner ko si Erick Lim pulis kami from Seoul department."

"Ganon po ba,Sige po tuloy kayo."

Pag pasok sa loob ay naupo sila sa sofa.Nagsimula na sila magtanong sakin.

"Kilala moba si Miss Kathleen?

" Opo bakit po?

"Natagpuan kasi syang patay sa office nila 24 stab wounds sa mukha at sa dibdib nya ang pinaka malalim ay sa parteng leeg."

"Pano nangyare yon?sino ang pumatay sa kanya?
Sa sobrang kaba ko nginangatngat kuna ang daliri ko,paano ang webtoon ko paano!

" Ganito kasi yon nakuha namin ang cellphone ng biktima at ikaw ang huli nyang tinawagan tapos kung ano ang eksakto na naka drawing sa webtoon na gawa mo ayun din ang eksaktong pusisyon at pagkamatay ng biktima, ngayon tatanungin kita at sana magsabi ka ng katotohanan lamang nasaan ka ng mga oras na alas dose y medya?

"Nandito sa bahay ko hindi ako umaalis, ako ba ang pinagbibintangan nyong pumatay sa kanya?

" Oo at Hindi pero ikaw ang person of interest dahil sa katibayan na hawak namin pero huwag kang mang-alala pwede kang kumuha ng sarili mong abogado at kung wala ka namang kakayahan ay bibigyan ka ng abogado ng gobyerno, pwede bang makita ang studio mo kung saan ka nagdradrawing ng webtoon mo?

"Ahh sige po."

Pumasok kami sa studio ko at lumapit sila sa aking kompyuter nakita ko na parang iba ang tingin ng erick nayon sa gawa ko may drinawing kasi akong bata nakalimutan ko saan ko sya nakita eh.

Matapos ang usapan wala silang nahanap na ibedensya na magdidiin sakin sa nangyare. Kaya umalis din sila pag alis nila agad kong hinanap ang cellphone ko tumawag nga si kathleen at saka pinakinggan ko ang voice call nya.

"Ashley! Sumagot ka! Paano mo nagawa sakin ito! Paano mo nalaman ang sikreto ko! Hindi ako ang pumatay sa mama ko hindi ako!!!

Sa pagkabigla ko nabitawan ko ang cellphone ko at napahagulgol saka ako nagmamadaling pumunta sa studio ko at hinanap ko ang susunod na volume ng webtoon na ginawa ko,nakita ko ang susunod na volume title ay "The death of a liar embalmer" isang embalsamador ang mamamatay kaya agad kong kinalkal lahat ng drawings ko,kung saang lugar mangyayari ang insidente ililigtas ko ang taong iyon ililigtas ko!!!!

Hindi ko alam kung paano pero may nag uudyok sakin na iligtas ang taong iyon dahil ba konektado sya sa akin? O dahil kinakain na rin ako ng konsensya ko sa mga nangyayari,gulong gulo ang isip ko parang kahit saan ako tumingin sa buong kwarto ko ay napapaligiran ito ng dugo ang mga kurtina na dating asul ay naging pula ang kobre kama na kulay krema ay naging pula,halos lahat naging pula.

Nag mamadali akong lumabas ng bahay kahit liyo pa man dahil sa mga nakita ko sa kwarto ay pinilit kong sumakay sa kotse gayun nalamang ang taka ko ng makita ko ang aking bahay na lumiliit sa paningin ko,pano iyon nangyari? Pagpasok sa kotse ay agad kong hinanap ang gamot ko pati ang bote ng tubig .

Kumuha ako ng dalawang tableta ng Sertraline saka uminom ng tubig nagkanda tapon tapon na iyon sa aking damit pero wala akong pakialam kailangan kong malaman kung saang purenarya mangyayari iyon dala ko ang sketch ng lugar para agad kong malaman kung saan iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alice in Wonderland Syndrome [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon