Queen 1 - The Start

11 3 1
                                    

"Here's your order, sir." Sabi ng isang dalaga na nasa counter upang kunin ang atensyon ng customer na nasa harapan nito.

"One large fries, one cheese burger, and one coke float. Here's your change sir." Walang buhay na pagkasabi ng dalaga. Kinuha na ng lalaki ang tray kung saan nakalagay ang kaniyang order at umabante naman ang kasunod na customer.

"What's your order, ma'am?" Tanong ng dalaga at binigyan ng isang praktisadong ngiti ang customer na babae sa harapan niya.

"One large fries, one chocolate sundae, and one coke float." Sabi ng babae na parang hindi mapakali dahil pasikot-sikot ang tingin niya sa paligid.

"I'll repeat your order ma'am. One large fries, one chocolate sundae, and one coke float. Dine in or take out?" Sabi ng dalaga habang chinicheck ang order ng customer.

"Take out." Sabi ng babae at kumuha na ng pera sa pitaka niya.

"It's Php. 124.00 in total, Ma'am." Sabi ng dalaga at ibinigay naman ng customer ang 200 pesos na nasa kamay niya. Kinuha na niya ang order ng babae at ang barya nito.

"Here is your order and change, ma'am." Sabi ng dalaga sa customer. Agad naman itong kinuha ng customer at nagmamadaling lumabas ng fastfood chain. Nagtaka man ay hindi na lang ito pinansin ng dalaga at napatingin na lang sa kaniyang relo na pinaglumaan na ng panahon. Alas-diyes na ng gabi at hudyat ito na tapos na ang kaniyang shift.

"Ate Jing, una na ako ha." Sabi ng dalaga sa katabi niyang babae sa counter.

"Osige, ako na bahala dito. Yung free meal mo nasa taas ng locker mo, kunin mo na lang doon." Sabi ng babaeng tinawag ng dalaga na Jing at itunuon na ulit ang atensyon sa customer na nasa harapan niya.

Agad na nagtungo ang dalaga sa locker room upang magpalit at makauwi na sa kaniyang apartment. Nagbihis na siya at kinuha ang pagkain sa taas ng kaniyang locker. Sa likod na siya dumaan upang hindi na makaabala sa mga customer.

Madilim ang kalyeng kaniyang dinadaanan dahil nasira ata ang poste ng ilaw ngunit ito pa rin ang tinahak na daan ng dalaga dahil mapapalayo pa siya kung mag-iiba siya ng daan. Hindi naman siya takot sa dilim at halos masasabi mong sanay na siya dito. Sino nga ba naman ang 'di masasanay kung buong buhay niya ay mag-isa lamang siya? In fact, darkness was her bestfriend.

Nakarinig siya ng kaluskos sa paligid na para bang may mabilis na tumakbo kaya kaluskos lamang ang maririnig mo. Naramdaman din ng dalaga ang hangin na malamig sa kaniyang balat. Ngunit walang naging ekspresyon ang dalaga at tumingin lang kung saan nanggaling ang kaluskos. Wala siyang nakita dito kaya nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

"Aaaaaaah!" Nakarinig ang dalaga ng sigaw na nagmumula sa unahan niya. Dahan-dahan siyang naglakad at pumaliko sa isang eskinita.

"Please don't kill me... Don't kill me.." Pagmamakaawa ng babae sa apat na taong nakahooded cloak na nakapalibot sa kaniya. Ngunit hindi siya kinibo ng apat. Naglabas ng isang kumikinang na tali ang isa sa kanila at gumalaw ito na parang ahas, gumapang ang isang dulo nito papunta sa leeg ng babae kung saan ito nagpulupot habang ang isang dulo naman ay hawak ng isa sa apat.

"Why still plea for mercy? You know your sins and the consequences that it brings." Sabi ng isa sa apat na taong pumapalibot sa babae at base sa boses nito ay lalaki ito. Nanlamig naman ang dalaga dahil sa sobrang lamig ng boses ng lalaki. It was too chilling that it sends shivers down her spine.

"Don't kill me. I can point their hideout to you. Just please don't kill me." Nagmamakaawa pa ring sabi ng babaeng nakasalampak ngayon sa malamig na kalsada habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Too late for regrets now, darling. Your string has been severed. Your fate now lies within our hands." Saba ng isa sa apat na may subong lollipop at basa sa timbre ng boses nito ay babae ito. Niluwa niya ang lollipop at dinilaan ang kaniyang labi. She look so seductive and brutal at the same time.

"Enough! We should do this quickly. Time is running out." Sabi ng isa sa apat na may suot na salamin at lalaki ang boses nito. Inayos niya ang kaniyang salamin at lumiwanag ito dahil sa sinag ng buwan. It's as if he knows everything going on around him.

"Relax, bro. We should play for a bit. It'll be seriously boring to death when we get beck to the academy. We should enjoy the night first." Sabi ng isa sa apat na mukhang lalaki habang may isang nakakalokong ngiting nakakabit sa kaniyang mukha. It look so menacing yet playful.

"Haha... Hahaha.. Hahahahahaha!" Tawa ng babaeng nakasalampak sa kalsada. She look so crazy right now. Her eyes is bulging and you can hear the clanking of her teeth. Her face is distorting under the glow of the moonlight, it was too horrible to watch for the girl hiding in the darkness. She cover her mouth to avoid making a noise as tears rush out of her eyes as fears envelop her, it was too much for her.

"You think you will win this war? You may have won this battle but you have lost the war. Skerta jinjumascha shantijita kuqurima!" Sabi ng babae habang lumalabas sa katawan niya ang maitim na likido at maitim na usok. Her body was distorting even more and several bones in her body was cracking and breaking. Her body splits open as black air and liquid ooze out from it yet she still has that creepy smile om her face, it was too gore.

"Finally..." Sabay-sabay na sabi ng apat na nakapalibot sa babae at sabay-sabay din silang naglabas ng patalim at armas. Naglabas ng espada ang lalaking may malamig na boses, it was glowing with hue of blue under the shining moonlight. Kahit na malayo ang dalaga ay ramdam niya pa rin ang lamig nito at higit sa lahat, she can feel the danger coming from that deadly sword. Naglabas naman ng latigo ang babaeng may subo ng lollipop. It glows with a tinge of green as a sense of gentleness emits from it. It was comforting yet deadly at the same time. Naglabas naman ng shuriken at throwing knives ang lalaking may suot na salamin. He was not holding anything at all because all of it was hovering above his head. The shurikens and knives were spinning, it look so magnificent yet so wicked. Habang ang huling lalaki naman ay naglabas ng isang maso. It look so heavy and powerful like it could crush a hill into pieces. A strong aura ooze our from it, it feel so firm and crude yet sharp at the same time.

"The game is over." Sabi ng lalaking may hawak na espada. Bago pa man makita ng dalaga ang gagawin ng apat ay agad siyang kumaripas ng takbo at kamalas-malasan ay may nasipa siyang lata at kumalansing ito. Natigilan ang dalaga ngunit agad na bumalik ang ulirat niya at tumakbo ng hindi nililingon ang mga taong tinatakbuhan niya ngayon. Takbo lang siya ng takbo, ang gusto niya lang ngayon ay makalayo sa kung ano man ang nakita niya. She want to escape from the horrible darkness.

QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon