Nasayo
Nasayo ang ngiti
Nasayo ang araw
Ang ngiti at araw ay nasayo
Hawak-hawak ang kamay ko
Nasayo
Nasayo ko binigay ang aking oras
Nasayo ko binigay ang aking oras na kumupas
Ang oras na kumupas na hindi na maibalik dahil ito'y lumipas
Nasayo
Nasayo ang ilaw
Nasayo ang ilaw, kaya pagdating mo, ako'y nakatutok sa ilaw na ikaw
Ikaw
Ikaw ang kumapit
Kumapit pero bumitaw
Ikaw
Ikaw ang dahilan kung bakit
Kung bakit dumilim and araw
Ikaw
Ikaw ang naging ilaw
Naging ilaw para makita ko na hindi ikaw
Hindi ikaw ang gumalak sa aking araw
Ikaw
Ikaw, sinayang mo ang aking oras
Ang mga oras na lumipas
Sa tuwing ito'y lumilipas, ang mga ala-ala'y kumupas
Kumupas na parang oras na hindi na maibalik
Nasayo
Hanggang ngayon
At hanggang ngayon, nasayo parin
Nasayo parin ang ngiti
Nasayo parin ang araw
Nasayo parin ang ilaw
Ang ilaw, araw, at ngiti ay nasayo parin
Ngunit hindi sapat
At oo, hindi sapat
Hindi sapat ang aking lambing
Ang aking lambing ay hindi sapat
Ang aking lambing... ang ating lambing ay hindi sapat
Na oo, may kulang
Kahit may kulang, pinanindigan ko
Pinanindigan ko dahil baka mas bumigay dulot ako sa bigat ng iba
Kaya nilabas ko lahat sa tulang ito
sabi nila panindigan ko
Panindigan ko daw hanggang sa wakas
Pinanindigan ko...
Pero paano kung ngayon na ang wakas?
YOU ARE READING
Magpanggap at Pigilan
PoetryMagpanggap at pigilan, Ngumiti at kalimutan, Lumuhod at tinapakan Humarap pero tinalikuran, Nagmahal at iniwanan