Isang araw, dumating ang panahon
na ayaw ko nang bumangon
na ang galit at lungkot at patuloy ko nang binaon
patuloy ko na din iniisip ang kahapon.
Isang araw, hindi na ako makahinga
na isang salita nalang, tutulo na ng aking mga luha,
pabigat ng pabigat ang aking mga pagdurusa
Ngunit, nang lumingon ako, ikaw ang aking nakita.
Yung taong bumuo ng sira kong pagkatao,
Yung taong pinulot ako sa sahig nung ako'y natalo,
Yung taong bawat araw ay handang mabuhusan ng mga luha ko,
At yung taong sasalo sayo kapag nahulog ka sa maling tao.
Darating ang araw na hihintayin kitang bumalik,
hihintayin ko ang iyong mga yakap at halik,
hihintaying kong lumingon ka na walang pilit.
Hihintayin kitang bumalik, subalit...
Hindi ko hihintayin na dumating ang araw na hindi na kita makita,
para lang mapansin ko na ako'y sabik na yakapin ka,
sabik na mapakita ko sayo
may nagmamahal sayo
na nandito lang ako,
handang mabuhusan ng mga luha mo,
handang saluhin ka kapag nahulog ka sa maling tao,
handang magsakripisyo ng aking oras para sayo.
Kahit umulan pa ang mga kutsilyo,
sasaluhin ko lahat para hindi ka masaktan at oo,
gagawin ko ang lahat para sa'yo,
kahit ayaw mo...
Pero ang hirap gawin ang gusto mo
na lumayo ako
dahil sa lahat, yun ang hindi ko magawa sayo.
Hindi ko kayang lumayo dahil masasaktan lang ako.
Ngunit, pinilit ko nalang para hindi masayang oras mo.
Masaya kang makasama, ngunit hindi ko kaya.
Hindi ko kayang makasama ka dahil
baka masaktan ka.
Unti-unting nawawalan ako ng kumpiyansa,
hindi dahil hindi na ko masayang makasama ka,
ngunit, siguro, sa huli, baka mawala na ang isang tao na mahalaga sa akin,
isang tao na nagsabi "tuwing ngumingiti ka, napapangiti ako",
isang taong katulad mo,
isang taong nagsabi na "kapag ako'y malungkot naiisip kita, at yun ang nagpapasaya saakin."
YOU ARE READING
Magpanggap at Pigilan
PoezieMagpanggap at pigilan, Ngumiti at kalimutan, Lumuhod at tinapakan Humarap pero tinalikuran, Nagmahal at iniwanan