Nais ko sanang sumaya
Kahapon, ang ibig-sabihin ng masaya
ay lumalabas at nakikipaglaro sa iba
Kahapon, ang ibig-sabihin ng masaya
ay naliligo sa ulan kaya pag-uwi,
pati na rin ang sahig ng inyong bahay ay basang-basa
Kahapon, ang ibig-sabihin ng masaya
ay nakakakuha ng juics na timpla ni lola,
nakakasama sina mama at papa,
na sa tuwing magkasama kayo, diretso kayo papuntang perya,
na sa tuwing nakauwi na sila galing trabaho, yayakapin ka nalang bigla.
Kahapon, ang ibig-sabihin ng masaya
ay may bumabati sayo tuwing umaga,
na bago ka matulog may kasama ka,
dahil alam niya siguro na hindi ka makakatulog nang mag-isa.
Pero ngayon, ang ibig-sabihin ng pagiging masaya
ay tumatagal sa bahay
na imbis na lumabas at lumaya, tayo'y nananatiling tumatambay
Dahil ngayon, ang pinakamasayang lugar sa ating lahat, ay ang ating bahay.
Wag niyo 'kong pagkamalan, wala namang mali doon
Ngunit, imbis na pinapasaya ang iba, ang ating kasiyahan ay patuloy na binabaon.
Hindi na tayo lumalabas tuwing hapon.
Hindi na tayo kagaya ng kahapon.
Ngayon, ang kasiyahan ay dumedepende sa
ilang kaibigan ang meron ka.
Ang kasiyahan ay nagaganap lamang tuwing makukuha mo na ang meron sila.
Ngayon, ang kasiyahan ay dumedepende
sa anong klaseng damit ang suot mo,
anong klaseng phone ang hawak mo
kung oo o hindi puno ang wallet mo
Kung ang ambisyon ko ba talaga ay maging doktor o youtuber
Maging lawyer o gamer
Ngayon, ang ibig-sabihin ng masaya
ay ngumingiti kahit hindi kaya.
Ang pagiging masaya ay naging pera,
hindi na ang mga ala-ala,
hindi na ang halik at yakap niya.
Sana ang mga ala-ala'y di kumupas
na may kasama muli tayo pagbangon.
Wag na sana natin sayangin ang atin oras.
Sana bukas, bumalik ang kahapon.
YOU ARE READING
Magpanggap at Pigilan
PoetryMagpanggap at pigilan, Ngumiti at kalimutan, Lumuhod at tinapakan Humarap pero tinalikuran, Nagmahal at iniwanan