BTS SERIES PRESENTS :written by : heyyjie
Simula
Hindi mapigilan ang pagpatak ng mga luha sakanyang mga mata habang pinagmamasdan ang pag akyat ng bawat isa sa stage dala dala ang kanilang diploma. Ala-alang nakalipas na dadalhin hanggang bukas maaasayang pagsasama hanggang kailan nga ba magwawakas? Mga ala-alang walang kasiguraduhang maalala ng lahat, pagkakaibigang nabuo sa kabila ng pagkakaiba ng ugali, kagustuhan at paniniwala.
"Kaibigan ko yan!" katagang kanyang binitawan habang nakaporma ng ngiti ang kanyang mga mala rosas na labi. Kay sarap pakinggan na may kaibigan ka, yung makakausap at makakasama mo sa oras ng kasiyahan at problema. Isa na doon ang iyong mga kamag-aral di mo man naging kasundo lahat pero pamilya ang turingan nyo sa lugar na tinatawag nyong klasrum.
Ikalawang yugto, ang pagtungtong sa sekondarya ng pag-aaral dito pumapasok ang iba't ibang emosyon. Magkahalong emosyon na hindi mo maipaliwanag, nasasaktan ka ng di mo maipaliwanag. Dun na nga ba pumapasok ang salitang pag-ibig? Pag-ibig sa kaibigan o pag-ibig sa kasintahan?
Kaibigan. salitang nabigyan ng panibagong kahulugan lalo na sa mga taong sa isang iglap ay agad kang huhusgahan. Di nga daw kasi pwedeng maging magkaibigan lang ang babae at lalaki ng hindi nahuhulog sa isa't isa. Pwede nga ba na mag kunwari nalang sila? Magkunwari na di sila nahuhulog? Magkunwari na ayos lang sila? Magkunwari na di nila gusto ang isa't isa?
Pagkukunwari na kung saan mas lalo kayong masasaktan. Masasaktan dahil sa di pag amin ng katotohanan. Subalit, di lahat ng umaamin ay nauuwi sa happy ending nakakasigurado ka ba na parehas kayo ng nararamdaman pano kung sagutin ka ng
" Thanks, but no thanks may iba akong gusto at di ikaw yun. Kaibigan lang tingin ko sayo par." edi nagunaw naman mundo mo."Huwag mong palalimin ang isang bagay kung ayaw mong mas masaktan ka. Datapwat, mas mag-aral ka ng mabuti para makakuha ka ng mas matataas na marka."
