To see you, to meet youwritten by : heyjjie
Tahimik nyang tinatahak ang bagong eskwelahan nyang papasukan na kung saan makakasalamuha nya ang mga bagong panauhin. Panibagong panauhin na kanyang magiging guro at syempre di mawawala ang panibagong kaibigan.
Tinahak nya ang bulletin board upang makita kung sa anong section sya nabibilang. Umaasa sya na sana may kaibigan syang naroroon para syempre di sya ma out of place. Malayo pa lang ay kita nya na ang tumpukan ng mga estudyante na nakapagpairita sakanya ng kaunti.
"Nuxx naman daming toxic na espasol dito" natatawa nyang sambit dahil sa mga mukha ng mga babae na puno ng make-up. Syempre dahil sa malapit na syang ma late ay nakisama na rin sya mga nagtutumpukang estudyante para makita nya yung section nya.
"Kyahhh! Classmate kami nung kruxx ko!" halos mabingi sya lakas ng tili ng katabi nya bakas sa mukha nito ang kilig at saya pero wala syang pake. Ibinaling nya nalang ulit ang kanyang atensyon sa pag hahanap ng section nya.
"Gotcha! 10 - Neoxy" agad nyang nilisan ang tumpukan ng mga estudyante at hinanap ang kanyang room at section.
—
"Introduce yourself in front of the class." nakangiting sambit sakanya ng kanyang guro di nya alam kung nang aasar ba ito o ano dahil sa mukhang kinakabahan si Nyx.
"Ako si Nyx Carter nangangakong uunahin ang pag-aaral kaysa pakikipaglandian." pagkatapos nyang sabihin 'yon ay napuno ng tawanan ang buong silid di nya mawari kung ano ba ang nakakatawa nanatili na lamang syang tahimik at bumalik sa kanyang kinauupuan.
Sumunod na nagpakilala ang iba nya pang mga kaklase at isa sa umagaw ng kanyang atensyon ay si Atticus Griffin.
"Ako si Atticus Griffin, kaklase nyo." natawa sya sa sinabi ni Atticus dahil obvious naman na kaklase nila ito dahil nasa iisa silang silid. Ngunit, saka nya lang napagtanto na tumigil kakatawa dahil di naman nakisama yung iba nyang mga kaklase. Syempre napahiya sya dun mga bente haha.
Habang patuloy sa pagpapakilala yung iba nilang kaklase ibinaling nalang nya ang tuon sa bintana at nagmuni muni sa labas ng classroom.
"Ang boring naman kailan pa ba matatapos 'to" pabulong na isinambit ni Nyx sa sarili
Puros nalang kasi mga requirements yung sinasabi ng teacher nya natapos ang buong ng walang espesyal na naganap.
Sa paglalakad nya pauwi may nakasalubong syang binata na matangkad, maputi, at syempre gwapo kinilig sya ng slight atleast my inspiration sya.
"Ano nalang kaya mangyayari sa mga susunod na araw, linggo, at buwan na magdadaan? may mababago ba o wala?" sambit nya at ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi ng kanilang bahay
-
Sa paglipas ng panahon marami na syang naging mga kaibigan kasama na rin yung mga ala-ala na nagdaan. Nakakakuha rin sya ng mga matataas na marka, masaya sya na yung mga pagsisikap nya ay hindi napupunta sa wala.Syempre napunta narin sya sa isang sitwasyon na ikinalungkot nya at yun ay nung umalis ang kanyang ina papuntang ibang bansa. Ika nga nila na ina ang ilaw ng tahanan at ang kanyang ina ang pinakauna nyang tagasuporta, ina nya yung laging nariyan sa mga oras na sya ay nalulungkot at ina nya ang alin nariyan kung sakaling talikuran man ako ng buong mundo.
upang maibaling sa iba ang kanyang atensyon ay pinagtuunan nya nalang ng pansin ang ibang bagay sa paraan na ito ay di sya masyadong malulungkot na wala sa tabi nya ang kanyang ina
Karamihan sa ating henerasyon ay gumagamit ng social media kung kaya't sinubukan nya rin ito nakakilala sya ng mga kaibigan at kausap na nakakapagpasaya sa kanya