CHAPTER TWO (Part 1)

5K 207 36
                                    

HINDI namalayan ni Sanya na nakatulugan na niya ang pag-e-edit ng video na sana ay i-u-upload niya mamaya sa Youtube. Ang totoo niyan ay inaantok na siya talaga kanina pero pinipilit lang niya. Nagulat na lang siya nang paggising niya ay madilim na sa kwarto niya. Ang tagal pala niyang nakatulog kung ganoon. Sa pagkakatanda niya ay nagpost pa siya sa kaniyang Facebook at Twitter na may ipo-post siyang bagong vlog ngayon. Malapit na naman niyang matapos ang pag-e-edit kaya matatapos na rin niya iyon bago matapos ang araw na ito.

Patay na ang screen ng laptop niya. Mukhang naubos na ang battery niyon sa sobrang tagal na naka-standby. Umalis muna siya ng kama para kunin ang charger na nasa drawer na katabi lang naman ng kaniyang kama. Binalikan niya ang kaniyang laptop para i-charge iyon. Ngunit nagtaka siya nang hindi na umiilaw ang light indicator nito para sa charging. Medyo kinakabahan na siya dahil baka nasira ang laptop niya.

Pinindot niya ang power button pero hindi na talaga nabuhay ang laptop niya. "Naku... Paano na ito? Nagpromise pa naman ako na mag-u-upload ako ng vlog today..." himutok ni Sanya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone. Pag-connect niya sa WiFi ay maraming notifications at messages agad ang pumasok mula sa iba't ibang social media account niya. Karamihan sa mga iyon ay mula sa Facebook at Twitter. Puro nagsasabi ang mga ito sa vlog na I-uupload niya mamaya sa Youtube.

Patay na... bulong ni Sanya. Baka isipin ng mga followers niya na paasa siya. Hindi niya dapat binibigo ang mga ito lalo na at marami ang nagsasabi na nawawala ang stress nila kapag napapanood ang vlog niya. Kaya kailangan niyang matapos ang pag-e-edit. Pero paano naman niya iyon magagawa kung nasira na yata ang laptop niya at naroon lahat ng files na kailangan niya. Ugali na rin kasi niya na kapag naipasa na niya sa laptop niya iyong mga video files na kailangan niya para sa vlog niya ay dine-delete na rin niya agad sa camera niya. Tiwala naman kasi siya sa laptop niya pero binigo siya nito ngayon.

Muling binalikan ni Sanya ang laptop. Sinubukang ayusin. Pinindot ang lahat ng buttons at inalis sa charger tapos iko-connect ulit pero wala talaga. Hindi na iyon nabubuhay.

"Ano ba naman kasi ang nangyari sa iyo? Nagtampo ka ba kasi nakatulugan kita? Sorry na, please... Mabuhay ka na. Please!" Akala mo ay isang tao na kinausap niya ang laptop.

Pinanghinaan na siya ng loob. Tinanggap na lang niya na nasira na nga talaga ito.

Isinubsob niya ang mukha sa unan ngunit agad din siyang bumangon nang may maisip siyang paraan. "Kung nasira, pwede namang maayos!" Puno ng pag-asang bulalas ni Sanya.

Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang laptop kasama ang charger nito. Isinilid niya ang iyon sa paborito niyang bag. Isinukbit niya ang bag sa kaniyang magkabilang balikat. Alas nuebe pa lang naman ng gabi kaya may bukas pa naman sigurong computer repair shop sa oras na ito. Sana... Hindi naman masamang umasa. Basta ang gusto lang niya ay maayos ang laptop niya ngayong gabi, matapos niya ang pag-edit sa vlog at ma-upload iyon sa Youtube ngayon. Bago mag-alas dose! Atleast, naihabol niya bago matapos ang araw na ito. Hindi niya pa rin na-break ang pangako niya sa kaniyang followers.

Nagmamadali siyang lumabas ng kaniyang kwarto. Pababa na siya sa hagdan nang makasalubong niya ang kaniyang personal na yaya na si Ate Aira. Ito ang nag-aasikaso sa kaniya kapag may kailangan siya. Payat itong babae at kulot ang buhok na hanggang balikat. Ang dalawa pa nilang kasambahay ay sina Ate Cathy at Ate Thalia. Si Cathy ang tagapagluto nila at si Thalia naman ang naglalaba. Tapos magkakatulong ang tatlo sa iba pang gawain sa bahay katulad ng paglilinis at kung anu-ano pa. Sa sobrang tagal na ng mga ito na nagsisilbi sa pamilya niya ay hindi na iba ang mga ito sa kanila. Pamilya na rin ang turing nila sa tatlo. Wala naman din kasi silang problema sa mga ito. Mababait at mapagkakatiwalaan ang tatlo nilang kasambahay.

He's WatchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon