As Your Secret Admirer

23 0 0
                                    

A/N: This story is connected to Heart Series #1, Heart Never Forgets!

Francis and Deniz Tragic Love Story

[Francis' Point of View]

Kasalukuyan ako ngayong papunta sa pinakalikurang bahagi ng campus namin nang makabangga ko ang isang babae. Napatingin na lang ako sa mala-anghel niyang mukha. Naalala ko tuloy ang mala-anghel ding mukha ng babaeng pinapangarap ko, parehas silang maganda ang mga mata. Nag-sorry na lang kami sa isa't isa at agad din akong umalis. Hanggang sa nakarating ako sa bandang likuran ng school na kung saan matatanaw ang isang nakaka-relax na view.

May batis sa bandang ibaba na humahati sa school na 'to at isang malawak na grassy field na may iba't ibang klase ng mga halaman at masisilayan din sa pinakadulo ang mga nagtataasang bundok na nababalutan ng mala-ulap ang tuktok nito. Nakakagaan talaga sa pakiramdam kapag pinagmamasdan ang tanawing ito.

May dalawang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. It's either may problema ako o kung gusto kong mapag-isa. Pero sa sitwasyon ko ngayon eh parang walang pinagkaiba ang dalawang na 'yon. Kaya ako nandito ngayon, kasi may problemang parang nahihirapan akong masolusyunan at heto ako ngayon, gustong mapag-isa. See?! Wala talagang pinagkaiba sa mga dahilan ko kung bakit ako kasalukuyang napadpad sa silong ng puno na 'to. At isa pa, kahit huni ng mga ibon at agos lang ng batis ang halos naririnig ko eh feeling ko sapat na 'to para tumahimik saglit ang mundo ko.

Ang madalas kong ginagawa dito ay 'yong halos maubos ko na ang mga maliliit na bato, dahil nakakagaan din ng damdamin 'pag nakakapulot ka ng munting bato tapos ibinabato ito sa mismong batis.



At dahil may problema nga ako, hawak-hawak ko ngayon ang isang sketch pad at water color brush. Ito rin ang isa sa kadalasan kong ginagawa, ang pagpa-practice sa pagpipinta.

Kung hindi niyo naitatanong, ang pinakapuno't dulo ng problema ko ngayon ay kung paano ko ba ipagtatapat ang lihim kong nararamdam para kay Edeline [E-de-layn], ang babaeng matagal ko nang pinapangarap.

Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Napakasimple niya kasi, bukod sa napakaganda't matalino na, ang mas lalo ko pang nagustuhan sa kanya ay ang napakabuting puso na tinataglay niya. Naalala ko pa noong unang nasaksihan ko 'yong pagtulong niya sa mga batang kalye, ang pagtulong do'n sa matanda sa pagtawid at ang pagtulong sa binu-bullying na pipi. Dahil sa hangang-hanga ako sa kanya, hindi nagtagal ay namalayan ko na lang ang sarili kong . . .



. . . MAHAL KO NA PALA SIYA!



Nagmistulan akong stalker. Inalam ko ang mga gusto niya ng palihim. Nahihiya kasi ako at iyon nga, mahilig siya sa mga paintings at balita ko eh may mga collection siya ng mga gano'n. At dahil mahal ko na siya! Heto ako ngayon sa likod ng school, nagpra-practice mag-painting. Nagbabaka-sakaling makayanan ko at balak handugan siya ng sarili kong gawang painting.

Sa totoo lang, ito na lang ang naiisip kong paraan at baka sakaling ito ang susi para magustuhan niya rin ako. Aaminin ko na torpe ako. Naturingan pa naman akong sikat dito sa campus. Maraming humahanga sa'kin. Ano'ng magagawa ko eh isa lang talaga ang pinagtutuunan ko ng pansin, walang iba kundi siya lang. Pero ayoko ko namang gamitin ang kasikatan ko, para makuha ang gusto ko at hindi ganoon kadali makuha ang mga ibang bagay, katulad na lang ng damdamin ng iba. Kaya nandito ako ngayon, umaasang sapat na ang ginagawa ko para masabing nag-eeffort ako sa babaeng mahal na mahal ko.

Pero bakit gano'n, kahit ano'ng gawin ko eh ang panget talaga ng drawing ko. Hindi kasi ako biniyayaan ng mga kamay na mahusay sa pagpipinta o pagdo-drawing man lang.

"Ano ba 'yan, ang panget na naman!", nasambit ko na lang. Kahit medyo nalakasan ko ang boses ko eh wala naman ako pakialam kasi wala namang mag-iisip na baliw ako rito, kasi mag-isa lang naman ako. Sabay punit ng gawa ko at ni-crample ito. At sa sobrang inis ko, binato ko 'yon sa may gilid.

Heart Series (Side-Stories)Where stories live. Discover now