Kabanata 23

23.7K 719 152
                                    

Kabanata 23

Stare

"This is so hard, Ledge!" I complained while holding this basket of tomatoes that I just picked up earlier.

He said na I'll help him na mag-harvest but he did not say anything na it's so mainit pala tapos there are insects pa na kinakagat ako!

This is my vacation! Why is he torturing me as if I did something wrong? Mali na bang magsaya ngayon? I'm nice naman to everyone!

"Simpleng trabaho lang 'yan, Hell!" nakangising sabi niya pa bago kinuha sa akin ang basket. "Go and drink some water. Bumalik ka rito pagkatapos ng ilang minuto."

Ginawa ko ang sinabi niya. Uminom ako ng tubig at pinunasan ko na rin ang pawis ko but I didn't go back to him again. Nakakapagod na roon at pakiramdam ko pa ay mahihimatay na lang ako bigla if ever na bumalik pa ako.

I went out of the field to scan the whole place. Ang sarap tignan ng mga halaman at malalaking puno na may iba't ibang bunga. Nasaan kaya ang may ari nitong lugar na 'to? I mean, they should be here para matignan ang property nila, right?

Aliw na aliw ako sa mga flowers because it was so colorful! I wish I could get at least one flower but I know it's bawal. Masisira ang tanim kapag ginawa ko iyon kaya I'll just look na lang.

"Hmmm," I'm humming my favorite song while looking at the flowers.

Sometimes tumatalon pa ako at tumakabo just like a free kid wanting to play on their yard. Hindi ko naranasan ang ganito before kasi most of our vacations were always held out of the country. Ngayon lang ako napadpad sa province at ayoko nang umuwi pa sa amin.

I love everything around here except sa mga pinapagawa sa akin ni Legend. Duh, I didn't went here to work like a farmer! I want to unwind and enjoy my remaining days of being away from school!

While I was running, I suddenly bumped into someone. She's carrying some potatoes and nalaglag iyon sa ground dahil sa pagkabangga namin sa isa't isa.

"I'm sorry!" yumuko ako para pulutin ang mga potatoes at ganoon din ang ginawa niya.

Malalaki ang potatoes dito and it looks fresh! I'm suddenly craving for potato salad and french fries tuloy. These past few days kasi ay puro vegetables lang ang kinakain ko at puro pa healthy foods. Wala pa ata akong nakakain na mamantika here because Legend is maarte. He's health conscious kasi.

"I want fried chicken!" I said, stomping my feet.

"Go back to Manila and have your fried chicken there!" he rolled his eyes on me. "Gulay ang kakainin natin dito. Kung anong nasa mesa, iyon ang kakainin mo. If you don't want any of it, you can stay inside your room and starve yourself to death."

That's what happened when I insisted about eating fried chicken. Two weeks pa lang naman akong nandito but nasasanay na rin ako kay Legend.

"Samaniego ka?" tanong sa akin ng babaeng nabangga ko.

I'm much taller than her and I'm sure na mas matanda rin ako sa kaniya. She looks bata pa at tanned ang skin niya. Medyo old at baduy ang skirt niya tapos dirty na rin ang top niyang white na long sleeves.

I noticed na ganiyan karamihan ang suot nila. Well, Legend's not wearing anything kapag nasa farm siya. Lagi siyang topless at maong pants lang ang suot.

Nakasuot ako ng white T-shirt and black pants and then brown boots. Legend suggested this one kaya nagmukha akong cowgirl.

"H-Hindi..." mahina kong sabi at tipid na ngumiti.

Seizing Hell (Ellington Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon