Kapalit

89 3 0
                                    


Nagmistulang jelly ang mga tuhod ko pagkadating sa mansion.Napakalayo pala ng nilakad ko , buti na lang nang humingi ako kay Sunny ng tulong e tinulungan niya agad ako.Masyado nang sumusobra ang Adore na yan.Iniwan ako e alam naman niyang sobrang layo ng lalakarin ko mula paaralan hanggang mansion? Wala ata utak yung lalakeng iyon.Masyadong nilamon ni Eyrin,hayuf.

Pagkadating ko sa mansion ay madilim na.Delikado pa sa daan pero swerte ko nga kase dahil kay Sunny nabilisan ako.Pagka-alis niya ay dumiretso agad ako sa taas,sa kwarto ko.Hindi muna ako kakain ngayon.Wala akong gana,baka kapag nakita ko pa pagmumukha ng dalawang haliparot e di ko na mapigilan ang sarili ko at masapak ko na sila.

Matapos kong maligo at magbihis ay humiga agad ako sa kama.Sobrang sakit ng paa ko na namula pa pati mga daliri nito.Magkabilaan parehong namula dahil sa layo ng nilakad ko kanina.Nadamay na rin buong katawan ko dahil sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon.Mabuti at hindi naman ako gutom.Matutulog na lang ako dahil bumibigay na mga mata ko.

*tok*tok*

-.0

Wth?!

Sino tong istorbo na to?

Hindi ko na sana papansinin pa pero pagkaraan ng ilang minuto ay lalo pa itong lumakas at hindi tumitigil.Sumigaw na ako na pagod ako pero hindi pa rin nawawala yung ingay.Hindi naman naka-lock a? Bakit hindi na lang pumasok? Ovov!

Dahan-dahan akong tumayo dahil antok na antok na ako.Masakit na rin mga paa ko.Iika-ika akong naglakad palapit sa pintuan at dahan dahang binuksan ito.Tumambad sakin ang mukha ni Adore na seryoso at matamang nakatitig sakin.

"A-Anong kailangan mo? Pagod ako,hindi ako kakain."

Isasarado ko na sana ang pinto nang pigilan niya ito gamit ang isa niyang kamay at unti-unting pumasok nang nakaharap sakin.Unti-unti rin akong napapa-atras.

"A-Anong ginagawa mo?"

Hindi siya tumigil at patuloy pa rin sa paglalakad.Nakatingin lang siya sakin habang ako naman ay ngumingiwi dahil sa mabilis na pagtapak ko sa mga paa ko.Ang sakit na nga kanina e,nadagdagan pa ngayon.Tumigil lang siya ng tumigil ako dahil naramdaman ko na sa likod ko ang kama.Unti unti siyang lumapit sakin.Unti-unti rin akong umatras hanggang sa napaupo na ako.Ikinulong niya ko sa mga kamay niya at tumingin sakin.Nanuyo ang lalamunan ko dahil don.

"Kailangan mong kumain,masyado kang napagod." bulong niya.

Bakit dahil lang sa isang bulong nawala na agad ang sakit?

"A-A-Ayoko.Napagod ako masyado."

Hindi ako makapagsalita ng maayos at makatingin sakanya dahil sa lapit niya sakin.Nararamdaman ko na ang paghinga niya sa ilong ko! Nakatingin lang ako sa gilid at pinaglalaruan ang aking kamay.

Umupo siya sa harap ko at biglang hinawakan ang mga paa ko.Nabigla ako sa ginawa niya lalo pa nang dahan dahan niya tong hilutin.Ang lambot ng kamay niya na nakahawak sa mga paa ko.Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sakanya.Seryosong seryoso siya at para bang matagal na niya itong ginagawa.Nakakunot pa ang noo niya habang minamasahe ang paa ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bigla siyang tumayo at tumalikod.Nilagay ang mga kamay sa bulsa at lumapit aa pinto.Ngunit bago umalis ay nagsalita muna siya.

"Sa susunod,huwag nang matigas ang ulo mo.Ayokong nasasaktan ka kapag ako ang kasama mo."

Dalawang linggo na ang lumipas mula ng mangyari iyon at ngayon ay hindi na ulit ako hinayaan ni Adore na umuwing mag-isa.Hindi rin namin nakakasama si Eyrin sa pag-uwi pero nakakasama pa rin namin siya minsan sa bahay at syempre sa paaralan.Malapit na ang pagdiriwang ng paaralan na ito at todo ensayo silang lahat.Ni isang posisyon nga wala akong nakuha e.Gusto ko sanang kahit extra lang kaso wala.Bawat practice nila Adore ay kailangan daw na nandun ako para taga-punas ng pawis niya at taga-bili ng pagkain.Kainis nga e kase parang walang kamay.Baldado lang ganun?
Ayoko nga sana manood kase may mga eksena na ang sweet ni Adore at Eyrin sa isa't isa.It hurts ya' know.Nakakaselos masyado pero wala akong magagawa dahil alipin ako dito,hindi bida.

At dahil dalawang linggo na ang lumipas,ngayon na ang araw para sa pagdiriwang.Sabay ulit kaming pumasok ni Adore pero nang makarating kami sa paaralan ay humiwalay na siya.May practice daw ulit e,last na pero.Ako naman ay dumiretso sa classroom kasama ang iba na tira tira.Ibig sabihin mga hindi napili ng guro para sa presentation.Ibang iba ang awra ng mga tao ngayon dahil nagkaroon sila ng sigla.Nakangiti na yung mga iba at nagtatawanan.Yun nga lang,yung nga decorations kulay black pa rin.

Lahat ng estudyante ay pinapunta sa field.Kung saan gaganapin ang iba't ibang presentation ng iba't ibang grade level.Magkasama kami ni Sunny at magkatabi ng upuan.Apat ang idadaos ngayon at pinaka-huli yung amin,kina Adore.Ang mga nauna ay puro horror.Mga nakakatakot kababalaghan.Syempre natakot ako kase anggagaling nung mga gumanap na multo.Pangalawa naman ay inspired by Titanic.Nagkaroon ng totoong dagat sa stage.Pati barko at mga ice.Ang astig pa nung mga gumanap.Ang galing umarte.Ang pangatlo naman ay love story din.Medyo kinilig ako kase parang ako yung bidang girl.

Nang matapos ang tatlo ay bumili muna kami ng makakain ni Sunny.Buti na lang ginamitan ng magic ang field kaya hindi kami naiinitan kahit tanghali na.Bumalik kami at intermission number pa lang ng mga piling estudyante.Habang nanonood ay tinawag ako ni ma'am.Pinapunta ako sa backstage.Kinabahan agad ako.May nagawa ba ako? Pero pagkadating ko ay sinabi agad niya ang pakay niya sakin.

"Wala si Eyrin."

"P-Po? Bakit? Nasaan daw po?"

"Kanina pa namin tinatawagan pero hindi sumasagot.We tried to reach her family pero hindi rin daw alam kung nasaan."

"E si Adore po? Nandito po ba?"

"Yes.Everything is okay now.Si Eyrin na lang ang problema.Ilang minuto na lang at sasalang na."

"E-Eh bakit niyo po to sinasabi sakin? Ano pong kinalaman ko diyan?"

"Ikaw ang bagay at natitirang pag-asa natin,Daisy.Kailangan mong gumanap bilang bidang babae."

"P-Po?!"

O-o

'Til Death Do Us Part (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon