Bumalik

96 4 0
                                    

Buong akala ko hinding hindi na muli ako hihiling pa.Akala ko patuloy na akong magiging masaya.Akala ko wala na akong mahihiling pa dahil kumpleto ako,masaya ako at kasama ko ang taong mahal ko.Akala ko hindi na ako hihingi pa ng mga bagay bagay dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako.Puro na lang ako akala,dahil lahat ng iyon nag-iba na ngayon.

Kahit masakit para sa akin ay mas pinili ko na lang na umalis.Kagabi ko pa na-empake lahat ng gamit ko,at kahit hindi ako pinaaalis ay ako na mismo ang magkukusa.Ano ba ako dito? Ano pa bang silbi ko dito diba? Hindi ako martir para magtagal pa dito.May awa rin ako sa sarili ko kahit papaano.Buo na ang desisyon kong umalis,at kahit pigilan pa ako ay hindi na sila magtatagumpay.Pero,may pipigil ba? Paniguradong wala dahil wala na akong kwenta pa dito.Isa akong basura dito na kailangan nang itapon para wala nang problema.

Madaling araw ay bumaba ako dala ang gamit kong nakalagay lamang sa isang bag.Kung mawawala man ako ay hindi na nila iyon mapapansin pa.Pagkababa ko ay tahimik sa buong pasilyo at medyo madilim pa dahil naka-patay pa ang mga ilaw.Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko para makakita.Bago ako lumabas nang pinto ay huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha.Kahit papano ay naging masaya din ako dito,may mga alaala na rin ako sa mansion na ito.Binuksan ko ang pinto at ang malamig na hangin ay sumalubong sa akin.Naiiyak na naman ako pero nilakasan ko ang loob para pigilan ito.Pagtapak ko sa unang baitang ng hagdan ay may nagsalita sa likod.

"Saan ka pupunta? Iiwan moko?"

Alam kong siya iyon,mas lalo lang akong naiyak.Sinubukan kong hindi na siya pansinin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Palayo ay hinihintay ko ang boses niya,hinihintay ko ang salita niya na pipigilan ako.Ngunit wala,walang boses na narinig pa.Ang sakit,sobrang sakit na hindi man lang niya ako pinigilan.Huminto ako nang makalayo,pumihit paharap sakanya.Ngunit laking dismaya ko nang makitang wala na siya roon.Napaupo na lang ako sa sobrang panghihina ng mga binti at tuhod.Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagbuhos ng mga ulan.

(NP : Say Something I'm Giving Up On You.)

Nagsimula na ulit bumagsak ang mga luha ko.Ngayon ay hindi ko na sila pinigilan,hinayaan ko na silang bumagsak.Sobrang sakit nilang pigilan,dahil hindi naman sila mapigilan.Ang kukulit nila,lagi silang bumabagsak kahit ayoko man.Wala na akong pake kahit mabasa man ako,sobrang sakit lang talaga ng nararamdaman ko ngayon, lalo na ang puso ko.

"ADORE,DIBA SABI MO MAHAL MO KO?! BAKIT SIYA ANG PINILI MO AT HINDI AKO?! NANGAKO KA DIBA?! NANGAKO KA NA AKO LANG! AKO LANG ANG MAMAHALIN MO!"

Lahat ng hinanakit ko,nilabas ko na.Nakakabawas rin siya kahit papaano ng sakit.Sakit na sa tingin ko hindi na mawawala pa sa puso ko.Paano ito mawawala? Kung ang dahilan ay ang taong mahal na mahal na mahal ko?

"ADORE,MAHAL NA MAHAL KITA! KAHIT DI NA AKO,MAHAL PA DIN KITA!"

Sa sobrang pag-iyak ko ay halos hindi na ako maka-hinga.Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.Nilalamig na rin ako at nanginginig dahil sa ulan.Tumayo ako ngunut natumba din dahil sa panghihina.Mas lalo lang akong naiyak.

"Adore,akala ko ba hanggang sa dulo tayo? Bakit ngayon pa lang iniwan mo na ako?"

Ang mapait na alaala nang kahapon ay hindi pa rin mawala-wala sa alaala ko.Parang kahapon lang iyon nangyari kahit na ang totoo ay limang taon na ang nakalipas.Limang taon na nagbalik ako sa pagiging ordinaryo,simple,at masayahing ako.Ang nagdaang kahapon ay naging inspirasyon ko para mas umabante pa at huwag sumuko sa buhay.

Limang taon na hindi ko na siya nakikita,limang taon na waang komunikasyon.Masaya na kaya siya? Mahal na rin kaya niya si Eyrin? Ilang taon na ang anak nila? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiiwasan na hindi masaktan.Sobrang bago pa niyon sa alaala ko.Gabi-gabi ko siyang napapanaginipan,naiisip,at naaalala.Kamusta na kaya siya? Maayos lang ba ang kalagayan niya? Nila ng anak nila? Malusog kaya ang bata? Lalake ba ito o babae? Nagmana ba ito kay Adore? Kung lalake ito ay paniguradong kamukhang kamukha niya si Adore.Pero sana naman ay hindi nito mamana ang pagiging masungit ng ama niya.Kung babae naman,siguro singganda din ni Eyrin ito.

Kahit limang taon na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin sila nakakalimutan.Maging ang hari ay hindi rin.Siguro masaya na rin ang ina ni Adore dahil may apo na siya.Ngayon,gusto ko na silang makita.Silang lahat dahil ang poot ng kahapon ay wala na.Kahit pa nasa alaala ko pa rin ito ay maayos na ako.Wala nang sakit,kirot,at poot.Pati ang pagmamahal? Wala na! Ang bilis kong magmove-on no? Well,ganyan ako.Kaya tularan ako,mabilis magmove-on! Hindi din ako bitter.Naging sarado lang ang puso dahil ang kauna-unahang lalake na minahal ko ay mas pinili ang iba.

Masaya na ako ngayon,sa susunod na taon ay lilipat na ako sa Manila para mag-trabaho.Ang kapangyarihan na taglay ko ay hinding hindi ko na nagagamit.Ako lang ang nakakaalam dahil ayokong malaman ito na nanay.Graduate na rin ako sa kursong Education.Hindi man halata ay mahilig ako sa mga bata,kaya't mas pinili kong magturo.Sa ngayon ay dito muna ako magtuturo ng mga pre-school sa lunes.Eksayted na rin ako dahil makakatulong na rin ako kina nanay.Mula nang dumating ako dito at makabalik ay never nila akong tinanong,basta masaya lang sila dahil nakabalik na ako.Kung mag-krus man ang landas namin ni Adore ay sigurado akong kaya ko na siyang tignan sa kanyang mga mata nang nalang nararamdaman.Wala muna akong oras para sa pagmamahal,hihintayin ko na lang ulit na tumibok ang puso ko.

Ang pagmamahal ay hindi minamadali,dahil kung minadali mo,magagayahan mo ako.Minadali ko ang pag-ibig ko kay Adore.Hindi ko hinayaan ang oras na kumilos para sa akin.Hindi ako naghintay,dahil sa kagustuhan kong makasama agad si Adore.Natuto na ako sa pagkakamali ko,kaya't hindi ko ito uulitin.

This time,I'll let destiny to find the right man for me.

'Til Death Do Us Part (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon