jιмιn

285 11 4
                                    

"Ahm... Welcome back..."

Pagkasabi ko non ay umayos na agad ako ng upo, humarap ako sa unahan. Tangina, ano bang naisip ko at kailangan ko pang tumingin sa kaniya at sabihin yon? Hindi pa naman siguro ako nababaliw. Sa huling pagkakatanda ko, halos magpatayan kami ng babaeng yon five years ago.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ngayon ang oras para magbalik-tanaw, punyeta.

Siniko ko ang katabi ko, si Min Yoongi. "Yah hyung, anong subject nating sunod?" hindi pa man nakakasagot ang lalaking magilagid ay bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang panot naming teacher ng Economics.

"Attention..." malumanay pero bakas sa boses nito ang batas. Myoui Mina, our class president.

Sabay-sabay kaming tumayo bago i-bend ang mga katawan namin bilang paggalang, "Greetings, seonsaeng-nim." itinaas lamang nito ang isang kamay para batiin kami pabalik. Tss, akala mo naman sobrang importanteng tao, panot naman.

Pagka-upo ay inilagay ko ang braso ko sa ibabaw ng desk at ginawa kong unan. Sa bintana ko piniling tumingin. Tanaw dito ang buong field ng HU.

"Nakaabot na sa akin na ngayon lang daw nakarating ng classroom ang isa pa nating tranferee. Kaya naman, Miss Yoo, puwede ba kitang anyayahan dito sa una?" dinig kong sabi ng panot.

Marahas na nagpakawala ng hininga ang nasa likuran ko. "Kahit naman tumanggi ako, papapuntahin niyo pa rin ako."

Mukhang hindi narinig ng panot ang pabalanh na sabi ng babae kaya muli niya itong tinawag.

"Kakalbuhin na kitang tuluyan, eh." bulong pa ni babae bago ko maramdaman ang pagtayo niya.

Nag-angat ako ng tingin. Ipinatong ko sa palad ko ang baba ko habang nakatingin sa babaeng nasa unahan.

Hm... So she let her hair grow. Naglalagay na rin siya kahit paano ng makeup. Hindi katulad dati na parang papatayin na niya ang kahit sino na gagalaw at maglalagay ng kahit pulbo man lang sa mukha niya. Sumusunod na rin siya sa batas ng pagsusuot ng skirt ng mga babae. Wow.

'W-Wow'? What the hell was that, you asshole!?

Binatukan ko ang sarili ko. Tangina. Tangina talaga! Ano bang nangyayari sa akin. Dapat galit pa din ako sa kaniya. Siya nga, mukhang gusto pa din ako kainin ng buhay tuwing napapatingin siya akin——puwede naman yon kaso masasarapan siya masyado.

"We're waiting, Miss Yoo, please speak now."

She rolled her eyes before bowing and showing us her fakest smile. So fake, it can say hi to China and intimidate the said country. "Annyeonghaseyo. Joneun, Yoo Jeongyeon-imnida." tumingin siya sa panot saka tumango rito. "That's all, Sir." dagdag niya saka naglakad pabalik sa upuan niya.

"Another hard-headed student in this class, I see. You may now sit down, Ms. Yoo."

Hindi siya pinansin ni babae. Tuloy-tuloy lang ang lakad nito pabalik sa upuan niya, sa likuran ko.

Nang magsimula nang magsalita ang teacher naming panot ay napagdesisyunan kong matulog na lang. Pero yuyuko pa lang sana ako ay bigla akong tumaob sa kinauupuan ko. I look around and found out that they were all looking at me as if I'm the weirdest person in class.

My gaze automatically landed on the lady sitting behind me.

Tumayo ako at masama siyang tinignan. "Why did you do that?" angil ko.

Nagkibit-balikat lang siya sabay sabing, "That... " she showed me her evil smirk. "...is thank you for welcoming me back."

Lalo akong nagpuyos sa galit dahil sa sagot niya. She maybe grew her hair but she doesn't changed a bit. She's still the devil lady I knew five years ago!

"Miss Yoo! Mr. Park!"

Padabog akong naupo habang masama pa ring nakatingin kay Jeongyeon. Nakangisi pa rin ang babae!

"Kapag hindi pa kayo umayos ng upo palalabasin ko kayo!"

Yumuko ako at ipinatong ang noo ko sa braso ko. Matutulog na lang ako, punyeta.

Naalimpungatan ako nang may bumato sa akin. Si Jungkook. Nagtataka ko siyang tinignan.

He crossed his arms in front of his chest. "Maghapon kang tulog, man. Sinusumpa ka na ng bawat teacher natin."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "What is wrong with sleeping in class? Akala ko ba pangalawang bahay natin 'to?" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Binatukan ako ni Taehyung. "Gago ka hyung, dami mong alam. Tara nang umuwi." sabi niya saka kinuha ang bag niya at isinakbit sa balikat tapos ay lumabas na ng room. Sumunod naman si Jungkook.

Kinuha ko na din ang bag ko at hinabol yung dalawa.

"Maghapon ba talaga akong nakatulog?" tanong ko habang nag-uunat ng braso.

Dahil nasa unahan ko silang dalawa, nagkatinginan muna sila bago ako lingunin."Oo brad, akala nga namin patay ka na kung hindi lang sinabi ni Yoongi-hyung na humihinga ka pa." natatawang sabi ni Jungkook.

Babatukan ko sana siya pero madali siyang nakalayo sa akin. Tatawa-tawa din naman si Taehyung. Siya nga ang batukan ko.

“Magkasundong-magkasundo talaga kayo sa mga ganiyang bagay, ano?” asik ko sa kaniya saka naunang maglakad. Mga panira ng araw.

“Nakauwi na ako.” walang siglang saad ko pagkatuntong na pagkatuntong ko sa bahay namin. I sighed. Kung pwede lang bumukod na ng bahay, matagal ko nang nagawa.

Lumapit sa'kin si Mama na halatang kagagaling lang sa kusina. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. “How's your day?” tanong niya sa'kin.

“Just the usual.” I said while taking off my shoes.

“Nakahanda na ang pagkain. Hindi ka ba sasabay?”

“Is he here?”

A faint smile appeared on her lips. “Nope. He's outside... working...”

Muli akong bumuntong-hininga saka pumunta sa kusina. It's so quiet in here and I like it.

Sumunod sa'kin si Mama at pinaghanda ako ng pagkain habang nakangiti. “Ilang araw na kitang hindi nakakasabay kumain. Miss na kitang kausap, anak.”

“Alam niyo namang ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon.”

Huli niyang nilagay ay ang ulam ko. Naupo siya sa upuang katapat ng akin saka nagsimula na ring kumain.

I looked at her. Bakas sa mukha niya ang pagod.

Nagbaba ako ng tingin at agad na sumubo ng kanin nang tingnan niya ako.

“Huwag kang magsalita ng ganiyan, Jimin.”

I just rolled my eyes. Lagi na lang, 'Huwag mo siyang pagsalitaan ng masama' o kaya naman 'Igalang mo pa rin siya'.  Nakakasawa na.

Binilisan ko ang pagkain. Nang matapos ako ay tumayo na ako at inilagay sa sink ang pinagkainan ko.

“Pagkatapos mong kumain, Ma, iwan mo na lang ang plato sa lababo at ako na ang maghuhugas ng mga 'yan.”

Kinuha ko ang bag ko at pupunta na sana sa kuwarto nang bumukas ang pinto at pumasok ang pinaka kinamumuhian kong tao.

“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ng Mama mo.” sabi niya. Pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Bagkus, dere-deretso lang ako ng lakad.

Akala ko ba ay wala ito? Bwisit!

“Pagsabihan mo 'yang lalaking 'yan, Han Jin. Kapag ako hindi nakapagpigil, sasamain na 'yan.” rinig kong sabi niya.

Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa kuwarto. Nanghihina akong napasandal sa pinto.

Tiningala ko ang kisame at ikinuyom ang kamao ko.

Wala namang may kailangan sa kaniya dito. Bakit ba balik pa siya nang balik?

BASOREXIA. ↻ park jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon