Julie’s side…
Girl: Uy Julie.
Julie: Uhm, yes?
Girl: Alam mo na ba yung tsismis?
Julie: Ano yun?
Girl: Parang nilalandi daw ni Alexa si Alvin mo.
Julie: Huh? San mo naman nakuha yang tsismis na yan?
Girl: Narinig ko lang. Lagi daw kasi silang magkatext. Tas parang kinikilig daw si Alexa tuwing magkatext sila. Naku, mukhang inaagaw na ni Alexa sa’yo yun ah?
Julie: Aww! Wag naman sana. Mabait naman si Alexa eh. Di niya naman siguro yun magagawa sakin.
Girl: Akala mo lang yun.
Julie: Huh? What do you mean?
Girl: Ikaw na lang umalam. Sige bye!
Ayun na nga ang tsismis na nalaman ni Julie. Dahil dun kailangan niyang mag-imbestiga kung totoo ba ang balita.
Julie: Riane, may tanung ako.
Riane: Yes?
Julie: Close ba kayo ni Alexa?
Riane: Hmmp! Di ah. Diba kayo ang close nun?
Julie: Eh kasi may nalaman akong balita.
Riane: Ano yun?
Julie: Parang nilalandi daw niya si Alvin.
Riane: WHAT?! Eh diba crush mo yun? Nako! Baka inaagaw niya amp! Sobrang landi talaga niya! Grabe!
Julie: Huh? What do you mean?
Riane: Di mo ba lam?
Julie: Ang ano?
Riane: NAPAKALANDI NIYA!!
Julie: Huh? Bakit?
Riane: Mahilig siyang manira ng mga relasyon.Julie: Oh?! Kaninong mga relasyon ang mga nasira na niya?
Riane: Yung una kina Risa at William then ngayon kina Louie at Anna.
Julie: Huh? Kila Louie?
Riane: Oo, inagaw niya si Louie kay Anna. Nilandi ni Alexa si Louie nung magkaaway yung dalawa. Tinake niya yung opportunity. Tas niligawan ni Louie si Alexa tas naging sila. Kaso hndi sila nagtagal dahil napansin ni Louie na nakikipaglandian si Alexa sa ibang lalaki habang sila.
Julie: Oh?! Grabe amp! Sana hindi naang ako nagtiwala sa babaeng yun. Tsk! Ang tanga ko!
Riane: Bakit Julie? Ano ba ginawa mo?
Julie: Kasi nagpatulong ako kay Alexa na makipagclose kay Alvin.
Riane: Ano?! *binatukan si Julie* Ba’t mo naman ginawa yun?
Julie: Hindi ko naman alam na ganun pala siya. Malay ko ba.
Riane: Dahil diyan, sila pa tuloy ang naging close!
Julie: Hayy! Dapat pala din na lang ako sakanya nagpatulong eh.
Riane: Hayy, di pa naman huli ang lahat eh.
Julie: Pero ano gagawin ko?
Riane: Edi sabihin mo na ikaw na lang gagawa ng paraan. Na di ka na magpapatulong. Na i-stop na niya yun.
Julie: Gawin naman kaya niya yun?
Riane: Try mo.
Julie: Ocge. Salamat sa info ah?
Riane: Wala yun. Sa sunod kasi ikaw na ang gumawa ng moves para sa sarili mo. Wag ka na magpapatulong. Sa panahon ngayon din a uso yung hiya hiya. Kaya hangga’t may opportunity, kunin mo na.
Julie: Oo sige. Salamat sa advice.
Riane: Syempre kaibigan kita eh.
Nag-imbestiga si Julie tungkol kay Alexa. At totoo nga ang balita dahil Gawain nap ala ito ni Alexa. Isa siyang certified MALANDI! Kinonfront ni Julie si Alexa tungkol kay Alvin.
-Text Convo-
Julie: Bebs kamusta na?
Alexa: Eto, okay lang. Ikaw bebs?
Julie: Okay naman din. Kamusta na kayo ni Alvin? Balita ko close na close na kayo ah.
Alexa: Hahaha! Hindi naman. Sakto lang. :)
Julie: Asus! Baka kayo pa ang magkatuluyan ah? :)
Alexa: Haha! Di ah. Di ba sayo yun tas akin si Elmo? :)
Julie: Hmm, pero kung kayo na ang nagkakadevelop-an edi sayo na siya.
Alexa: Uy di ah. Kaibigan kita eh. Di ko aagawin yun noh! :)
Julie: Haha! Ganon?
Julie’s POV: Asus! Kaibigan daw. Eh nilalandi mo na nga eh! Tsk. Kala mo ah? Karma katapat niyan!
Pinipilit ni Julie si Alvin kay Alexa. Sinusubukan niya kung kakagat sa pain si Alexa. Hmm, ano kaya susunod na mangyayari? Abangan…