Chapter 3

542 9 0
                                    

Dumating na ang araw ng UN sa school nila Julie at Elmo.

 

Elmo’s side..

Elmo: Hayy! Ngayon na ang araw na haharap ako sa maraming tao. Sana di ako kabahan kapag nagsalita na ako mamaya baka magkamali pa ako. Tsk! Nahihiya talaga ako. Di kasi ako sanay sa mga ganito.

Elmo’s Mom: Hay naku anak! Wag ka mahiya. Galingan mo mamaya ah? Always smile. Sensya ka na kung di ako makakapunta, busy kasi sa office eh.

Elmo: Naku, okay lang Ma. *smiles*

Elmo’s Mom: Goodluck!

Elmo: Thanks Ma! *niyakap*

Si Elmo Magalona ay isang 4th yr student. Isang mabait at masunuring anak. Gwapo na siya, ma-appeal pa! medyo mahiyain nga lang. Di siya sumasali sa mga contest pero pinilit lang siya dun sa UN nila kasi no choice na. Hindi rin siya sanay humarap sa maraming tao dahil may pagkamahiyain siya.

*1 Msg. received*

From: Julie (Bhest)

Hi bhest! Goodmorning sa’yo! Goodluck mamaya ah? Always smile. Wag kabahan. Aja!

Elmo: *smiles* Hayy, ambait niya. Concern talaga siya sa bestfriend niya.

*nagreply*

Elmo’s reply: Hello bhest! Goodmorning din! :) Thanks ha! :)

Julie’s side…

Julie: Hayy! Buti pa si bhest kasama sa program mamaya. Sana kasi sumama si Alvin eh, edi masaya sana.

Nung nagpeprepare na yung mga kasali sa program, ang lahat ay abala sa section ni Julie. Ang kanilang representative ay medyo kabado. Yung mga artistic na kaklase ni Julie ay gumawa ng banners, yung mga nag-iingay ay nakaisip na gumawa ng cheer at yung iba ay tinutulungan na i-prepare ang Mr. & Ms.

Julie: Gali! (tawag sa section niya) Nakita ko yung suot nung Ms. ng last section sa 3rd yr, bongga pero mas kabog yung atin!!

Gali: Wohoooo! *kinakalampag ang mga upuan*

Biruin niyo parehong mayaman ang representative ng section ni Julie kaya di makapagtataka na mangkakabog sila ng kanilang suot. At SPAIN sila ha? Talagang inaral nila ang Spanish para sa intro nila.

 

Dahil si Julie ay medyo nabored, tinry niya maglakad na parang rumarampa sa stage. Nang makita siya ng representative nilang babae, ito’y nagpaturo.

 

Janna: Uy Julie. Magaling ka pala maglakad na pangmodel eh.

Julie: Huh? Naku, di ah. Trip ko lang yun.

Janna: Srsly, kuhang kuha mo nga eh. Dali, patulong ako. Di kasi ako magaling sa ganyan.

Julie: Naku, di ako PRO.

Janna: Please?

Julie: Sige na nga.

Tinuruan ni Julie si Janna kung paano maglakad ng maayos at kung paano maglakad ng may poise kahit naka-heels. Tinuro niya ring na medyo ikembot ang bewang habang naglalakad.

 

Nang magsimula na ang program, todo hiyaw ang bawat section para sa kanilang pambato. Pero ang pinakamalakas ang sigaw at cheer na section ay yung III-Galileo( section ni Julie). Biruin mo star section sila pero pagdating sa mga cheers di sila papatalo. Matatalino na, talented at magaganda’t gwapo pa. SAN KA PA? =))

 

Nang i-announce na ang nanalo ay todo-cheer pa rin ang section nila Julie. Mula umpisa hanggang ending ng program, ang taas ng energy nila.

 

MC: And the winner for Mr. & Ms. United Nation for 2012 is…… III-Galileo!!

Naghiyawan ang mga kaklase ni Julie. Halos magwala sila! Sobrang proud ang adviser nila.

TextmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon