Pain...
"Huy Elmo!"
Naalimpungatan siya nang marinig na tinatawag ang pangalan niya.
"Gumising ka na diyan pre."
Nag angat ang tingin niya, medyo naglalabo pa sa una ang paningin niya dahil sa pagkakaantok pero ganun na lang ang panglalaki nang mata niya nang mapagsino ang nasa harapan. Kaagad siyang tumayo kahit papungas pungas pa siya.
"Pre, okay ka lang ba?" wika nang nasa harapan niya.
Nangingiming tumango naman siya. Nakakahiya na, naabutan siya nitong natutulog.
"Glen, pasensya na kung nakatulog ako dito sa locker room, hindi ko sinasadya." hingi niya nang paumanhin rito.
Nasa bar siya ngayon at napasabak na naman siya sa mabibigat na trabaho. Sanay na rin naman ang katawan niya sa mga ganito pero minsan ang katawan na niya ang kusang naghahanap ng pahinga kaya nang bumalik siya sa locker room nila ay umupo muna siya nang saglit hanggang sa hindi na niya namamalayang nakatulog na pala siya.
"Pre, umuwi ka na muna sa inyo. Magpahinga ka na muna, alam ko naman na buong araw ka na nag tatrabaho." wika ni Glen sa kanya. Umiling naman siya rito.
Si Glen ang isa sa nagmamay ari nang bar na pinagtatrabahuhan niya ngayon at ito rin ang nagpasok sa kanya rito para maging waiter. Matagal na niyang kilala si Glen, college pa lang ay naging kaibigan na niya ito, mabait na tao ito kahit na ubod na ito nang yaman kaya malaki rin ang pasasalamat niya nang bigyan siya nito nang trabaho at alam rin nito ang nangyari sa buhay niya, sa katunayan nga isa ito sa mga kinuha niyang ninong nang anak niya.
"Hindi pa akong pwedeng umuwi. Wala pa akong nakukuhang tip ngayong araw. Pambili ko rin yun nang gatas ni Milo." kamot-kamot ulo na wika niya.
Umaasa siya sa mga tip na makukuha niya ngayong gabi, doon lang kasi siya makakakuha na sapat na pera para makabili na siya nang gatas nang anak. May mga customer kasi na galante at laging nagbibigay nang malalaking tip sa kanya, karamihan doon puro mga mayayamang babae. May mga iilan ring nagkakagusto sa kanya pero hindi na lang niya iyon pinapansin, wala na siyang panahon sa mga ganung bagay, ang importante lang sa kanya ngayon ay ang anak niya.
At sino pa ba magkakagusto sa kanya kapag nalaman nang mga ito na may anak na siya? Wala nang matitiyaga sa kanya kaya mas mabuti na lang na mag isa na lang siya kasama ang anak niya.
"Oh ito kunin mo na.." biglang wika ni Glen. Laking gulat niya nang abutan siya nito nang pera.
"Pero hindi ko matatanggap yan—"
"Kunin mo na! Para makabili ka na rin nang gatas ni Milo." kinuha nito ang kamay niya at saka nito nilagay doon ang perang hawak nito.
"Pero—"
"Tsk, wag ka nang magsalita. Isipin mo na lang na advance pamasko ko yan para sa inaanak ko." natatawang wika nito. Nahihiyang tinanggap naman niya ang pera.
"Maraming salamat Glen.."
Ngumiti ito at saka siya tinapik sa balikat.
"Sige na, umuwi ka na muna. Kami na bahala rito."
"Maraming salamat talaga Glen!" pag uulit niya.