Epilogue

17.3K 490 101
                                    

London


After Six Months.

Naipanalo ni Tita Sam ang case para mabili ni Carlos ang lupa ng ampunan at ng Home for the Aged. At pinalipat na din sa private ang dalawang institution.

Gaya ng nasa plano namin, nakakuha kami ng pondo sa mga charity works ng buong group namin through sponsorship sa mga company ng mga Titos and Titas. Pinalakihan ni Tita Marie ang ampunan. Nilagyan din ng primary at secondary school para na rin sa karatig na lugar. Ang mga buntis na nandoon ay pinag-aral sa TESDA. Ang iba ay nakapagsimula sa sarili nila ng hindi pinapaampon ang anak. At ang iba, mas piniling magvolunteer na rin sa ampunan.

Ang Home for the Aged ay pinaayos din. Mas nilakihan ang mga bintana nila at ginawang wheelchair friendly. Mayroon ding mga volunteer nurse na naka-assign everyday para ma-check ang mga matatanda.

Naging busy din ako sa Hacienda dahil si Ate Zoey ay buntis... kaya si Kuya, parang timang. Kulang na lang lagyan ng ultrasound 24/7 sa tiyan ang asawa. Pero syempre, priority ko si Jolens. Sabi nga si Chase, ayusin nyo pre ang priorities nyo. Lakas ng mangaral ng gago.

"Hindi ka ba magpapaalam kay Saint?" Tanong ko kay Nathan. Nakaupo kami malayo sa mga bata na naglalaro. Nakatanaw siya kay Baby Saint na nagpipinta na naman sa wall. Napalapit na sa akin ang teenager na ito. Siguro dahil minsan din akong nawalan ng purpose sa buhay hanggang sa dumating si Jolens at tinuro sa akin ang tamang daan.

"Hindi na Kuya London." Sagot niya. "Please, huwag mo din sanang sabihin sa kanya o kay Ate Jolina kung saan ako pupunta." 

"Hindi ko maipapangako na hindi sabihin kay Jolens. Alam mo namang hindi ako nagsisinungalin sa kanya."
Nakakaunawa siyang tumango. 

"Pero pwede kong sabihin sa kanya na huwag sabihin kay Saint."

"Akala ko ba gusto mo si Saint?" Tukso ko kay Nathan. 

"Hindi lahat ng gusto, nakukuha." Sabi niya. 

"Alam mo ang sabi ng daddy ko, if you cannot change the situation, change the way you think. It's all in your perspective. Kailangan mo lang tanggapin Nathan..."

Tumango si Nathan. "Salamat Kuya London sa tulong mo." 

"Keep in touch. Kaya kitang puntahan sa inyo kapag hindi ka sasagot." Banta ko sa kanya. 

"Tingnan-tingnan mo si Saint, Kuya." Bilin ni Nathan.


Cordonia

Itong kasal na ito ang muntik ng hindi matuloy dahil sa pa-Stag Party ni Lucas. Gaya ng pinilit ni Xykie, si Mia, Ralph at Jaxx ang tumugtog sa wedding March niya. All eyes kay Xykie habang naglalakad sa carpet. It's Fall in here at medyo malamig ang hangin pero ang ganda ng setting ng Garden Wedding nila ni Henry.

At si Tito Kyle na lagi nilang tinutukso na pusong bato, nakita naming naluha ng ibigay ang kamay ni Xykie kay Henry.

"Take care of her or I will kill you." Sabi niya kay Henry na ikinalaki ng mata ng pari.

Syempre, kasama sa entourage ang girlfriend ko. Tanggap siya ng buong barkada at ng buong pamilya. Kung pwede nga lang daw, si Jolens na lang daw ang anak nya at hindi na ako sabi ni mommy.

"Love You." I mouthed to Jolens when she looked at me.
Kinikilig siyang nagtago sa likod ng hawak niyang bulaklak. Siniko ako ni Ralph.
"Mamaya ka na lumandi. Makinig ka muna sa vows nila" Bulong ni amboy.

"Xykie, My Lady. I vowed to you before that my life is yours to command. From this day, until death comes to me, I promise that I will honour you as my wife, as my Lady, and as my partner. For I am not whole when we are apart. I vowed to protect you with my life. My wealth, my name, and honour are yours to take. I will love you will all of my breath and will forever be grateful for the best gift that you gave me... YOU. I love you." Sabi ni Henry. Naluluhang ngumiti si Xykie.

Nagpasahan na ng tissue ang mga girls at sumisinghot na si Jolens sa likod ng hawak niyang bulaklak.

"Sir Henry Lightwood... when I was a child, my dad told me to follow my dreams. So I literally followed you here." Sabi ni Xykie. Nagtawanan tuloy ng matingin lahat kay Tito Kyle. Siya pala may sala.

"It was a long flight and I don't know anything in life. I was armed with determination and a little charm perhaps, as I walked to that parade that changed my life. And now, I am standing in front of you with our families surrounding us, and I vow to protect you and honour you as my father did to my mother. I don't promise to follow whatever you will say to me, for I believe that a husband and wife should decide as one. Thank you for making my dreams come true. I love you." Sabi ni Xykie sa wedding vows niya.

Bakit mas lalong napaiyak ang mga girls samantalang natatawa kaming mga boys?

Pinapanood namin ang mga girls na nakakumpol sa gitna ng reception area dahil ihahagis na ni Xykie ang bouquet niya.

"Tumabi nga kayo." Parang siga si Sakura na nanghahawi. Tawa nang tawa si Xykie at hindi maibato. 

"Engage oh... Hindi ikaw ang susunod na ikakasal." Pang-aasar ni Violet at itinaas niya sa mukha ni Sakura ang singsing. 

"Pipila ka Sakura." Sabay ni Brook at itinaas din ang singsing niya.
Sumimangot si Sakura.

"Ikaw... huwag kang ma-eengage. Ako muna." Sabi ni Sakura kay Mia na tawa ng tawa.

Hindi niya napansin na tumayo si Kiro at nasa likod na niya. Talak siya ng talak kay Mia at Jolens. Parang lasing si Sakura. Tawa kami ng tawa sa kanya.

"Ikaw Jolens... Huwag mo munang tatanggapin si London kapag nagpropose. Alam kong malandi si London, pero please pumila kayong dalawa." Sabi ni Sakura. Grabe itong si Sakuragi na ito.

Ngumunguso si Mia at Jolens sa kanya. Tinuturo nila si Kiro.

"Huwag kayong magpout d'yan. Hindi kayo cute." Sabi pa ni Sakura.
Hanggang sa hinawakan na ni Mia si Sakura sa balikat at saka hinarap kay Kiro. Nanlaki ang mata ni Sakura.

Kiro cleared his throat... Kabado si Kiro-Kiro

"Sakura..." Simula ni Kiro.

"Yes... I will marry you." Sagot agad ni Sakura. 

"Wala pang tanong." Sigaw ng mga girls sa kanya.

"Marupok ka masyado ah." Comment ni Tito Ayano na ikinatawa lalo namin. 

Napakamot tuloy ng ulo si Kiro. Basag trip si Sakura! Paano ngayon magtatanong si Kiro?

Dinukot ni Kiro ang singsing sa bulsa at itinaas sa eye level ni Sakura. 

"Yes!" Sigaw niya at tumatalon pa talaga.

"Pakisanla raw. Wala pang sweldo." Sigaw ni Gab. 

Nagtawanan na naman kami. Ayaw ko ng magbiro, baka maslice ninja ako.

"Will you marry me?" Naitanong din sa wakas ni Kiro ang gustong itanong. 

"Yes... I will." Sagot ni Sakura na yumakap kay Kiro. Naisuot din sa wakas ang singsing kay Sakura.

"Nasaan yung pari. Pakitawag. Daming nyong hanash." Pagyayabang ni Sakura kay Violet at Brook. Nakataas na din ang kamay niya. Nagpapalakihan ba kayo ng bato?

May natutuhan ako today...Never propose in front of your friends! And never propose when she is expecting it.

"Do you want to dance?" Tanong ko kay Jolens habang pinapanood ang mga nagsasayaw. 

"No." Sabi niya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Sanay naman na siya sa holding hands namin kaya nang hinawakan ko ang kamay niya, she didn't expect that I will put a ring on her finger. Napalaki ang mata niJolens nang itaas niya ang kamay niya at tingnan ang singsing.

Naluluha siyang tumango at yumakap sa akin. I really love the sound of JolinaRamirez.

-The End

------------
A/N

This is the last book for 2ND BATCH SERIES
Sana ay nagustuhan ninyo.

Nathan will be back...#SOON.

Our next series will be called 3rd batch. Jaxx will be the first in line.
Abang-abang lang... wala pa akong story plot so baka hindi ko masimulan bukas.

Thank you mga beh. 😘

Two Steps Behind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon