Unti-unti ng lumalapit ang kaniyang mukha… Maging ang kaniyang labi ay papalapit na rin sa akin… Anong gagawin ko!?
“Aahh!!!” – sigaw niya sabay bangon sa kama.
Ang kaniyang mukha ay hindi maipinta. Na para bang nakaligtas siya sa kamatayan. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
“Haayy… Ano bang klaseng panaginip yun!? Bangungot nga yata yun. Aarrgghh.. Di ko ma-imagine, hahalikan ako ng isang lalaki. Teka! Sino yung lalaking yun!? Subukan lang niya at masasapak ko siya.” – bulong niya sa sarili matapos siyang magising dahil sa panaginip na iyon.
Bigla niyang naalala na, ngayon nga pala ang reunion nila ng mga kaibigan niya. Kaya agad siyang kumilos upang maghanda sa kaniyang pag-alis.
May silbi din pala ang bangungot na yun!
Pagdating niya sa meeting place nila ay agad silang nag-umpukan at nag-usap-usap. Halatang miss na nila ang isa’t isa.
“Is that you Lyssa!? Ang laki ng pinagbago mo. Anong nakain mo at naisipan mong magpaka lesbian?” – usisa ni Jane.
“Oh! Andiyan na pala si Vince!” – sigaw ni Alvin.
At nagsilingunan ang lahat.
“Kamusta?” – tanong ni Vince sa lahat.
“Look what have you done to our Lyssa! Dati, she’s a perfect lady, pero ngayon. Nahawa yata sa kakisigan mo eh.” – sabi ni Jane kay Vince.
Ngunit, ngiti lang isinagot nito sa kaniya.
Bago pa sila mamasyal, ay kumain na muna sila sa isang fast food chain. Habang nasa harapan sila ng kainan, nalaglag ni Vince ang kaniyang kutsara sa ilalim ng lamesa. Kaya yumuko siya upang kuhain ito. At pagkatapos ay…
“Meron ka yatang nakalimutang palitan Lyssa?”
“Anong nakalimutang palitan?”
“It seems that your dad is still too strict kaya hindi mo mailantad kung ano ka na ngayon.”
“Ano bang sinasabi mo diyan Vince? Paano mo nalamang hindi pa nila alam ang tungkol dito?”
“I don’t think if magugustuhan ng isang lesbian ang magsuot ng isang doll shoes. Pero, bagay naman sayo eh.”
Nanlaki ang mga mata ni Lyssa pagkarinig niya nun. Tumingin siya sa ibaba at nakita niya kung anong ibig sabihin ni Vince. Kaya’t agad niyang pinalitan ang suot niyang doll shoes ng isang rubber shoes.
“Kanina mo pa ba nakita? Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Bakit mo pinalitan? It fits you perfectly!” – pang-aasar ni Vince kay Lyssa.
Sa pikon ni Lyssa ay tinuktukan niya ng kutsara sa ulo si Vince.
“Lalaki ka nga, palaban!” – sabay ngisi nito kay Lyssa.
Matapos silang kumain ay namasyal sila kung saan-saan. Sinulit nila ang isang taong hindi nila pagkikita. Bago pa man sila umuwi, ay nagpasya na si Lyssa na humiwalay na sa kanila at nagpasama kay Vince sa comfort room.
“Hep! Hep!” – sigaw ni Vince kay Lyssa.
“Bakit?”
“Hindi yan boy’s room!” – pang-aasar ni Vince sa kaniya.
Hinubad ni Lyssa ang suot niyang rubber shoes at tinangkang ibato kay vince.
“Chill! Nagbibiro lang.” – sabay ngiti at talikod ni Vince.
Si Vince ang pinakamalapit na kaibigan ni Lyssa. Halos kilala na nito ang buong pamilya ni Lyssa. Almost 8 years na kasi silang magkaibigan. Komportable sila sa isa’t isa. Halos isang taon naman silang hndi nagkita matapos silang mag-graduate sa college. Sa Canada kasi pinagbakasyon si Vince. Pero hindi naging hadlang sa kanila ang layo ng distansya sa pagitan nila. Nagpatuloy parin ang kanilang pagkakaibigan. Maging ang dahilan ni Lyssa kung bakit siya nagdisisyong magdamit at kumilos bilang isang lalaki ay alam nito.
BINABASA MO ANG
My Handsome Girl Friend
Short Storypwede nga bang maging kayo ng isang taong kahit kailan ay hindi mo inasahang magiging sayo? mula sa isang FAKE-relationship, may posibilidad bang maging REAL-ationship? well let's see.. enjoy reading guys =">