Chapter Four: Kuya's Advice

1 0 0
                                        

Umayos ako ng upo. Kailangan ko lang talaga maintindihan yung sitwasyon namin. Bakit ba kasi ang manhid ko? Why am I this naive? James is a very good bestfriend of mine. I just loose him. Ugh!I need any advice. So I decided to tell to my Kuya.

Nanonood lang sya sakin habang nag aalinlangan pakobg sabihin sa kanya yung dapat sasabihin ko.

"Kuya Dwyane, Im just worried kasi sa friend ko. " panimula ko. Sabihin na lang natin kunwari na hindi sakin yung story ahihihi.

"So, yung friend ko kasing babae ay may bestfriend na lalaki. She love her boybestfriend so much but-----just like a brother. One time nakilala sya nung crush nya. Naging magbestfriend din sila tapos dapat ipapakilala nya dun sa boybestfriend nya yung crush nya . K-kaya lang -----g-galit yung boybestfriend nya kasi kaaway nya pala yung crush nung babae . Pero this is the problem talaga... Her boybestfriend confessed his feelings to her. He told her na matagal na syang mahal nito. So yung bestfriend ko na nagkwento sakin ay hindi nya alam ang gagawin , pero ano ba dapat? Kuya nanghihingi kasi sya sakin ng advice pero hindi ko rin naman alam kasi I didnt experience it though. Hindi ko alam kung ano yung feelings ng dalawang lalaki ." I explained. Kuya is just looking at me seriously .

"Alam mo, sobrang nasaktan yung boybestfried nya . Look, sa tingin ko may feelings na sya dun sa girl matagal na. He's just scared, takot na pagnagtapat sya dun sa girl ay layuan sya nito, takot na baka maiba yung tingin nung girl sa kanya, takot na baka hindi na nila magawa yung mga nagagawa nila noon , at higit sa lahat ay.... he's scared of rejection. He's not taking the risk ." Sabi nya habang nakahawak sya sa baba nya na animo'y nag iisip . May isip ba sya?

"Try to put yourself in his shoes. Grabeng sakit yun . Lalo na nung nagdala pa ng crush nya yung babae sa harap nya? He's already in his fear and it also adds pains in his chest. Fear plus Pain equals Hate...hatred. Galit na sya."

"Mas mabuting iwasan mo na sya Cedria . Kailangan nyo ng closure. Isang maayos na closure . You need to make him see your situation . Kailangan nyong kalimutan ang isat isa . Burahin sa isip nyo na naging magkakilala kayo . You two need to let go each other. Para sumaya na rin kayo itaya nyo na yang friendship nyo." Sabi nya at iniwan akong nakatunganga.

Oo literal na tumunganga ako. Bakit parang alam nya na ako nga yung may problema ? Yung totoo? Mind reader ba si Kuya?
Putek! Iwasan ko na si James?

HINDI ako nakatulog kakaisip kay James at sa advice ni Kuya. I dont really know what to do.

Pumasok ako sa school na parang zombie. Kailangan kong makausap si James.

Tumigil ako sa tambayan namin at pinagmasdan ito. Ito palang lugar na ito ay puro mga alaala ang nabuo , saksi ang upuan, puno , mga damo, lupa , at bato sa matibay na pagkakaibigan ni James. Pero magiging saksi din sila sa pagkasira nito .

Tinext ko si James para makapag-usap na kami.

Iya :to James
James, meet moko dito sa tambayan natin. Its really urgent .... Im waiting.

Pagkasend ko noon ay umupo ako dun sa ugat.Habang iniisip ko yung mga masasayang alaala namin ni James at ng pamilya nya ay napaiyak na lang ako. Pero kailangan kong gawin to. Nasasaktan na si James . At ayoko nito , ayokong ayoko.

Tumunog ang cellphone ko at napag-alaman kong nagreply na nga sya.

To Iya from James
Wait for me . We'll talk

Hinagis ko yung phone ko dun sa may soccer field . Pero tumayo ako . Sayang eh Iphone 8 yun. Kinuha ko yun tapos pag angat ko si James nandyan na pala. Lalo tuloy akong naiyak.

Tinulungan nya kong tumayo tapos nauna ng maupo dun sa may ugat ng puno. Sumunod naman ako tapos dun ako umupo sa may bench na kalapit nun.

"So anong pag uusapan natin , Iya?" Mahinang tanong nya pero bakas pa rin sa boses nya ang lungkot . Sorry James.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Between Lara & LaraWhere stories live. Discover now