Chapter Two: Change is Coming

5 0 0
                                        

Cedria the pretty's PoV

Maaga akong nagising dahil ipagluluto ko pa ang aking pamilya . Ako yung magluluto pero hindi nila ako pinapakain kaya nga minsan yung adobo ginagawa kong sinigang sa dami ng sabaw tapos nilalagyan ko ng isang kilong asin . Tapos syempre papagalitan nila ako heheehe.

Pero pagbaba  ko ako ang nagulat 0o0 T-totoo bato? Omg . Lord you must be kidding. Bakit may pagkain na sa lamesa . Tapos parang piyesta pa ah . May lechon , may kaldereta, hamonado, menudo, arrozcaldo lahat na ng may do nandon sa lamesa namin , dodo? Ahihihi . Nakaupo na sila sa lamesa at hindi pa kumakain . Nakatingin sa akin si Mama at Papa ng may ngiti sa mga labi , pero si Kuya ay panakaw nakaw na nagnanakaw ng pagkain sa mesa . Hanu daw?

Tataas na sana ako sa kwarto ko ng tinawag ako ni Mama.

"Cedria, anak!" Sabi nya ng may basag na boses . Umiiyak ba sya .

Humarap ako para tingnan pero lumapit sya sa akin at niyakap ako .
Iiyak ba ako o hindi? Iiyak o hindi ? Iiyak o hindi ? Sige na nga iiyak na para dramatic talaga . Lumuhod ako at humagulgol .

"Wahhhhhh huhuhuhuhuh wahhhhhhhh huhuhuhuhuhuhuhu bakit ka nagjowa agad Akashi hindi moko hinintay huhuhuhuhuh!"

Tumayo ako at pinunasahan na yung luha ko . Tiningnan ko sina Mama at Papa na nagtataka . Hehehehe mali pala yung nasabi ko dapat pala pangpamilya .

"Cedria anak, sorry nagkamali kami ni Papa mo huhuhuh" umiiyak na sabi ni Mama. Tiningnan ko lang sya at mukhang sincere nga .  Tumango lang ako sa kanya . Matagal ko na naman silang napatawad eh , makadiyos kasi ako ahihihi

"Pangako Cedria hinding hindi na kami uulit ng Mama mo magiging pantay ang pagtrato namin sayo."
Sabi naman ni Papa.

Niyakap nila akong sabay niyakap ko naman sila pabalik .

"Mama , Papa matagal ko na naman kayong napatawad eh." Sabi ko pagkakalas ng yakap namin at nginitian sila . Ganito pala yung feeling na ayos na kayo ng pamilya , sobrang saya .

Si Kuya ay kumakain na habang nakatingin sa amin .

"Dwyane , anak bakit hindi ka mag sorry sa kapatid mo?" Maototidad na sabi ni Papa.
Nagkibit balikat si Kuya at sinabing...
"Bakit naman ako magsosorry wala naman akong kasalanan . Ginaya ko lang kayo ." Sabi nya na tatawa tawa pa . Putek sarap sapakin eh . Pero totoo naman yata , hindi naman ako nyan inuutusan o sinasaktan eh , hindi nya lang talaga ako pinapansin .

MASAYA akong pumasok sa school , ipinagdala ko pa nga si James ng yakult favorite nya yun eh . Grabe mukhang buong araw ako sasaya ngayon ah , thanks to my family.

Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni James , sa puno na tapat sa soccer field . Maaga pa naman dahil 6 palang 9 ang simula ng klase namin eh . Dito ko lagi hinihintay si James , minsan sya yung naghihintay.

"Mukhang goodmood girlfriend ko ah." Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Bwisit na James to.

"Wow , may girlfriend ka na pala James pakilala moko huh!" Sabi ko sa kanya sabay batok . Natawa na lang sya sabay yakap sakin .

Wala namang kaso samin ang magyakapan . Nagkikiss din kami , sa pisngi nga lang o kaya noo . Syempre hindi sa panga hahahha.

Iniabot ko sa kanya yung isang balot na yakult .

"Aba mukhang good mood nga, mind sharing?" Sabi nya at inumpisahang buksan ang isang yakult.

"Okay na kami nina Mama at Papa james , yieeee ang saya ko ." natutuwang sabi ko sabay halik sana sa pisngi nya pero mukhang nagulat sya at humarap sya ------Oh noes! Nahalikan ko sa labi si James . Gosh!

Love Between Lara & LaraWhere stories live. Discover now