Friend Request

136 14 0
                                    

Kilala mo bang lahat ang mga naka-add sa mga social media accounts mo?

Approximately, we are talking about two billion monthly users on Facebook. Aminin mo man o hindi, tumatanggap ka ng mga friend request sa mga taong hindi mo kakilala. Lalo na sa mga users na may tinatawag na ‘second account’ kasi nga mayroon din silang ‘real account’. Err, guilty as charged here. For a few and not the safest reasons, hindi kasi dapat ganuon ang case.

So, bakit nga ba mas hindi advisable ang mag-accept ng friend request mula sa mga taong hindi mo personal na kilala? For me, it will all boil down to the requester’s intentions. Yung pinaka-motibo niya kung bakit niya gustong pasukin ang mundo mo at kung bakit siya nagka-interes mismo sa’yo.

Remember, once na inaccept mo ang ang isang friend request ay binibigyan mo ang isang tao ng permiso na makita ang mga personal information gaya na lang ng mga lugar kung saan ka madalas pumupunta, kung saan ka nagta-trabaho, sino-sino ba ang mga kaibigan mo. Worse, maaaring nagbibigay ka na din ng ideya kung saan ka nakatira, saan ka pwedeng ma-contact at magkaroon din ng access sa mga private pictures mo na pwedeng gamitin base sa motibo ng taong walang pagda-dalawang isip mong inaccept.

Lastly, ang pagtanggap ng nasabing request mula sa hindi kilala ay nagbibigay daan din para ipahamak ang iba pang taong naka-add sa’yo. Minsan kasi’y nakikita din nila ang post ng isang hindi kilala given na naka-tag ang taong mutual friends nila. Uulitin ko, ano nga ba ang intensyon ng taong ito

Para sa mga users na may second account, dalawa lang naman ang maisa-suggest ko kung kahit sa second account niyo ay nagpo-post pa din kayo ng mga personal thoughts at pictures.

Una, tingnan kung may mutual friends kayo. With that said, baka nakalimutan mo lang na kilala mo pala itong taong ‘to? High school classmate maybe? College seatmate? Former co-worker? Or… an ex perhaps? Na totoong ibinaon mo na sa kasulok-sulokan ng limot kasi hindi mo siya mapatay at mabaon sa lupa? Maaari. Pangalawa, i-check kung ito ba ay isang dummy account. Paano malalaman? Pwedeng i-check ang mga previous pictures, previous posts sa wall. Hala ka, baka ex yan ng jowa mo ini-stalk ka! Maaari din.

Well, again, this is always going to be your choice. At the end of the day, iisa lang naman ang gusto nating lahat, ang maging maingat at magkaroon ng peace of mind.

Choose who you are befriending. Kasi minsan ang plastik hindi lang nakikita sa brochure ng Avon. Madalas, nakikipag beso-beso pa sa’yo.

Winks!

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon