Chapter 1

243 16 7
                                    

Shayne’s POV

After four years, nandito na rin ako sa ‘Pinas. Marami nang nagbago. Kahit papaano’y umaasenso na rin. Mukhang hindi na nga nagpapahuli ang Pilipinas eh kasi nga nakikipagsabayan na siya sa iba’t ibang larangan laban sa mga malalaking bansa. Kaya nga IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES.

Dito sa airport nakikita ko ang mga taong sayang-saya nang sila’y salubungin ng kanilang mga kaanak habang ang iba nama’y bumubuhos ang mga luha sa kanilang mga mata dahil sa pag-alis ng mga taong importante sa buhay nila.

Oops! Nakalimutan ko nga palang magpakilala. :) Ako nga pala si Shayne Yeung. 16 years old. Half-Filipino, half-Korean. Actually, family ko ang pumilit sa akin na bumalik dito para mag-aral ng Pharmacy sa Bedan Escolarian University o BEU. Si Daddy ay isang Businessman habang si Mommy ay isang Fashion Designer. Si kuya, matagal na siyang nakauwi rito sa ‘Pinas kasi dito siya kumukuha ng Accountancy sa unibersidad na aking papasukan.

Speaking of Kuya, Asan na nga pala yun?! 30 minuto na akong naghihintay dito wala pa rin. Makapag-music na nga lang.

                Even the best fall down sometimes

               Even the wrong words seem to rhyme

              Out of the doubt that fills my mind

              I somehow find you and I collide.

Habang pinapakinggan ko ang kanta, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko na naman ang first love ko.

*Flashback

Habang pauwi ako,  sa sobrang pagmamadali, may nakabangga ako.

“Shit!”, bulong ng lalaki.

Awtomatikong napatingin ako sa kanya.

Tumingin ka nga sa dinadaanan mo.”,sigaw niya.

Sorry po.”

“Buwisit!”, ang huling sinabi niya at naglakad na siya palayo.

Wala akong ibang nagawa kundi sinundan ko na lang siya ng tingin habang lumalakad siya palayo. Kung buwisit ako, edi buwisit rin siya.

Hanggang sa sumunod na araw, papalabas na ako ng National Bookstore at may nakabangga na naman ako. Dali-dali kong pinulot ang mga librong natabig sa aking mga kamay. At sa pagpulot, hindi ko napansin na ang librong nahulog ay sabay pala naming pinupulot nung nakatabig sa akin kaya napatingin tuloy ako sa mga mata niya. Parang pamilyar, siya yung…

“Sorry miss”, sabi ng lalaki sabay ngiti.

“Ah…eh… okay lang… po.”, nakakahiya bakit ba ako nabubulol?

“Sige, una na ako ha! Sa susunod mag-iingat ka na.”, sabi niya na hindi pa rin nawawala yung mga ngiti sa labi.

Pagkalipas ng isang linggo, habang ako’y naglalakad sa park kasama ang kaibigan ko, nakaramdam kami ng gutom.

“Sis, gutom na ako.”, sabi ko.

Tentedentententedentententedentententeden…tedededededententeden.

*tunog ng Nestle Ice Cream

“Yun oh Ice cream! Tara bili tayo.”, sabi ni Ayra.

Hmm, si Ayra nga pala. Siya nga pala ang childhood best friend ko. Lagi nga niya akong binabara eh. Puwes, isa siyang mambabara. Joke! Haha.

Habang kumakain kami ng Ice Cream, may isang lalaking tumatakbo papalapit sa amin. Sa kasawiangpalad hindi ako nakaiwas. Patay yung Ice Cream… natapon pala sa damit niya. Tumingin sa akin yung lalaki pero parang may iba akong naramdaman… kakaiba, nakakapanibago. Bumilis ang tibok ng puso ko, parang hindi na ako makahinga. Pati yung tiyan ko… yung tiyan ko? Kumukulo na yung tiyan ko kasi nga gutom na ako ‘diba tapos natapon pa yung ice cream ko, malas naman.

You and I CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon