Chapter 2

279 13 16
                                    

Travis’ POV

ring…ring…ring..

*cellphone rings

Ano ba naman yan ang ingay naman nito! Ang aga-aga nambibuwisit na. Ang sakit pa ng ulo ko.

Kinuha ko yung phone at sinagot ko.

“O!”, habang naka kunot-noo kong sabi.

”Oh! Saan ka na ba? Nandito na ako sa airport, kanina pa ako naghihintay sa’yo?!”, sigaw ni ate Trisha.

”Ingay naman! Mag-taxi ka na lang. Matutulog pa ‘ko!”, sabi ko.

“Ayoko nga! Bilisan mo na at naiinip na ako rito!”, pangungulit ni ate sabay off ng phone.

Asar naman o! Istorbo. Dali-dali akong nag-shower at nag-drive papuntang airport.

Hindi pa pala ako nagpapakilala. Kelangan pa ba yun?

Ako nga pala si Travis Sy. Isa akong campus heartthrob. Kilalang-kilala ako ng mga babae, kaya kung maaari sa kanila na lang kayo magtanong. Tinatamad na ako eh.

                (Tae ka! Huwag kang tamarin! Wala ng magbabasa, cge ka. -.-)

Oo na, dami pang-arte eh.

Pogi ako, tulo-laway ang mga chicks ‘pag nakikita ako, makalaglag panty pagdumaraan ako. Lalo na ‘pag ngumingiti ako sa kanila, sus! Wala hinimatay na yun. Haha! Hindi naman sa pagmamayabang, pero ‘di mabilang na ang naging girlfriend ko. At saka! Ano ba kayo? Matalino ako no, pero ‘di ako nerd ha. Saka nga pala marunong din akong kumanta. O, puwede na yan.

Sa Airport

Nagmamadali akong naglakad papuntang arrival para sunduin si ate. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nagtext sa kanya na malapit na ako. Bigla-bigla na lang may bumangga sa akin.

Awtomatikong napatigin ako sa kanya at sabay sabing, “Sorry miss!”. Pagkasabi ko ng sorry ‘di ko napansin na papalayo na siya.

dug…dug…dug…dug…

*heartbeat

Tae! Ano ba naman itong puso ko? Sobra na ata sa kape. Kape lang ‘to. Ayan tuloy naalala ko na naman siya…

*Flashback

Bata pa lang ako, mailap na ako sa mga tao. Ayaw na ayaw kong ako ang nagiging center of attraction. Tahimik ako at ayokong nakikihalubilo. At nagbago ito dahil sa isang pangyayari…

Nagmamadali ako pauwi dahil nga marami na namang babaeng sumusunod sa ‘kin. Alam niyo namang ayoko ng ganun. Sa sobrang pagmamadali ko may bumangga sa akin.

“Shit!”, bulong ko.

Nagkatitigan kami.

Tumingin ka nga sa dinadaanan mo.”,sigaw ko.

Sorry po.”, sabi niya.

“Buwisit!”, ang huling sinabi ko at naglakad na ako palayo.

Buwisit na buwisit na nga ako doon sa mga babae, tas mababangga pa ako. Malas naman!

The next day, habang papunta ako ng National Bookstore para bumili ng Hunger Games na book. Maganda ang mood ko ngayong araw at biglang may bumangga na naman sa akin…

“Sorry miss”, sabi ko sabay ngiti.

“Ah…eh… okay lang… po.”, nabubulol niyang sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and I CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon