Prolouge

0 0 0
                                    

Good Assasin
In wattpad

***

Sobrang awa, ito ang nararamdaman niya sa kaniyang kambal. Dahil pagkatapos niya itong niluwal ay bigla nalang nawala ng parang bula ang tatay nila. Mahirap ang kaniyang buhay noon pero dahil nakilala niya ang isang inakala niyang mabait noon pero demonyo pala, akala niya magkakaroon na siya ng katuwang sa buhay at mamahalin habang buhay.

Napaka positibo niya nung mga panahong iyon at napakamasiyahin. Ang taong ito ay isang lalaking banyaga na nagngangalang Shann John Walter. Isang banyaga na galing sa bansang Korea.

Lahat ibinigay niya sa lalaking minamahal niya ngunit nang mabuntis siya ay nagsimula nang manlamig ang kanilang parang bagang nagiinit na pagmamahalan. Ngunit dahil kaniyang sinisinta ay di niya ito sinita.

Hanggang sa nanganak siya, siya'y masaya ngunit ang kaniyang demonyong asawa ay pinatulog muna siya. Sa madaling salita ay may ininject siyang pampatulog. Nang magising ay katabi na niya ang dalawang anak na kambal na babae na sobrang gaganda na animoy galing sa langit na binigay ng Ama.

Ngunit kataka-taka na may papel na nakalagay sa mesang katabi lamang ng kaniyang kama. Mga papel na kung saan nakasaad ang mga pagkakakilalanlan ng kambal na kaniyang kinagimbal dahil di manlamang siya kinonsulta ng kaniyang asawa. Pero maganda rin naman ang mga ngalan na binigay ng lalaki sa kaniyang mga anak.

Muli niyang binalingan ang kaniyang kambal at tinitigan. Parehong pareho ang kanilang itsura ngunit ang mga ilang buhok nilang tumutubo ay magkaiba ng kulay, ang isa kulay abo kagaya ng buhok kaniyang tatay at ang isa naman ay kulay rosas na may halong pula na namana sa kaniyang ina. Kulay gatas ang mga balat nila at singkit ang mga mata.

Namuhay parin sila ng tahimik kahit wala silang kinikilalang ama. Sumapit ang unang kaarawan ng kambal at tanging simple ngunit masayang pagsasaya ang kanilang ginawa.

Ngunit pitong taong gulang ang kambal nang magkasakit ang kanilang ina. Naging maginhawa na ang kanilang buhay dahil sa negosyo nila na grocery store sa palengke, akala nila ay maayos na lahat ngunit nagkasakit nga ang ina nila kaya labis ang lungkot nila.

"Mga anak! W-wag niyo n-na a-akong *cough* *cough* i-intin-dihin. Mahal na mahal k-ko k-kayo." Ito ang mga salitang huling tinuran ng kanilang ina bago sumakabilang buhay.

Napuno sila ng lungkot at pighati ng araw na iyon. Kaya ang panganay sa kambal ay nangakong hindi niya pababayaan ang kaniyang kapatid.

Lumipas ang panahon at sila'y nakaahon na. Ang bunso ay napaka masiyahin at madaldal, at ang isa ay sadyang tahimik simula nang sila ay bata pa.

To be Continued!

- H e l l
*smirk*

Good AssasinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon