Chapter 1

6K 97 1
                                    

Ciel pov

Aishhh hirap maging college student grabe daming school works buseettt pa yung thesis na yan hayss

Hi ako nga pala si Ciel Delacruz,21 yrs old at nag iisa lang akong anak ng magulang ko kaya medyo malungkot ako well medyo may kaya naman kami nakakain ng maayos sa araw araw may business kasi si dad. 4th year na ko sa college and i took business management baket ? wala lang feel ko lang yun hahaha may business din ksi si dad kaya naisipan ko din.

Ngayon ang first day ko sa school iba't ibang uri na naman ng teacher ang makikilala ko ewan ko ba hate ko talaga ung terror eh ang higpit lang sa estudyante nila kailangan talaga magawa mo yung pinapagawa nila on time eh pano nman yung mga estudyante na may emergency kung sakali tapos di nila magawa diba? May katwiran naman ako diba bilis kampi ka sakin haha sana maintindihan nila yun char lang.

Nandito na ko sa school nakuha ko na naman yung sched ko so hahanapin ko naman yung room ko.

Naglalakad na ko sa hallway daming estudyante hays kainis "tse reklamo ka pa dyan malamang school to eh marami talagang estudyante ano pa bang ineexpect mo" sabi ni epal na isip ko. Bahala ka dyan sagot ko sa isip ko.

"Hi bes "sabi ni Rachell friend kong siraulo ewan ko kung bakit ko naging friend to haha joke lang

"Oh anong problema mo?"sagot ko sa siraulo kong friend

"Nag hi lang ako sayo may problema na agad di ba pwedeng namiss lang kita? sabi nya

"wala natanong ko lang" sabay irap sa kanya tapos hinila ko na sya papasok ng room classmate ko ksi sya saka baka dumating na yung prof namin ma-late pa kami.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng bintana ganda ksi ng view dito mas maganda pang lumipas oras ko kakatingin dito kaysa makinig sa boring na teacher haha my bad

Dahil wala pa naman yung prof nmin nakinig na lang muna ako ng music sa cp ko at nakikipag chikahan naman si rachell sa mga classmate namin hindi ksi ako friendly eh medyo trip ko talaga ganito yung mag isa minsan nag mamasid masid lang sa paligid.

Nung feel na feel ko na yung kanta nakapikit na ko dinadama ko talaga yung lyrics ang ganda ksi tapos maya maya may kumalabit sakin nung una di ko inintindi pero dahil makulit ung taong yun napadilat na ko sabay tingin sa salarin kung sino ang hinayupak na nang istorbo sakin.

Patingin ko with matching kunot ng noo yung friend kong siraulo lang pala walang iba kundi si rachell magkatabi pala kami ng upuan.

"Oh?" tanong ko sa kanya
Ngumuso naman sya sa harap so tinignan ko ung tinuturo ng nguso nya.

Palingon ko nakita ko ang pares na mga matang kulay blue na sobrang ganda at mapanganib na nakatingin sakin biglang bumilis ung tibok ng puso ko, parang tila tumigil ang oras at mundong ginagalawan ko shit baket ganto ung pakiramdam ko sobrang ganda nya iba ung dati, ung tipong laglag brief ng lalaki pagnakita mo sya kso babae ako so laglag panty na lang ganon ? erase erase straight ako never akong na-attract sa babae sa ganda kong to ehem ehem haha.

Dahil sa naisip ko bigla akong napangiti tapos bigla kong napansin ang pag kunot ng noo nya.

"So bakit ka nakangiti?" biglang bumukas sara ung bibig nya pero di ko maintindihan ung sinabi nya

Siguro eto ung prof namin ngayon eh nasa harapan ksi tapos hindi sya naka uniform na pang estudyante.

Naalala ko pala na may earphone pa ako tinanggal ko tapos "I'm sorry Mam ano po ulit ung sinabi nyo" sabi ko ang seryoso ng mukha nya sobra parang ang sungit nyang tignan sayang ang ganda nya pa naman at ang sexy hays ano ba tong pinagsasabi ko

Bigla na lang syang naglakad palapit sakin ang sexy nyang maglakad at di ko namalayan na para akong tangang nakatitig lang sa kanya dyosa.

Nang nasa harapan na sya napatayo ako bigla lalo lang syang gumanda sa paningin ko mga matang asul, kilay na maganda ang kurba, ilong na may katamtamang tangos, ang kinis nya, at lastly ung labi nyang kulay pula na parang ang sarap halikan lalo na at mamasa masa pa

"Hey sabi ko bakit ka nakangiti habang nakatingin sakin?" Sabi ni mam

"Ahm waaala po mam may naisip lang po ako" sagot ko sa kanya

"Nakuha mo pa talagang ngumiti Eh kanina pa ako dyan sa harap at nakatayo nagsasalita nung napansin kitang nakapikit at nakikinig ng music!" medyo seryoso nyang sabi nya sakin

"Pasensya na po mam di na po mauulit" pagkakasabi ko sa kanya

"Di na talaga mauulit un once na ginawa mo ulit un lalabas ka na" sabi nya

"Okay po" sabi ko ang ganda nga ang sungit naman kala mong meron eh hmm baka meron nga sya haha bulong ko pa

"May sinasabi ka?" sabi ni mam sa akin

"Ahm wala po Mam" sabi ko na lang buti di nya narinig kundi baka lalo lang syang magalit

Lumapit sya sakin at may binulong

"Wala ako ngayon sadyang ganto lang ako gusto ko disiplinado ung mga estudyante na hawak ko" sabi nya sakin tapos bumalik na sya sa harap

Hmm bakit ang bango nya? sarap amuyin. Napahawak na lang ako sa dibdib ko lakas ksi ng tibok ng puso ko ewan ko ba bakit ganito tapos umupo na rin ako.


Hays terror na teacher na naman hate ko pa naman ung mga ganito .....

AN: first story ko to kaya wag mag expect masyado haha

Unexpected (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon