Chapter 14

1.6K 69 46
                                    

Ciel pov

Pag kauwi ko galing school dumaretso ako mag isa sa mall para maglakad lakad di ko kasi alam kung ano ung gusto kong gawin ewan ko ba din at mas pinili kong mag isa ngayon pwede naman akong magpasama sa kanila. Diba kasi meron talaga tayong time na gusto natin mag isa. Ung tipong tamang lakad lakad lang di mo alam kung saan ka patungo tapos dami mong iniisip.




May nakasalubong ako na naka uniform na pang teacher babae din saka maganda katulad ni Mam sungit pero mas angat pa rin siya naalala ko na naman tuloy siya.



"Baket ba kasi ang hirap itigil na mahalin ung isang tao ?" ang dami naman iba baket siya pa rin. Masasagot ko kaya ung tanong na un.





Umalis na rin ako sa mall. Nang mapansin kong medyo madilim na sa labas ilang oras na rin pala akong nag lalakad lakad di ko na namalayan.






Nandito na ako sa harap ng bahay ni Mam sungit, napansin kong may kotse na nakaparada oh mukhang may bisita ah sino kaya un.





Pumasok na ako ng makita ko kung sino ang bisita, si unggoy pala may padalaw dalaw pa ang hinayupak ah. Nasan kaya si Mam sungit hindi ko kasi siya makita sa living room ung unggoy lang.






"Oh diba student ka ni Cara?"
Tanong ng unggoy





Napataas kilay ko paano niya naman nalaman eh sa dami ng estudyante doon.






"Oo student ko yan" sagot ni Mam na galing sa kusina, nasa kusina pala siya kaya di ko makita kanina.





"Dito rin ba siya nakatira?" Tanong ulit ng makulit na unggoy.




Gusto ko talaga siyang barahin nag iinit ang dugo ko sa kanya ah.




"Pansamantala oo, kasi nasa ibang bansa ung parents niya magkakilala kasi parents namin kaya dito muna siya pinatuloy nila tita, halika na kain na tayo". sagot niya sabay yakad sa unggoy saka sa akin.





Nauna na silang pumunta sa kusina ako heto ako nakatayo pa din nag dadalawang isip kung sasabay pa akong kumain sa kanila. Pero mas pinili kong wag na lang. Pinuntahan ko sila tapos nagpaalam na matutulog na ako. Sinabi ko na lang sa kanila na kumain na ako sa mall eh ang totoo puro lakad lang naman ginawa ko dun.




Kinabukasan, panibagong araw na naman. Pasok ulit syempre ganun talaga. Si Mam sungit ang teacher namin ngayon.





Pansin ko lang sa kanya na parang problemado talaga siya ngayon ano kayang nangyare dito eh kagabi naman maayos ito dumalaw pa nga ung unggoy eh.





Feeling ko lalo lang siyang naging cold eh naka-focus kasi sa kanya ung atensyon ko hanggang sa matapos ung time namin sa kanya kaya napapansin ko.







Pagkauwi ko aba may nakita na naman akong nakaparadang kotse sa harap ng bahay ni mam sungit mukhang inaraw araw na ni unggoy ah.





Pero hindi pala si unggoy ung bisita ni Mam sungit. Nakita ko sila sa may sofa nakaupo habang nag iinom ng alak. Katabi ngayon ni Mam sungit ung bisita niya na isang magandang babae. Sino kaya ito?






"Good evening po" bati ko ng magalang sa dalawa.




"Oh hi who are you?" nakangiting tanong ng bisita ni Mam sa akin.




Lumapit ako sa kanila. At nagpakilala sa bisita ni Mam sabay lahad ng kamay ko sa kanya.



"Ako naman si Karylle, best friend niya ako akalain mo un noh sa sobrang sungit nito may naging best friend pa hahaha nagtataka nga ako eh" pabirong sabi niya tinignan naman siya ni Mam sungit ng masama medyo tipsy na rin si Mam mapungay na mga mata niya eh kanina pa ata sila nag uumpisa.



Ngumiti na lang ako sa kanila. Sabay paalam at umakyat na ako ni hindi man lang ako binati ni Mam sungit kakainis talaga un.






Nanood na lang ako ng movie dito sa laptop ko nadala ko naman siya nung lumipat ako dito. Kumain naman din ako sa labas kasabay ko sila Han bago umuwi kaya busog pa ako. Matatapos ko na ung movie ng may biglang kumatok.






Tumayo ako at binuksan ito si ate karylle pala.





"Baket po?" tanong ko sa kanya.







"Paistorbo naman saglit pwede mo ba akong tulungan kay Cara na iakyat natin siya sa kwarto niya, lasing na kasi eh hindi ko kaya buhatin mag isa un". sagot niya medyo lasing na rin siya.





"Ah sige po". sagot ko sabay sunod sa kanya.




Nakita kong nakahiga na si Mam sungit sa sofa tulog na tulog pinag tulungan namin siya na iakyat sa kwarto niya.



Nung nasa kwarto na niya kami binitawan na ni ate Karylle si mam bali ako nalang may buhat sa kanya dahil medyo nahihilo na daw siya kaya ako na lang nag pahiga kay mam sa bed niya.



Inaayos ko ung higa niya ng bigla siyang mag salita.




"Baket niya ginawa un?" Nakapikit niyang sabi napatingin ako tuloy sa mukha niya at nakita kong may tumulong luha mula sa kanyang mata.




Pinahid ko agad un saka inayos ko ung buhok niya nasasaktan ako makita siyang ganito ano bang problema mo sino ba nag paiyak sayo. Hindi ko na napigilan na halikan siya sa noo.




"Hey estudyante ka lang ba niya talaga?" Napatingin ako kay ate karylle nandito pa pala siya nakalimutan ko.



"Opo naman" alam kong may ibig sabihin ung tanong niya na un pero di ko na lang tinanong.





"Talaga lang hah, pagkatapos mo dyan baba ka hah" sabi niya sabay alis.










Pinunasan ko na si mam at pinalitan na siya ng damit. Sana maging maayos na siya.







Bumaba na ako at pinuntahan si ate karylle nakita ko siya sa kusina nag kakape. Pampawala ba ng tama ung kape





"Upo ka" sabi niya umupo ako sa tapat niya.






"Alam mo bang minsan lang talaga kami mag kita niyan ni Cara pero madalas naman kami nag uusap sa phone nga lang, kaya nag taka ako bigla nung tumawag siya at pinapupunta niya ako dito bihira kasi niya gawin un kaya alam kong may nangyari sa kanya" kwento ni ate Karylle. Nakikinig lang ako saka patango tango.






"Tama ako dahil nakita ko siya ngayon na down na down nakatulog na nga siya kakaiyak eh, siguro nangyari na naman ung nangyari sa kanya kaya siya biglang naging cold sa lahat. Kaso hindi ko makwenkwento sayo un eh siguro siya na lang bahala magkwento nun sayo basta intindihin mo lang siya palagi hah alam ko naman di mo papabayaan un" sabi niya sabay tayo at gulo ng buhok ko.





Tumayo na siya at uuwi na daw siya kasi gusto niya na daw matulog sabi ko nga dito na lang muna siya matulog kaso kailangan niya daw umuwi. Hinatid ko na lang siya sa labas.






"Sana pag nagmahal ulit ung best friend ko sa TAMANG TAO na" nakatingin siya sa langit sabay tingin sa akin na may ibig sabihin. At nagpaalam na sabay alis 





Napatingin na lang ako sa lumalayong sasakyan na naguguluhan pa rin. Pumasok na ako at pinuntahan si Mam.







Kahit tulog makikita mo talagang sobrang lungkot niya.



To be continue.....








A/N: Merry Christmas everyone yan na muna ung ud ko sa susunod na ulit :). Pasensya na sa mga typo. Bigyan niyo ko jowa para may pamasko kayo sa akin HAHAHA 😂😂

Unexpected (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon