Sirang Piyano

3 0 0
                                    

   

Maraming taon na ang nakalilipas, may dalawang matalik na magkaibigang lalaki at babae na parehong ulila sa magulang; ang pangalan nila ay Clara at Leonardo

Si Clara ay isang mang-aawit habang si Leonardo ay isa namang piyanista. Tumutugtog sila sa iba't ibang lugar upang kumita ng pera hanggang sa may taong nakadiskubre at kumupkop sa kanila at regular na sila na pinagtanghal sa tanghalang pagmamay-ari nito. 

Matagal nang may gusto si Leonardo kay Clara ngunit hindi niya maamin dito ang nararamdaman.

Ilang buwan ang nakalipas, may dumating na bagong tagatanghal sa kanilang lugar at ang pangalan niya ay David.

Si David ay isa ring piyanista. Madali silang nagkasundo ni Clara na siyang naging dahilan ng pagseselos ni Leonardo kay David. 

Isang araw, kinausap ni Clara si Leonardo at sinabi na nililigawan siya ni David at umamin na may gusto rin siya rito. 

Para kay Leonardo, ang kasiyahan na iyon ni Clara at David ay isang malaking bangungot dahil ang babaeng matagal na niyang pinapangarap at minamahal ay masaya ngayon sa piling ng iba.

Pagkatapos nilang magtanghal isang gabi, kinausap sila ng may-ari ng tanghalan at sinabi na si David at Clara ang magtatanghal sa isang malaking pagtitipon na labis naman na ikinagalit ni Leonardo. 

Sila ang lagi na magkasama ni Clara sa lahat ng pagtatanghal ngunit dumating lang si David ay napalitan na kaagad siya.

Para kay Leonardo, mas magaling siya kay David at dapat sila na ang magkasintahan ni Clara kung hindi lang ito dumating sa mga buhay nila. 

Araw na ng pagtatanghal, nakita ni Leonardo na nag-uusap sina Clara at David sa may likod ng entablado at di maiwasang hindi makinig dito.

Labis na lamang ang kanyang pagkagulat ng malaman niya na buntis si Clara at balak na nilang magpakasal ni David at tumira sa ibang lugar. 

Nagdilim bigla ang paningin ni Leonardo at magkakahalong emosyon ang kanyang naramdaman ngunit ang pinakanamayani sa kanya ay ang galit

Tatlumpung minuto bago magsimula ang pagtatanghal, lumabas saglit si David upang umihi sa kabilang dulo ng pasilyo. Nakita ito ni Leonardo na isang pagkakataon upang maisagawa ang kanyang plano. 

Sinundan niya ito at hinintay na lumabas ng banyo. Pagkaapak ng dalawang paa ni David sa labas ng banyo ay siya namang pagsaksak ni Leonardo sa dibdib nito.

Bago pa man mabawian ng hininga si David ay tinanong niya si Leonardo kung bakit niya iyon nagawa, ngiti lang ang sinagot ni Leonardo rito. 

Sampung minuto bago magsimula ang pagtatanghal, makikita ang mga patak ng dugo sa pasilyo na nagmula sa isang kutsilyo habang pinupunasan ni Leonardo gamit ang isang puting panyo ang kanyang mga kamay na may bakas ng dugo ni David. 

Blangko lang ang mukha nito ng makita siya ni Clara at tinanong siya kung nakita nito si David at sinagot niya ito na hindi na darating si David at pumunta na sila sa entablado dahil magsisimula na ang palabas. 

Lalabas sana si Clara para hanapin si David ngunit pinigilan siya ni Leonardo at hinatak papuntang entablado. 

Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal ay siya namang paghuli ng pulis kay Leonardo dahil may nakakita na ito ang nakapatay kay David na labis namang ikinagulat ni Clara. 

Pinaghahampas ni Clara si Leonardo at tinanong kung bakit niya nagawa iyon at nagulat si Clara sa sagot nito na "dahil sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, hindi ko na nakilala ang sarili ko." 

Sinampal siya ni Clara at sinabi rito na "ang pagmamahal ay makasarili ngunit hindi ito nakakalason." 

Paglabas ni Leonardo sa tanghalan ay siya namang pagbuhos ng ulan. 

Napatingala siya at pumatak ang kanyang mga luha kasabay ng pagbuhos ng ulan at bigla na lang tumawa na parang isang baliw na lalaki dahil napagtanto niya na napakalaki niyang tanga para saktan ang kaisa-isang babaeng minahal niya.

Sirang PiyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon