Taong dalawang libo't labing apat sa kasalukuyan, makikita ang isang matandang babae na nakatingala sa langit.
Kung titingnan kahit kulubot na ang kanyang mukha makikita pa rin ang natatagong ganda nito.
Madalas nitong tinitingnan sa may tambakan na katapat ng bahay niya ang isang sirang piyano na nilimot na ng panahon.
Samantala, maririnig sa radyo na kinakanta na ng bokalista ng Up Dharma Down ang linya sa kanta ng Tadhana na,
"Ba't di papatulan.
Ang pagsuyong nagkulang.
Tayong umaasang.
Hilaga't kanluran.
Ikaw ang hantungan.
At bilang kanlungan mo.
Ako ang sasagip sa'yo."
Biglang napaluha ang matanda dahil alam niya na kahit kailan hindi na darating ang taong sasagip sa kanya mula sa kalungkutan at sakit katulad ng sirang piyano na kahit kailan ay hindi na babalikan ng taong may-ari rito.
-WAKAS-
BINABASA MO ANG
Sirang Piyano
RomantizmDahil sa likod ng bawat bagay ay may natatagong malungkot at masayang alaala. Book Cover: Painting of a Broken Piano by Adam Santana