CHAPTER 24

4.2K 98 7
                                    



Noong dinala ako ni Aiver sa bahay nila para makausap ang mommy nila ni Rai, sumunod din si Rai sa amin. Mukhang hindi yata siya nakatiis. Habang tinutulungan ako ni Aiver, nakatingin lang sa malayo si Rai at hindi siya makalapit sa amin. Alam ko namang nahihirapan siya sa ganito pero kailangan lang kasi talaga namin itong gawin.


Nakuha ko na ang lahat ng detalyeng kailangan ko para sa thesis ko. Nalaman ko na rin lahat ng dapat kong malaman at napaka-interesting pala talaga ng mga bagay na bumubuo sa historical background ng kuwento.


Sa totoo lang, bago ko makausap ang mommy nila, kinakabahan talaga ako. Natatakot kasi ako na baka tarayan din niya ako katulad ng mga nabasa ko sa librong isinulat niya. Nang nakausap ko siya, napagtanto kong nagkamali ako ng akala. Napakabait niya at napakahinahon pang magsalita. Nang nagtagal, naging kumportable na rin ako sa pakikipag-usap sa kanya.


Noong araw ding iyon, parang dumikit sa akin ang suwerte. Bumisita rin kasi sa bahay nila ang tito Matthew nila. Umalis naman sandali si Aiver dahil ipinatawag na naman siya ng daddy nila kaya naman nakalapit ulit si Rai sa akin.


Pagdating na pagdating ng tito Mattew nila doon sa bahay nila, para bang nananaginip ako. Hindi ako makapaniwala noon na nakita ko na sa personal ang isa sa mga karakter sa kuwento na hinangaan ko. Mali. Dalawa pala. Nang dumating kasi siya, dala niya ang urn. Kinumpirma rin ni Rai sa akin na ang abo nga ng tita Rainie nila ang nandoon sa loob ng urn.


Dahil sa nakita ko noong araw na iyon, hindi ko napigilang lumuha. Naalala ko kasi ang mga nangyari sa kuwento lalo na ang hindi inaasahang pamamaalam ng tita Rainie nila sa tito Matthew nila.


Naalala ko rin ang mga katagang nilalaman ng huling journal entry na isinulat ng tito Matthew nila sa journal ng tita Rainie nila. Bumaon sa utak ko at tumagos sa puso ko ang mga katagang "kasabay din ng paglubog ng araw ang pagsasaisip at pagsasapuso ko ng pangako ko sa kanya at sa sarili kong hindi na ako kailanman magmamahal ng iba." at "kung totoong mahal mo ang isang tao... handa kang mahalin siya mula sa pagsikat ng araw hanggang sa pinakahuling paglubog nito."


Ipinakilala pa ako ni Rai sa tito Matthew nila. Tinanong rin ako ng tito nila kung ayos lang ako dahil nga nakita niya akong umiiyak. Syempre, sinabi kong okay lang ako. Baka kasi bumaha pa ng luha sa bahay nila Rai kung sakaling sinabi ko sa kanyang nalulungkot ako dahil sa mga nangyari sa kuwento. Pagkatapos ng maikling oras ng pagbisita ng tito nila, nagpaalam din siya. Babalik pa daw kasi siya sa bahay niya sa Baguio.


Kinumpirma rin ni Rai sa akin ang pagtupad sa pangako ng tito Matthew nila sa sarili niya... na hindi na siya magmamahal ng iba. Kung tutuusin, sa itsura't ugali niya, madali siyang makakahanap ng isa pang taong magmamahal sa kanya. Pero ganun nga siguro talaga kung sobrang mahal mo ang isang tao at kung may pangako kang gustong tuparin.


Pag-alis ng tito Matthew nila, nagpatuloy na rin ang pagtatanong ko sa mommy nila at ibinigay naman niya lahat ng detalyeng kailangan ko. Nakuha ko na ang lahat ng mga kaalamang kailangan ko para sa thesis ko. Nalaman ko na rin lahat ng dapat kong malaman at napaka-interesting pala talaga ng mga bagay na bumubuo sa historical background ng kuwentong isinulat niya.


"Excellent details, Ms. Sytengco. By next sem, I expect that to be complete. Alam mo naman, you still have your thesis defense and you also have to submit your complete and already hardbound thesis."

University of Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon