Pagdilat ko at pagtingin ko sa bintana, maaraw na sa labas. Tumingin ako sa paligid ko at naramdaman kong may kung anong nakakabit sa kamay ko kaya naman tinignan ko ito. Naka-swero pala ako. Nasa ospital ako? Anong ginagawa ko dito? Narinig kong nagbukas ang pinto kaya naman napatingin ako dito. Si mommy pala ang pumasok.
Tinanong ko kay mommy kung bakit ako nandito sa ospital. Sabi naman niya, nawalan ako ng malay noong isang gabi habang kausap ko si ate. Sumunod ko namang tinanong kung bakit iisa lang niya at wala si ate at daddy. Sabi naman niya, nasa labas nitong kuwarto si ate habang umalis naman sandali si daddy.
"Kamusta na nga palang pakiramdam mo? May masakit ba?"
"Wala po, Ma. Okay na po ako."
Ang naaalala ko lang, nag-uusap kami ni ate at nang magsasalita sana ako, bigla na lang dumilim ang lahat. Teka. Nabanggit ni mommy na noong isang gabi lang nangyari iyon. Kung Sabado noong gabing iyon, ibig sabihin ba Lunes ngayon? Isang buong araw akong tulog kahapon? Naku, first monthsary pa naman namin ni Matt ngayon. Paano na ito? Kailangan ko nang umalis dito.
Tinanong ko kay mommy kung puwede na nila akong i-discharge ngayon. Sabi naman niya, hindi pa daw. Gawa daw ng stress at pagod noong gabing iyon kaya ako nahimatay sabi ng doktor. Inirekumenda daw nilang manatili na muna ako dito sa ospital at magpahinga dito hanggang mamayang gabi para daw ma-monitor nila ang kalagayan ko. Anong gagawin ko?
"Pero Ma, first monthsary po namin ni Matt ngayon."
"I'm sure he'll understand. Mabait naman si Matt eh."
"Paano na lang siya? Baka mamaya magtampo 'yun sa akin."
"Anak, magkikita naman kayo paglabas mo dito bukas eh. Don't worry. Kung hindi man niya maiintindihan 'yung hindi mo pagpapakita sa kanya ngayon, kami nang bahalang mag-explain sa kanya."
"Thank you na lang po. Ako na lang mag-eexplain sa kanya pag nagkita na kami ulit."
Sinabi sa akin ni mommy na tinanong nila kay ate kung anong nangyari noong gabing iniwan nila kami para makapag-usap. Iyon daw siguro ang nakapagpa-stress sa akin. Agad ko namang sinabi sa kanyang walang kasalanan si ate sa nangyari. Pinilit ko lang naman kasi talagang magpaliwanag sa kanya kaya ako nagkaganun. Ipinauna ko na iyon kay mommy dahil baka kasi magalit na naman sila kay ate kahit wala naman talaga siyang kasalanan sa pagkakataong ito.
"Nahihiya na nga po ako kay ate eh. Baka kasi hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko noong isang gabi. Baka magalit na naman siya sa akin."
"Sinabi ng ate mo sa amin ang mga sinabi mo, anak. Walang mali sa mga iyon lalo na't gusto mo talagang mai-ayos na ang sitwasyon niyo. Ganun talaga. Ang mahalaga, huwag kang magtatanim ng sama ng loob. Kung gusto mong maging maayos ang lahat, sasabihin mo lahat ng hinaing at saloobin mo."
BINABASA MO ANG
University of Twins (COMPLETED)
RomanceUniversity of Twins - Eksklusibo ang unibersidad na ito para sa mga kambal. Lahat din ng mga bagay dito, ginawa para sa kanila. Paano kung may mga problema sila? May mga solusyon din kaya ang unibersidad na ito? Sundan ang dalawang magkaugnay na kuw...