Prologue || c h e a t e r

20 0 0
                                    

Ashton

"I'll order, hanap ka nalang ng upuan."

Tamad akong tumango bago umalis. Medyo maraming tao ngayon kaya walang bakanteng table sa first floor kaya sa taas pa ako naka hanap ng pwesto. I sent a text message to Danesse kung nasaan ako para hindi na sya mahirapan maghanap.

Umub-ob muna ako sa lamesa habang nag-aantay. Gutom na gutom na ako. I also feel so drained. Naubos lahat ng energy ko sa grabeng training kanina. Hindi ko alam kung may galit ba sa amin si Coach o hinahapit nya lang kami dahil sa palapit na Season.

Muntik na akong maka tulog dito sa McDo dahil sa pagod. Nabuhayan lang ako ng diwa nang dumating na si Danesse dala ang isang tray na puno ng pagkain.

"What's with that face? You look like a kid mourning for her candy on the floor."

Pagod akong umiling tsaka pumangalumbaba. "Nothing. Just tired and ravenous."

"Here, ubusin mo."

Awtomatikong napangiti ako nang inabot nya sa akin ang mga pagkain ko. I thanked God for the food first before quickly putting the rice and chicken with gravy on my mouth. It didn't take me long to finish it so Danesse shoved me the Double Cheese Burger which disappeared fast also.

"The hell? Slow down you peasant!" she sneered but then passed me some fries and an apple pie.

"I told you I was hungry," I defended myself as I open the box of the pie. "And it's not like I am the only peasant here. Tss."

She rolled her eyes at that. Guilty dahil katatapos lamang nya sa pangalawang Burger Deluxe nya. Paunahan nalang kami sa kasilyas mamaya.

Inuubos nalang namin ang in-order nyang BFF Fries nang dumating ang walang kwenta nyang boyfriend. Parang tangang tumango sya sa akin bilang pagbati bago tumabi kay Danesse at  humalik sa pisngi nito at pagkatapos ay idinantay nya ang kanyang patpating braso sa likod ng upuan ng aking kaibigan.

Utas sa kapantugan ng fuckboy na are, e.

"How's training, babe? Missed me while doing routines?" mayabang na tanong nya. Hindi ko talaga mawari kung saan nya hinuhugot ang pagiging pantog.

Tipid na ngiti lamang ang naisagot ni Danesse doon tsaka ako binigyan ng manahimik-ka-lang-dyan-please na tingin. Alam nyang hindi ako boto sa aircon nyang boyfriend.

I shrugged. Hindi na sana ako magre-react nang biglang pisilin ng boyfriend nya ang kanyang ilong at tapikin ang tungki nito. "Common, I know you did, babe. Don't be shy about it."

Hindi ko napigilan ang paghagalpak nang masaksihan iyon. He just made Danesse into a fucking puppy with that move! I don't have a thing against puppies, I actually think they're cute, but you know what I mean.

Takang bumaling sa akin si Luke habang pinapatay na naman ako sa tingin ni Danesse.

☆☆☆

"Where are you?" tanong ni Ismael nang sagutin ko ang video call nya. "Hindi ka pa umuuwi?"

Tamad akong tumango habang inaayos ang earphone sa kaliwang tenga. "McDo. Kumain lang muna."

"Mag-isa ka lang?"

"Hindi. Kasama ko si Danesse kaso dumating si Luke kaya imbes na masuka ako sa mga ginagawa nila ay umalis nalang ako doon at lumipat ng ibang table."

I actually excused myself a while ago to use the restroom. Alam na ni Danesse kung anong ibig sabihin no'n kaya hinayaan nalang ako. I don't know but I easily get irritated in whatever her boyfriend is doing. Sobrang nahahanginan ako.

A Blithe ProtonWhere stories live. Discover now