Tadhana

45 0 0
                                    

Nagsimula sa ngiti mula sa ating labi
Ngunit natapos sa patak ng luha sa aking pisngi
Sa loob ng limang taon saya ang dulot mo
Binigyan mo ng kulay ang mundo ko
Maraming salamat sa pagmamahal mo
Sa pagpaparamdam na ako'y mahalaga para sayo
Salamat sa tadhana pagkat tayoy pinagtagpo
Ngunit tadhana din ang dahilan ng ating pagkakalayo
Tayo'y nagkasama sa saya at lungkot
Sinamahan mo akong harapin lahat ng aking takot
Ikaw ang dahilan bakit ako matatag
Ikaw ang dahilan kung bakit tila di ako natitinag
Sa lahat ng pagsubok na ating dinaanan
Ni minsan di mo ako nagawang iwanan
Patuloy kang sumusuporta at nariyan sa likod ko
Palaging nagpapa alala na wag akong susuko
Sa ating relasyon akala ko walang dulo
Akala ko walang hahadlang sa mundong ating binubuo
Sa pag aya mo sakin ng kasal ako ay um'oo
Handa nakong maglakad sa altar patungo sayo
Malungkot isipin dahil akala ko lahat ay perpekto
Akala ko lahat ay tumatakbo ayon sa ating plano
Ilang araw nalang bago ang kasal
Kasabay nito ay araw araw kong pagdarasal
Na sana patnubayan tayo ng Diyos sa ating bagong yugto
Ngunit anong nangyari ako'y iniwan mo?
Sana, sana sinama mo nalang ako
Hindi ko matanggap ang mga pangyayari
Sa isang iglap wala ka na sa aking tabi
Sa isang aksidente nawala ang ngiti sa aking labi
Sa iyong paglisan marami ang nakasaksi
Ang puso ko ay nagdurugo
Nang makita kang naliligo sa sarili mong dugo
Kasabay ng pagdilim ng kalangitan ang pagdilim ng mundo ko
Ang buong akala ko makakasama kita hanggang dulo
Maaaring ika'y lumisan ngunit mananatili ka sa aking puso
Ang tanging hiling ko nalang sayo ay hintayin mo ako dyan sa kabilang dulo
Dahil ang pagmamahal ko sayo ay hanggang sa kabilang mundo


Tula Ng Pag IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon