Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo na muna ko bago bumaba para mag almusal.
Pagkatapos kong maligo kumakaen lang ako ng tahimik at walang gana, nang may napansin si mama.
"Anong nangyare sa mata mo? Umiyak kaba?" alalang tanong saken ni mama
"Ha? A--Ano po. Nakakatakot po kasi yung napaginipan ko kaya pag gising ko po hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako." ngumiti lang ako kay mama
"Ah ganun ba? Oh sige bilisan mo na baka malate ka!"
"Opo. Ma" agad ko nang inubos ang pagkaen ko.
Habang papasok na ko sa gate ng school namen, huminto muna ako saka huminga ng malalim dahil alam kong makakasama ko nanaman si Dave.
Nasa corridor na ko ng may tumawag saken. Syempre sino pa ba?!
"Pi!"
Hindi ko sya pinapansin.
"Pi, wait lang!" habang tumatakbo sya
"Good morning Pi!" ang ganda ng ngiti nya. Sana ako lang ang dahilan ng pag ngiti nya.
"Oh? Ba't ang lungkot mo? Anong nangyare sa mga mata mo? Umiyak kaba? Anong nangyare?" Nag aalala niyang sabe. Sana lage kang nag aalala saken! T.T
"Woy Pi! Napipi kana ba?" patawa niyang sabe. Alam kong gusto niya lang akong patawanin.
May sinasabe siya pero hindi ko marinig nakatitig lang ako sa kanya, sa mukha niyang napaka gwapo habang nakangiti saken.
"Princess Ionna!" pasigaw nyang sabe
"Huh?" natauhan ako sa pag sigaw nya
"Anong huh? Ang dami kong sinasabe dito naka tulala kalang saken. May gusto ka saken noh?"
sabe niya nang palapit nf palapit ang mukha niya saken.
Halos hindi na ko makahinga at naduduling nako dahil sa sobrang lapit na niya saken kaya napapikit ako pero bilang tumunog yung bell.
-krriing-
"Tara na nga! Baka hindi ako makapagpigil! grrr." napadilat ako dahil sa paghila nya saken papuntang classroom.
Pagdating namin sa pinto, sakto paparating palang si maam Helen, kaya inunahan na namin siyang pumasok sa loob baka mapagalitan kami. Pagkaupo ko palang nag greet na sya at mukang masayang masaya, sana ganyan din ako.
"Good morning class!" abot tenga ang ngiti nya. Tumayo kami para igreet din sya.
"Good morning ms. Helen!"
"Okay seat down!" nakangiti parin niyang sabe. Ano kayang meron?
"Dahil maganda ang mood ko ngayon. Bring out 1/4 sheet of paper we will having a spelling out of five lang naman."
"Good mood nga si maam!" natatawang sabe ng katabe ko.
Nagalabas na ko ng papel ko at syempre katulad ng dati nanghingi nanaman siya.
"Ionna penge daw!" alam ko na kung sino yun kaya hindi nalang ako sumabat.
Nagsimula na yung quiz namen mamadali lang naman kaya nasasagutan ko perro...
"The last number. Spell 'misisipi'"
Hala ka! ano nga ba spelling nun. Hala lagot!
"Okay finish or not finish pass your paper one....two..."
BINABASA MO ANG
Mississippi (Short Story)
Short StoryNang dahil sa 'Mississippi' mabubuo ang kanilang story? Paano kaya mangyayari yun? Curios ka? Read it and enjoy!