R-E-C-E-S-S
Haist salamat at recess na, my favorite subject evah. Nagugutom na rin ako. Nakakapagod kayang sumagot sa mga quiz ngayong araw sunod-sunod ang pagbibigay! grabe 'tudo-tudowalangprinu'.
"Pi!"
"Oh? Baket nanaman?!"
tuwing pag may quiz kami lagi nyang sinasabi n--
"Sabog utak mo noh? Haha!"
Ayan ganyan lage! Purket mas matalino sya saken lagi nya kong inaasar ng ganyan. Pero pagkatapos nyang sabihin yan, the best ang kasunod.
"Toh naman si Pi! Nagtatampo agad! Di kana nasanay saken. Tara na nga libre kita ng kahit anong gusto mo sa canteen." sabay akbay saken with matching taas babang kilay pa.
"Talaga? Kahit anong gusto ko? Ililibre mo ko?" sabe ko nang may nakakalokong ngiti. May bright idea kasi ako.eh. hihihi
"Oo, ba!"
"Talagang talaga? Baka magsisi ka?!"
Pagdating namin sa canteen namili na ko ng mga gusto kong kainin.
"Ate! Ate! Carbonarra, spaghetti, large fries, cheese burger, chocolate sundae, fried chicken, cookies n' cream shake, coke in can, large nova, piattos and hmm and yun lang po!" hanggang abot tenga yung ngiti ko nang humarap ako kay Dave. Sya? haha priceless.
"Sa susunod talaga hindi na kita sasabihan ng ganun para hindi na mabutas bulsa ko sayo. Grabe ka, may sawa ba jan sa tyan mo?" natatawa nyang sabe
"Ikaw ang nanguna, saktong gutom na gutom pa ko. Kaya ikaw din ang may kasalanan. Impossible ding mabutas yan bulsa mo noh. Kaw pa malakas ka yata kay tita!" nagtawanan nalang kami hanggang sa maka upo na kami. Naputol lang ng may napansin ako.
"Wait lang Dave?! Asan yung inorder mo?" kasi naman puro saken lang yung dala namen.
"Ha?! Okay lang. Marami kasi akong nakain kaninang umaga kaya im full pa!" ngiti nyang sabe
Hay naku Dave wag ka ngang ngumiti nang ganyan. Lalo akong nahuhulog sayo nyan eh.
"Oh sige!" susubo na sana ako nang may sinabe syang nagpakilig sa buong sistema ko.
"Makita lang kitang kumakain, busog na rin ako!" seryoso nyang sabe
Nasamid naman ako sa laway ko kaya naubo ako.
"'cough' 'cough' tubig"
Nang mahimasmasan ako. Kumain nako ng mga inorder ko. Habang busy ako sa pagkain itong kaharap ko naman busy sa pag titig saken.
Muntik nanaman akong masamid.
"Baket?" tanong ko nalang
"Wala! Ang sarap mo kumaen eh. Patikim nga!" sabay hablot ng tinidor ko.
Oh My Gee! Indirect kiss yun! Kinainan nya yung kinain ko at gamit pa yung gamit kong tinidor!
"Masarap nga! Akin nalang toh ah"
Hindi na ko nakapalag dahil ubos na yung carbonarra ko bago pa nyang sabihin na sakanya nalang.
Habang nilalantakan ko yung fries ko biglang nag bell na, kaya dalidali naming kinuha yung mga pagkaen ko. Sa classroom ko nalng pinagpatuloy ang pagkaen ng patago. Binibigyan ko rin yung katabe ko pero patago lang, sa bag ko kasi nakalagay para hindi halata ng teacher naming boring magdiscuss.
Nung uwian palabas na sa na ko sa corridor ng maalala kong mAy kukunin papala Ko sa locker ko.
Papalapit na ako kung saan may naririnig akong mga usapan malapit sa locker ko.
"Pre, sabihin mo nalang kaya! Hindi yung pati ako nahihirapan na rin dahil sa'yo!"
"Eh panu ko sasabihin? Hindi ko alam kung anong gagawin?"
"Ang torpe mo talaga kahit kelan. Bat di mo nalang ako tularan?"
"Anu kaba?"
"Tao malamang!"
"Ah kala ko hayup ka!"
"Di nga pre seryoso?"
"Anu ba'yan walang kwentang usapan. Wag na ngalang akong tumuloy bukas na ngalang" bulong ko sa sarili ko, pero pagtalikod ko palang parang narinig ko yung pangalan ko.
"Eh! panu si Ionna?"
"Bahala na pre. Sasabihin ko naman sa kanya eh pero ndi pa ngayon, siguro maiintindihan naman nya!"
Sumilip ako ng konti para makita kung sinoba yung nag-uusap.
Si Dave at Si Harvy? Bakit ano bang tinatago nils sakin?
"Basta pre back up mo ko ah!"
"Haha! Sige pre bukas nalang natin planuhin yung pangliligaw ah!"
Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Si Dave may liligawan? Eh panu na ko? Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin nya saken? Habang ako si t*nga umaasa na magugustuhan niya. Ginawa ko nman lahat para magustuhan niya ah! Nag papayat ako nagpasexy, umiinom pa nga ako ng cherifer para tumangkad pa ko eh. Tapos lahat lang pala ng yun balewala!
Naglalakad ako pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pinababayaan ko lang na tumulo nang tumulo ang mga luha ko. Wala akong pakialam kung may mababangga ako o wala basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.
Napahinto lang ako nang napagtanto kong nasa may playground na pala ako kung saan dito kami unang nagkakilala ni Dave. Naiiyak nanaman ako, lalo na nang naaalala.ko kung panu.kami naging magkaibigan at panu mahulog ang loob ko sa kanya.
~FLASHBACK~
Walang gustong makipaglaro saken dahil ang taba-taba ko. Hindi nila ako sinasali sa laro nila dahil mabagal daw akong tumakbo at madali akong hingalin. Maging sa taguan ayaw din nila akong isali dahil madali lang akong mahanap sa pagtataguan ko, pero isang araw may batang gustong makipagkaibigan saken. Tuwang-tuwa ako dahil may kalaro na ko. Simula ng araw na yun araw-araw na rin sumasaya ang araw ko. Nang dahil sa kanya nagbabago ang tingin saken ng ibang bata, nakikipag laro na rin sila saken at sinasali sa laro nila. Hindi na rin akp tinutukso ng ibang bata. Kaya ang tingin ko kay Dave, anghel na pinababa ng langit para pasayahin ako.
~END OF FLASHBACK~
Agos ng agos ang luha ko na parang walang katapusan. Halos mamaga na nung pag uwi ko sa bahay. Buti nslang wala pa sila mama at papa. Hindi na ko nakakain dahil pag kahiga ko na katulog na agad ako sa sobrang pagod.
=×=×=×=×=×=
Vote
Comment
BINABASA MO ANG
Mississippi (Short Story)
Historia CortaNang dahil sa 'Mississippi' mabubuo ang kanilang story? Paano kaya mangyayari yun? Curios ka? Read it and enjoy!