Panimula

38 1 0
                                    

Kahit hirap na sa pagtayo pinilit ko pa ring masaksihan ang pagkulay kahel ng repleksyon ng kalangitan na humahalo sa karagatan dahil sa papalubog na ang araw.

Apparently, this is not my most favorite scene in the world. I hate it's ironic way of saying goodbye as if there's always hope for every tomorrow through the enigmatic colours of now.

Dahil ang totoo, kahit pagbali-baligtarin natin ang mundo ay hindi na maibabalik pa ang mga nawala at ang mga nangyari na.

Itinaas ko ang mga kamay sa ere dahilan upang lumantad ang mga pahabang peklat sa aking pulso, maski ang hospital tag na nakasabit sa aking palapulushan ay malaya lang na tinatangay ng hangin kasabay ng puting hospital dress na suot ko na nang halos ilang buwan.

Nang mga oras na ito, gustong-gusto kong abutin ang langit. Nais kong ikulong ang pagkakataong ito sa garapon na para bang pag-aari ko ito. Inilabas ko ang Polaroid. Napangiti ako nang makuha ang perpektong anggulo saka kusang nagprint ang litrato—ang pang-apat sa listahan.

Masarap mabuhay, hindi na kailangan pa na magkaroon ng maraming dahilan kasi nang nilalang ng Maykapal ang lahat ng bagay sa sanlibutan ay wala Siyang ibang dahilan kaya niya ito nilikha kundi para maging balanse ang lahat... para matupad ang idinisenyo Niya.

"Hinihintay na tayo ng papa mo, Elise." Bakas ang pagkapagal sa mga mata ni mama base sa maitim na bilog na nakapaligid dito. Muli kong sinulyapan ang papakupas na kulay sa hangganan ng tubig at kalangitan.

Hindi ko akalain na kung kailan na nasa dapit-hapon na ako ay saka ko naman na panghihinayangan ang mga oras na nasayang ko. Pero wala nang pagsisisi ngayon, siguro tanggap ko na.

Sinuklian ko ng matamis na ngiti si mama bago ko siya niyakap nang mahigpit. Nagtagal pa kami nang ilang minuto bago ako bumitiw sa mainit na bisig niya.

"I love you, sweetie." Saka niya dinampian ng halik ang noo ko. Hindi na naitago ni mama ang mga luha sa kaniyang mata kaya mugto ang mga ito nang bumalik kami sa sasakyan.

Siguro sila mama at papa ang pinakamagandang nangyari sa akin kasi kahit sa dulo nang aking paglalakbay ay naramdaman kong nakasuporta pa rin sila sa akin, ano man ang nagawa ko noon.

Ganito pala ang pakiramdam na sa unang pagkakataon ay makatapos ka ng isang goal, na sa loob ng labing-walong taon na pamamalagi kosa mundo, pakiramdam ko ay ito ang unang beses na nakagawa ako ng tama.

Pinagmamasdan ko ang limang litrato na nasa kandungan ko habang nasa biyahe kami. Sa bawat litrato ay isinulat ko ang mga rason kung bakit masarap mabuhay, mga rason na sana ay narealize ko nang mas maaga.

Nilagyan ko na ng check ang natitirang kahon sa papel. Hindi ko inaasahan na natapos ko na ang listahan na ginawa naming dalawa ng aking kapatid bago siya tuluyang mawala.

Tuluyang kumalat ang dilim sa paligid habang papaalis kami sa dalampasigan ng San Juan, La Union.

Hagkan ko mula sa garapon ang aking kapatid.  Carpe Noctem, Elio.

...
Copyright© epitomeofpain, 2023

All rights reserved

No part of this story may be reproduced, stored in retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, photocopying or otherwise, without the prior permission of the author.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carpe NoctemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon