CHAPTER ONE

15 1 0
                                    

LOU VINCENT'S P.O.V:

Nandito ako ngayon sa hallway naglalakad, papasok na sana ako sa classroom namin ng may mapansin akong dadaang babae sa harapan ko kaya naman ten, tenenen, tenenen, ten, tentententen.... may naisip akong magandang idea hahahahaha... Siguradong tagkal ang yabang ng babaeng 'to kapag ginawa ko 'to sa kanya, nang makalapit siya sa harapan ko ay saka ko lamang napagmasdan ang kanyang mukha maayos s'yang manamit at maganda s'ya pero ang sama n'yang makatingin nakakainit ng ulo yari ka sa aking babae ka madadagdagan na naman ang listahan ng mga na bully ko hahaha...

Maya-maya pa.....

"Aaaaayyyyy" malakas na sigaw nang babaeng dadaan sana sa harapan ko matapos ko s'yang patirin at mapasubsob sa basang floor dahil may nagma-mop ng floor, ang janitor ng University... Hehehe ano ka ngayon?! sabi ko na nga ba wagi na naman ako hehehe... Pero nagulat ako ng mabilis s'yang nakatayo at biglang tumingin sa akin ng masama at saka ako nilapitan at bahagyang itulak dahilan para manlaki ang aking mga mata...

"Ano bang problema mo?"galit na tanong n'ya pa na lalong sumama ang tingin sa akin...

"Wala akong pakialam kaya kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin sa University na 'to at lalong-lalo na sa mga schoolmates kong mayayabang at masasamang tumingin katulad mo... Huh!" singhal ko pa sa kanya kaya lalo pang nanlaki ang kanyang mata at bahagyang matigilan...

Sigurado akong transfer lang ang isang 'to kaya wala s'yang alam sa mga rules ko dito...

"Mmmm! Kaya pala ganito na lang ang ginawa mo sa akin?!, Eh ano kaya kong gawin ko rin sa'yo ang ginawa mo sa akin ngayon tignan lang natin kung anong mararamdaman mo?!" sunod-sunod n'yang tanong at halata pa rin ang galit sa mukha at tono ng kanyang pananalita kaya naman ako na ngayon ang napanganga at nanlaki ng bahagya ang mga mata... Ngayon lang may sumagot sa akin ng ganito ka sarkastiko...

*LUNOK*

Napanganga akong muli ng hawakan niya ng mahigpit ang kwelyo ng polo ko at bahagya pa akong itaas sa ere at kitang-kita ko naman ang mga students na nanonood sa mga nangyayari ngayon...

Ano ang gagawin ko ngayon?!, ang tanga mo naman kasi Vincent eh... Stupid!, bakit ko kasi s'ya ginanon?!, Tsk, tsk, tsk...

"A-ano k-ka ba?!, hindi naman kita inaano ah?!," wala sa sariling usal ko at ngumisi naman s'ya dahilan para lalo akong makaramdam ng kaba...

"Hindi inaano?!" parang hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin... "Hah!" sarkastikong tugon n'ya pa kaya napaisip ako...

"A-ano ka ba?!, bitiwan mo na nga ako..." mahihimigan sa aking boses ang inis at kaunting galit kaya naman bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata... Kaya naman agad n'ya akong binitawan ng pabagsak at bahagya pang mapasalampak sa sahig kaya nanggalaiti na ako....

Bwisit ang babaeng 'yon...  nakakainit talaga s'ya ng ulo... Tsk!, badtrip....

Nang bitiwan n'ya ako ay agad na s'yang tumalikod sa akin kaya naman ng tuluyan na s'yang makalayo ay saka na ako tumayo at inayos ko na ang aking sarili. Badtrip naman oh!, first day na first day ganito na agad ang nangyari badtrip....

Naglakad na lang ako papuntang room at nang makapasok ako ay agad ko na ring nakita sina Felix, Oliver, at Tom na seryoso sa kani-kanilang ginagawa nakaupo na sila sa kani-kanilang upuan kaya naman nilibot ng aking paningin ang kabuuan ng room na 'yon at nakita kong mangilan-ngilan na lang ang bakanteng upuan at talagang naka-arrange ah.. ang arrangement ay boy, girl, boy, girl, boy, girl, boy kaya naman ng lingunin ko sila Felix ay nakatingin na rin sila sa akin at saka ngumiti at kumaway...

"Accidentally In Love to the group of playboy" [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon